" T-Teka saglit H-hndi kita kilala at nasasakal ako! Hoy tangina b-bitaw! " Reklamo ko. Hndi ko siya kakilala or kaano-ano pero kung makayakap ito daig pa ang pinsan ko na kahit beso-beso ayaw gawin sa'kin. Nag pepeleng gold kasi pinsan mo Fhey, duhh. Kahit hindi naman bagay sa kanya!

 " Of course hindi mo'ko knows, because ngayon lang tayo nakakilala, duh. But I saw you in hallway kanina— Ikaw ha, ang strong mo naman para patolan si King! O.M.G babe, okay ka lang ba? Gosh ang galing mo! Alam mo ba na ikaw palang ang nakagawa nun sa kanya!!? Hahaha O.M.G! grabe ang mukha ni King kanina! Ang gwapo niy— I mean ang galing mong galitin siyaa yieee!!" Mahabang linya niya at may payugyog pa siya sa'kin, na akala niya 'di ako nasasaktan sa ginagawa niya.

 My God, masyado siyang madaldal at hyper! Napatawa ako nang awkward sa kanya. 

 "Ay oh nga pala, I forgot. I'm Missy Jane Leandro, nice to meet you!" Pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya sakin.Kinuha ko 'yon at ningitian siya nang matamis. Mukhang masarap siyang kaibiganin. 

 "Fhey Luna Cortez, tawagin mo akong Fhey or Peng. " Sagot ko sa kanya. Lumaki iyong mata niya. Kung hindi maganda 'to masasabi kong abnormal siya.

 "O.M.G!? For real?!­ Ang cute ng name mo babe, lalo na ang Luna don't you know? Luna means fullmoon? Teka, tama ba? Ah nevermind! Ang importante is ang pretty at ang unique ng name mo!! " Tili niya na naman at niyakap na ulit ako. Shitty, ang hilig niyang mangyakap. Napangiti ako sa sinabi niya.

 " Call me Peng na lang. " Kombinseko at tumango siya.


 PURO discuss lang ang ginawa ng mga Professor namin, but sad to say wala akong maintindihan dahil sa kakulitan at kaingayan ng aking katabi. Ang daldal niya masyado, like heck hindi siya na uubosan ng tanong at topic. At dahil nga mabait ako at masama ang hindi sumagot sa mga tanong ay sinagot ko lahat ng mga katanongan niya hanggang sa matapos at magpaalam na iyong last Professor namin. Parang gusto kong lagyan ng stapler ang bibig niya. 

 Agad kong niligpit lahat ng gamit ko at nilagay sa bag ko.Cheneck ko pa if baka may nakalimutan or something na nawawala. Binalingan ko ng tingin si Missy nang tawagin niya ako sa weird niyang C.S sakin. 

 Oo binigyan niya ko ng CS, cute raw kasi. Napailing ako sa babaetang 'to. 

 " Buwan ko.." Tawag niya sa'kin. 

See!? Ang weird at cringe ng CS niya. 

Sabi ko Peng na lang pero ayaw niya, hayts. 

 "Hmm??" Tanging sagot ko rito. " Sabay us papuntang Cafeteria ah. Then, libre ko you." Dugtong niya at ngumiti. Basta libre, game ako riyan, suss! Sabi kasi ni Nani sa'kin... Kapag nanlibre ang isang tao, huwag daw tanggihan dahil blessing daw iyon. Blessing! " Sure ba, basta libre ahh." Pagsangayon ko at komperma na libre talaga. Malay mo prank lang. "Sure sure, ako bahala sayo my buwan ko." sambit niya at pinulupot ang braso niya sa braso ko. Agad naman kaming lumabas sa classroom at tinahak ang daan papunta sa cafeteria, total nagugutom na rin ako. May baon naman ako rito na niluto ko kanina, kanin tsaka piniritong bangus na may kasamang ampalayang may itlog.

 Favorite ko mga 'to! Sarap kaya. 

 Nang makarating kami sa cafeteria, ay agaran kaming nag order ni ng pagkain at naghanap ng vacant table at doon nag start kumain. May kalakihan din itong cafeteria, ang ganda pa ng desinyo. May limang Chandeliers kasing mamahalin na Nakasabit sa taas nito. Parang na sa magarang restaurant lang ang peg ng cafeteria namin.

 Sosyal! 

 Magkano kaya ginastos nila sa school na 'to? Napabalik ako sa ulirat ng may maalala at alam kong ang taong kaharap ko ngayon na busy sa pagkain, at chismis sa'kin na hindi ko naman maintindan, dahil na sa ibang planeta ang utak ko ang makakasagot lang ng tanong ko.Total matagal na siya rito at kanina siya ang tanong nang tanong sa'kin so, babawi ako para kwits kami. Tumikhim muna ako bago magsalita. 

That Nerd is Mine (Completed)Where stories live. Discover now