"I like you po. Ay! I-I mean like you, successful like you." Nauutal-utal na sagot ko at lalong hinigpitan ang paghawak sa I.D. card ko.

Good thing at busy sa pagpapractice ng sasabihin 'yong mga kaklase ko kaya hindi nila gaanong nabigyan ng atensiyon ang mga pinagsasabi ko.

    "Thank you Ms. Asuncion, p-pwede ka nang umupo. " He stammered.

Oh my God, parang puwede na rin akong mamatay. Nag-iinit ang mukha ko habang naglalakad ako pabalik sa armchair ko, gusto ko pa nga sanang manghampas ng katabi dahil sa ibang klaseng kilig na nararamdaman ko ngayon.

  "Bartolome." Muling nagsalita si Pheobus.

Hindi na tuloy ako makatitig sa kaniya nang diresto ngayon, pansin ko rin na nag-iiwas siya ng tingin sa akin. Myghad Phoebus, masyado kang obvious!

Kahit hate na hate ko ang subject na tinuturo niya ay nakayanan ko paring tumagal, naintindihan ko pa nga 'yong lesson namin ngayon at ang bilis kong sumagot. Mabuti na lang at wala pang computation sa mga tinuturo niya kaya nakakapag-pabibo pa ako.

Ang galing pa rin magturo ni Pheobus, naaalala ko tuloy noong araw na nag substitute teaching siya noon sa section namin na Grade 1-Sampaguita.

'Yong galit ko noon dati sa kaniya dahil sa pag-reject niya sa akin ay napalitan na naman ng paghanga.

   "Ang galing mo magdrawing ah."

Sinarado ko ang notebook ko at tiningnan nang masama itong feeling close na katabi ko. Ngumuso pa ako at inirapan siya.

   "Den nga pala, baka hindi mo ako pinakinggan kanina." Pagpapakilala niya pero hindi ko siya pinansin.

Baka mapagalitan pa ako ni Pheobus kapag nakita niya akong nakikipag usap habang nagkaklase siya 'no!

"Crush mo si Sir 'no?" Panglingon ko ulit sa kaniya ay malaki na ang ngisi niya

Ibang-iba kami dahil ako ay nakabusangot na ang mukha. Ang sarap niya tuloy sungalngalin! "Shh!"

     "Crush mo nga 'no? Ang ganda ng pagkadrawing mo sa kaniya."

"Tumigil ka nga!" Napasigaw ako kaya natigilan si Pheobus sa pag-discuss. Humalukipkip siya at tiningnan kaming dalawa nitong bugok na ito.

      “Yes?”

Nakakainis kasi!

“Sir I'm sorry, siya kasi kinukulit ako.” Dali-dali akong nagpaliwanag.

    "Ha? Tinatanong ko lang naman kung crusswhshwsh-" kaagad kong tinakpan ang bibig ni Den gamit ang palad ko, pero pilit naman siyang nagpumiglas.

      "Tinatanong ko lang naman kung crush mo-"

"Oo na Den! Crush nga kita manahimik ka na lang, please! Okay? " Sabi ko kaya natigilan na rin siya.

Tumili ang mga kaklase ko at kinantiyawan kami kaya napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.

Kotang-kota na ako ngayong araw ah!

"Unang araw palang minahal na kitaa!~"

Aba't talagang may kumanta pa!

    "Totoo ba 'yon?" tanong ng bugok na ito.

   Syempre hindi, buwisit kasi! Ilalaglag pa ako kay Phoebus, mamaya magulat 'yan at i-reject na naman ako! Okay na nga akong i-admire siya from afar, e.

   "Enough of that, focus on me. Parang walang prof sa harapan ninyo, ah?" seryosong sabi ni Phoebus na nakapagpatahimik sa lahat.

Pasimple kong sinulyapan ang mukha niya, bakas sa expresyon niya ang gigil at inis. Ang kulit ko kasi na estudyante na-disappoint ko tuloy siya!

Hanggang sa matapos ang discussion ni Phoebus ay nakakunot pa rin ang noo niya, pagkatapos itong si Den naman ay kinukulit parin ako.

   "Sir may time ka pa, magkwentuhan muna tayo!" Ani nung kaklase kong babae na kanina pa nagpapapansin kay Phoebus. Hindi naman siya maganda, malaki lang 'yong dede niya!

    "Oo nga, Sir!" Sabi pa noong isa na plakadong-plakado ang kilay.

Umikot ang mata ko at napamura nang mahina dahil sa mga papansin na ito. Akin lang si Phoebus! Ako ang nauna kaya back off classmates!

   "Nako type niyo lang si Sir, eh!" Sabi nong isang matangkad kong kaklase na kanina pa nag-jojoke.

"E, Sir may girlfriend ka na ba?" Tanong pa nong isa.

Biglang tumalas ang pandinig ko at naghintay rin sa isasagot ni Phoebus.

Curious din ako!

Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Sandali lang iyon pero iba 'yong naramdaman ko, lalo na noong umiling pa siya. Umirit at naghampasan 'yong mga kaklase kong babae at binabae, nagkikilitian pa nga sila at kunwaring nagpiprisinta na maging jowa ni Phoebus.

Ako na lang kasi!

Sir, Can I Be Yours?Where stories live. Discover now