"Salamat Dean. ” Nakangiti kong pasasalamat. May inabot siya sa'king tatlong ducuments. Tinignan ko iyon.

“ Sign these ducuments first before you leave. ” Paliwanag niya.

Tumango ako at pinirmahan ang mga iyon, hindi ko na binasa. Tinignan ko lang.

“  Done na po, mauuna na po ako, thank you po ulit. " Paalam ko. Ningitian ko pa ito bago tumalikod para umalis.

Nang makalabas ako sa opisina nito ay agad kong tinignan ang schedule ko. 8:30 am pa mag sta-start ang first subject ko.Tinignan ko ang Roleks kong mumurahin, 7:20 am pa lang, may oras pa'kong mag enjoy at gumala rito.

Pero saan naman ako pupunta? I'm newbie, wala akong kakilala. Magmumukha akong tanga na paikot-ikot dito. Maybe I'll go na lang sa room ko.

Yes, tama! Iyon na lang.

Na sa main hallway ako ng university, masasabi ko na puro mayayaman talaga ang pumapasok dito. Halos iyong mga pananamit at galaw nila rito halatang naliligo sa pera.

High class!

Eh ako?

Basta, tao ako! Isang magandang tao!

Nakakainggit, laking hirap ako mga dude. Kaya tudo sikap ako makapagtapos, gusto kong makapagtayo ng sariling restaurant!

Simula kasi nang mawala si Tatay at nagkasakit si Nani wala ng nagtatrabaho sa pamilya namin dahil tumigil si Nani sa pagtitinda ng mga isda sa mercado. Dalawa lang kaming mag kapatid, si Tisoy Grade 9 student sa Laguna. Kaya ito rin ang dahilan ko kung bakit ako lumuwas ng Maynila para maging working student.

Yes, nagtatrabaho ako sa isang 24/7 café. Gabihan iyong duty ko, 2:00 am na'ko nang umaga umuuwi, off duty ko iyon. Well, hindi naman ako natatakot umuwi gabi-gabi dahil kasama ko ang dalawa kong kaibigang sina Jeff at Linlin, pareho kaming lugar na pinagtatrabahoan eh. 2,000 per week 'yong sahod. Kalahati doon iniipon ko para ipadala kina Nani, ako na lang 'yong inaasahan nilang dalawa ni Tisoy. Ito rin ang dahilan kung bakit ko sinikap kumuha ng scholarship sa YCU dahil sa 30,000 pesos na allowance per month. Naisip ko kasi na malaking tulong 'yon kay Nani para sa mga gamot niya, gastosin sa kanila at sa'kin.

Napangiti ako nang mapakla nang maalala sina Nani at kapatid ko. Miss ko na sila.

Ngayon ko lang pansin, may mga students dito na hindi maiwasan na tumitingin sa'kin at pinagmamasadahan ako ng tingin. Na akala mo kung makatingin 'kala mo ngayon lang nakakita ng new species.

Or baka naman nagagandahan lang sila sa'kin?

Napatingin ako sa tatlong babaeng ubod ng kolorete ang mukha. Halos Mapangiwi ako sa ikli ng suot nilang skirts. Tinitignan kasi nila ako habang nakangising aso at parang nandidiri.

Mga gago.

Kung sabunotan ko kaya mga 'to?

Pero naalala ko pala, masama ang pumatol sa hayop. Baka makulong ako, kasohan ako ng animal abuse, hayts.

Nagmamadali silang umalis at nilampasan ako, at binangga pa talaga ako ng isang bruha sa kanila sa balikat.

As in gaga ba siya?

Nakakainis ah.

"So Cheap." Rinig kong parinig ng isa sa kanila sabay tawa. Tss, mga bruha!

Mama mo cheap!

"So ChEaP.." Panggagaya ko habang naglalakad at napa-irap nang palihim. Heh! Akala nila sila lang mataray? Pwes mali sila ng binangga.

Usapang tarayan professional ako riyan! Papunta pa lang sila, pabalik na ako with sindamakmak na medalyon!

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now