Free uniforms, but three times a week lang kung mag uniform dito sa university. Free bills sa school, basta lahat libre. May matatanggap akong 30,000 pesos per month, allowance ko galing school. Ang swerte ko lang ano?

Kaya laking papasalamat ko talaga na ipinanganak akong may mga malulusog na braincells. Wala na'kong Tatay dahil pumanaw na iyon dahil sa nahulog daw ito sa puno ng niyog ng  one year old pa lang ako.

Well, iyon ang sabi ni Nani eh.

Then si Nani naman, na sa probinsya sa Laguna kasama iyong kapatid kong trese-anyos na si Timothy or Tisoy sa palayaw niya. May sakit kasi sa puso si Nani kaya nandoon sila. Ako naman nandito sa maynila sa tiyahin kong pinaglihi sa dragon at mangkukulam nakatira at pinag-aaral ako at ginagawang katulong para may ambag raw ako sa pamamahay niya at hindi palamonin.

Tsk! Iyong anak niyang bruha ang palamonin lol! Araw-araw make up ang hawak, kung hindi make up... Cellphone!

Ta's kung makapang-lait siya sa'kin akala mo saksakan ng ganda.

Pero kahit ginagawa nila akong katulong sa bahay nila ayos lang, at least kaya ko 'di ba? Tsaka ang hirap mag boarding house rito.

Mahirap gumalaw sa Maynila kung walang laman ang bulsa mo.

Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si manong guard.

Ano ba 'yan kung ano-anong pumapasok sa isip ko! Hays..

" Nako, matalino ka pa lang bata. " Puri nya sa'kin.

Ito namang si kuya, masyadong pinapalaki ang ulo ko. Pero in fairness, agree ako sa kanya!

"Naks manong, hindi naman. Sadyang malulusog lang talaga mga braincells ko, hehe." sagot ko sa kanya. Napailing naman ito at tawa.

" Sige na nga, pasok na ikaw. Good luck sa first day!" Sabi ni kuya sabay saludo sa'kin. Nagpaalam na rin ako sa kanya.

"Bye po manong!" Sabi ko rito at nag salute rin sa kanya at lumakad papasok.

This is it Peng-peng!!

Dito na magsisimula ang future ko, char. Agad kong tinahak ang napakalawak na daan na habang palinga-linga sa ganda ng palibot, taena ang gara.

Ang ganda talaga, kasing ganda ko.

Sana palarin ako rito at makahanap ng mga kaibigan. Sana lang..

Pero seryusong tanong mga tol, pwede kayang magbenta ng pulboron dito?

Kasi if ever na allowed dito, magbebenta ako! Gawin kong  tig 30.00 pesos taga piraso. Okay lang iyan, mayamanin naman sila.

Keri nila ang 30.00 pesos!

Tinahak ko ang daan papasok sa malaking building nang nakangiti. Magpakabut­i ka self, kaya natin 'to Fhey Luna Cortez para future!

Fighting mga dude!! Kahit hindi tayo pinaglaban!!

Nang makapasok ako sa loob ng building ng university ay agad na bumungad sa'kin ang malaking Information board yata na agad kong nilapitan. Inayos ko pa bahagya ang salamin ko bago hinanap sa board ang hinahanap ko.

"Ayon.." I mumbled when I saw the school map. I need to go in my Program Dean's office. Need ko kasing kunin at kompermahin ang schedules ko roon. May need din akong pirmahan.

Agad naman akong napatango sa hangin.

"Sa 2nd Floor.." Sabi ko sa sarili ko sabay talikod at tinahak ang daan papunta doon. Muntik pa 'kong maligaw dahil sa subrang laki ng schoo! Grabe talaga!

Mapapasanaol na lang ako.

Nang marating ko na ang pinto ng Dean's Office, tinignan ko muna ito at binasa ang nakapaskil sa pinto.

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now