SPECIAL CHAPTER III

Start from the beginning
                                    

Wait naisip ko lang-- Ba't naging maamong tigre siya bigla? Hmm, what if totoo pala yung panaginip ko kaya siya naging ganito bigla kasi may kasalanan siyang ginawa? What if totoo palang sa lalaki pa rin pala talaga siya uuwi at hindi sa babaeng kagaya ko? Paano na ang anak namin? Paano na ako?

Sa mga naisip ko ay hindi ko naman maiwasang masaktan at mapabuntong hininga ng malakas dahilan para mapabitaw sa yakap ko si Astrid habang kunot sa noo akong tinignan.

"What's wrong, baby? Kanina ka pa ganyan nabo-bother na ako. Come on, tell me." Kung kanina ay mukha siyang dragon, ngayon naman ay mukha na siyang maamong tuta. Napatingin naman ako sa kanya at nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba ang napanaginipan ko kanina o hindi nalang. Umiwas naman ako dito nang tingin bago sinambit ang mga salitang nagpakaba sa puso ko.

"N-napanaginipan kita kanina na may kabit ka daw." Kagat ang labing pag-amin ko at parang maiiyak sa isipang kung ano ang isasagot niya. Natahimik naman ito bigla at ilang sandali pa ay naramdaman ko naman ang mga kamay nitong nasa pisngi ko na at pilit akong pinapatingin sa kanya.

"Hey baby, look at me." Tumingin naman ako dito habang naluluha ang aking mga mata dahilan para lumambot ang ekspresyon niya.

"Shh don't cry okay?And with that dream of yours, it's not gonna happen baby. Mahal na mahal kita kayo ng mga anak natin para gawin ko yun, you know how much I love you right?I'll never do that to you and isa pa natuto na ako from our past, sayong-sayo lang ako nerd kaya tahan ka na will you?Ang iyakin mo talaga!" Niyakap ko naman siya ng mahigpit at binaon ang mukha ko sa dibdib niya at doon tahimik na umiyak.

"Sorry wife, kung nago-overthink ako. Hindi ko lang kasi maiwasan at pasensya na din kasi pinaghihinalaan kita. I'm sorry, mahal, sorry hindi na mauulit." Mahinang sabi ko habang siya naman ay tahimik lang na hinahaplos ang buhok ko. Ilang saglit lang ay tumahan naman na ako sa pag-iyak at nagpasyang tingalain siya na ngayon ay nakatingin na sa akin na may buong pagmamahal na nakaukit sa kanyang mukha.

"It's okay, baby; panaginip lang naman yun at malabo yung magkatotoo. Stop overthinking na. I love you, nerd, so much." Napangiti naman ako sa sinabi nito at pinahiran ang aking luha na natuyo sa aking pisngi.

"Mahal na mahal din kita asawa ko. Pasensya na talaga kanina ah?Di bale hinding-hindi na ako mago-overthink sa susunod. I love you mahal." She smiled at me with full of love at ilang sandali pa ay magkadikit na ang labi naming dalawa at tahimik na ninanamnam ang matamis na halik na aming pinagsaluhan. Bumitaw naman agad kami ng maubosan nang hangin habang siya ay agad na yumakap sa akin bago ibinaon ang mukha sa leeg ko.

Inaantok na yata ang misis ko. Anong oras na ba ngayon?

Yung ganitong pakiramdam talaga ang sarap lalo na kung yakap mo ang taong mahal mo at nakakulong siya sa bisig mo. Napangiti naman ako sa isipang, yun bago siya niyaya na umakyat na kami sa taas. Anong oras narin kasi at paniguradong bukas ay maaga pa siyang aalis sa trabaho.

"Carry me, baby, I'm sleepy na." Napailing nalang ako sa pagpapacute niya sa akin bago siya kinarga ng pa bridal style. Pasalamat talaga siya at mahal ko siya hmpf!

"Okay, kumapit kang mabuti." Sa sinabi ko ay agad naman, itong kumapit na parang unggoy dahilan para mapangiti ako.

_

"Huy Ulan, tulala ka na naman diyan, abaa!"

Nagising naman ako mula sa malalim na pag-iisip ng maramdaman kong may tumama sa noo ko na kung ano mang bagay ang nagpabalik sa akin sa wisyo. Kinuha ko naman kung ano yun at siningkatan nang mata si Nicole na tawa ng tawa kasama si Jamie at Stacey na nagtataka akong tinignan while Annicka ay nakangiti lang na pinagmasdan kami.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now