Love you too joke (zone)

146 3 2
                                    

Love you too joke (zone)

(BoyxBoy)

-Note: If you are against homosexual, then DON'T READ THIS.

This is a nonfictional story, It's base on my stupidity of loving someone that I don't really love, Yeah, nonsense right? I know. Seriously that's plain stupidity, well I do believe in God that this is just a lesson, Remember, before loving someone make sure that your feelings is real. Don't be spontaneous and reckless, You'll just get hurt in the end. That's all.

Manhid. That's the exact word to describe him. Bakit nga ba may mga manhid na tao? Ah, kasi ano ba'ng malay nila na may nagkakagusto na pala sa kanila? Ano nga ba ang malay nila na may isa na palang tao na palihim na tumitingin sa kanila? Or to be specific, sa kanya? And worst, ang may gusto pa sakanya ay taong malapit sa kanya.

And who am I referring to? Oh, of course, to myself.

Ang hirap lang ng ganito, palihim ka na tumitingin, palihim ka na nag e-expect, palihim ka na umaasa, palihim ka na ngumingiti pag may nagawa siyang maliit na bagay na para sayo eh big deal na, at todo assume ka, kasi nga mahal mo siya, pero ang pinakamasakit, palihim ka na nasasaktan, and that 'thing' is the most famous and common situation para sa mga nag-iisang umiibig. The-oh-so-called "One-sided love."

Kailan ba naging masama ang magmahal? Nagkaroon ba ng batas ang pagmamahal? Bakit pag sa pagmamahal kailangan babae at lalaki lang, for boy and girl lang, paano naman ako? Gay na totally in Love sa isang boy?

Sakit no?

Sa mundong ito maraming mapangmata, kesyo nakakasuka, nakakadiri, nakakasuklam, masakit sa paningin' judgmental people is the reason why I'm being a misanthrope, I hate them, ayoko ng hinuhusgahan nila ang mga third sex na may relasyon sa kapwa lalaki, madami namang ganun e, ang akala kasi nila ang habol lang ng mga bakla e katawan ng lalaki. Pero sino ba ang niloloko ko? Lahat naman ng tao mapanghusga. Hindi na bago iyon.

I'm not that kind of 'typical' gay, na kung maka pag make-up at maka pag pang babae eh kala mo ang ganda tingnan, me, I'm just a normal, or in other words, normal lang hindi ako nag ma-make up ni hindi nga ako nangarap na maging ganap na babae, ewan ko ba kung bakit ako isinilang na ganito? Maybe nagkamali ako ng katawan na pinaglagyan.

Kasi pusong babae ako, at nasa katawan ako ng katawan ng lalaki, all of them, always saying na "Sayang ka, ang gwapo mo pa naman." Eh tang'na pala eh, kasalanan ko ba na ganito ako? Yes, I have a nice and adorable face, may nag ka crush pa nga sa'kin noon eh, nung nasa gradeschool ako, ewan ko ba dedma na lang sila sakin.

Naalala ko pa no'n yung may umiyak na babae sa harap ko, begging me to accept her feelings, pero anong ginawa ko? Sinampal ko siya, aba wag niya akong artehan ng gano'n, ayoko pa naman ng dramas. I hate it. I just hate it.

Pero karma ko nadin siguro ang nangyari sa'kin ngayon, maybe sinumpa ako nung babaeng sinaktan ko, kaya eto ako ngayon. Heartbroken. Ang sakit pala pag One-sided.

Flashback

Hays, Levi Ackerman. Bakit kasama ko siya sa room ng NAT? Paano ako makakapag concentrate niyan? Kasama ko ang crush slash love ko sa iisang room? Letche.

Naglalakad na ako sa corridor ng makita ko siyang papalapit. Shet. Ayoko talagang nasa sight ko siya eh, kasi eto na naman ang stupid beat.

My Heartbeat.

"Hi Eren! Snobber ka ah? Famous? Hahaha." sambit niya.

Diko na lang siya pinansin, pero napapangiti ako. Kyaaaaa, ano ba naman yan. Bakit ba kasi nilikha pa ang isang tulad niya.

Love you too Joke zoned.Where stories live. Discover now