Asa sila mga ulol.

Inayos ko na lang ang eyeglasses kong suot at binasa ang schedules ko.

Naglalakad ako nang medyo mabilisan habang abala sa pagbabasa ng school guidelines ko nang may namataan akong tumatakbo at nakabangga ko pa, kahit umiwas na ako.

Shotangina, wala ba siyang mata!?
Umiwas na nga ako, binangga pa talaga!

Sa subrang lakas ng pagkabangga ko sa kanya ay sumalampak ako sa malamig na sahig at unluckily, ang salamin ko! Nalaglag at natapakan ng bumangga sakin!

My eyes got widened. Huhu ang baby kooo!!

Bigla akong nakaramdam ng inis.

Anak ng pesteng yawa naman oh!

" Tsk! Bullshit woman! Are you blind or what!? You bumped me! " Cold tone niyang reklamo sa'kin. Pagalit pa ang boses nito.

Aba, tarantado...  Linya ko iyon dapat!

Ako pa talaga ang bulag e siya 'tong tumatakbo kasama mga alagad niya na ngayon nanonood lang. Napukaw din namin ang mga atensiyon ng mga students dito na kinaramdan ko ng hiya.

Shit, I hate attention.

Agad akong tumayo para sagotin sana ito, pero ang labo ng paningin ko kaya kinapa ko muna iyong salamin ko at tinignan ang kawawa kong salamin. Nagkaroon ng crack yawa, pero sinuot ko pa rin. Nang suot ko na ito, agad nanlaki ang mga mata ko at halos hindi na makahinga dahil ang lapit ng mukha niya sakin. A-amoy ko ang mabango nitong hininga, parang ment. Nakayuko ito sa'kin dahil hanggang balikat niya lang ako habang matalim na tinititigan ako sa mata.

Oo na pandak na ako!

At least Kyut!

Napalunok ako sa sariling laway nang wala sa oras, nang masilayan ko na ang mukha niya.

Puta...

Shit.

Jojowain.

Mamahalin.

Pakakasalan.

Kakaldagan nang malakas at aalagaan!

Holy God. Bakit ang gwapo ng yawang 'to? Pansin ko rin na may mga tattoos ito sa leeg. Nakina estatwa ko.

Adik ba 'to?

Poging adik!?

Nakakatakot ang awra niya. Nanlalambot ang tuhod ko pero tiniis ko 'yon. Naalala ko kasi, gold pala ako, kaya dapat chill lang.

Pero in fairness mga dude, ang ganda naman ng lahi niya. Gago ano ba Peng! Kung ano ano ang pumapasok sa utak mo hoy!

Inaaway tayo self! Bullshit woman ka raw at bulag!

Payag ka nun?!

"Breath Woman." Sambit niya na ikinabalik ng ulirat ko at nahimasmasan. Napalun­ok ako at umusog bahagya paatras sa kanya.

"B-Bayaran mo iyong salamin kong binasag mo. " Kalmado kong sambit. Kinangiwi niya ito at umalis sa harap ko.

Bastos ampota! I'm still talking, may kasalanan pa siya!

Narinig ko pa itong nag "Tsk" at Lalagpasan na niya sana ako nang pigilan ko siya sa suot niyang medyo mahabang leather jacket. Like the fuck? Ang init init naka-jacket ang baliw?

Students around us gasped and got shocked when they saw what I did. Tss, wala akong pakialam, big deal sa kanila ang paghawak ko sa lalakeng 'to?

Need niyang panagutan at bayaran ang salamin ko 'no! 200 pa naman 'to, Loll.

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now