Alam ko ang ibig niyang sabihin doon, pero ayokong magbigay ng kahulugan. I can read between lines but I don't want to give meaning on it. I don't-- I just don't want to... assume..

Umalis ang babae na parang napahiya kasama ang mga kasama nito.

Sinong hindi mapapahiya? Sinabihan ka ng crush mo na mas gusto nitong maka-date ang isang puno keysa sayo?

Kung ako yan nasuntok ko na yung walang hiyang lalaking iyon.

Nakita ko ding unti-unting nawala na ang usok sa loob ng cafeteria.

As far as I know, he possess the black fire, how come he can summon smoke?

Tumayo ako at hinila si Trevor sa labas ng cafeteria. Dadalhin ko sana ito sa central wing ng school para matanong pero iba ang nangyari.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at hinawakan ang kamay ko at siya na ngayon ang humihila saakin patungong gate ng school.

"H-hey! Wait! Where are we going?"

"Somewhere." sagot nito ng hindi ako tinitignan.

Napasimangot ako ng pagdating namin sa gate, may isang kabayo doon na naghihintay.

San ba ako balak dalhin ng lalaking 'to?

Hinawakan ako nito sa beywang at isinakay sa kabayo. Nang makaayos ako ng upo ay siya namang pagsakay nito at pinatakbo ang kabayo.

"Trevor?" Tawag pansin ko dito.

Hindi naman ganon kabilis ang kabayo, tamang takbo lang.

"Hmm?"

"The smoke... a while ago, it's you right?" Tanong ko.

Alam kong siya yon dahil nung tumingkad ang kulay ng mga mata niya, lumabas bigla ang usok. Kaya alam kong siya yon.

"Yeah. That's me. That's my ability." Sagot niya.

"Ability?"

Ang kapangyarihan niya ay ang itim na apoy. In order to have an ability, it must be related to your power. Like Val, he possess the white fire, the purest fire or the healing fire. Yes. White fire can heal. So Val has the ability to heal. Same as Serene, water can heal, she can heal though, minor only. Jace possess the wind element, his ability to be invisible is related to his powers.

"Oo. I can summon smoke or fog but I can't control it." Tipid na sagot nito.

Napansin ko na tumigil na ang kabayong sinasakyan namin sa isang kakahuyan.

Bumaba na si Trevor kaya bumaba na din ako.

Akmang tutulungan ako nitong bumaba pero tinalunan ko lang ang pagbaba ko.

Sinamaan ako nito ng tingin. "You should have let me help you get down." Reklamo niya.

"What?" Inosenteng tanong ko. "I can get down myself."

Itinali nito ang kabayo sa isang puno. Pagkatapos ay nilapitan ako nito at hinawakan ang kamay ko at hinila.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil kahit saan ako tumingin, puro puno ang nakikita ko.

Sa isang minuto paglalakad namin, nakarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa hindi kalayuan.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Trevor at mabilis na tumakbo patungo sa narinig ko.

Napanganga ako sa nakita ko.

Behind those trees is a breathtakingly beautiful falls.

Hindi ganon kataas ang falls pero ang tubig na bumabagsak dito ay napakalinaw at kumikinang. Ang lawa sa ilalim ng falls ay napapalibutan ng mga magagandang bulaklak. May mga kung anong lumilipad din sa paligid na kumikinang. It's like glitters floating around the water and on the plants. Iba ang kulay ng mga kumikinang na iyon na nasa tubig at nasa mga halaman. Ang mga nasa tubig ay kulay asul na nakahalo sa tubig at ang mga nasa mga halaman ay kulay berde. At ang mga kumikinang naman na nasa ibabaw ng tubig ay kulay puti.

What are those? Are those pixies? But I doubt they're not.

Nakaramdam ako ng mga brasong pumulupot sa beywang ko.

Alam kong si Trevor ito pero hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagtingin sa magandang tanawin na nasa harapan ko.

"Beautiful isn't?" Naramdaman ko ang pagpatong ng baba niya sa kaliwang balikat ko. "That's the elemental falls."

Tumango ako. "What are those?" Itinuro ko ang mga bagay na parang glitters na kumikinang.

"Those are elemental spirits. Those white are the wind spirits. Those green are nature spirit and those blue ones are the water spirits. Pinaniniwalaan na ng mga elemental spirits ay ang kaluluwang ng mga namayapang elemental users."

"Elemental spirits? Those are only three, where is the other one? The fire?"

"Fire spirits can only be seen during night. They are like fireflies."

"Really?! I wanna see them!" Hindi maitago ang excitement sa boses ko na ikinatawa ni Trevor.

"Of course, you'll see them. This forest will be more beautiful at night because of fire spirits."

Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

Nakatingin lang ako sa falls na nasa harapan ko. Hindi ko alam na may ganito kagandang tanawin dito sa Netherworld. Masyado kasi akong nabusy sa mga bagay-bagay kaya nakalimutan ko ng libutin ang mundong ito.

"Baby? After the war, what are your plans?" Biglang tanong ni Trevor na bumasag sa katahimikan.

"Hmm? That..? I, actually don't know.." mahinang sagot ko.

Gusto kong hanapin ang mga magulang ko. Gusto kong hanapin ang isla namin. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula dahil wala akong alam kung saan ang dating lugar ng isla.

"I have plans." He said. "I have lots of plans." Iniharap ako nito sakanya.

"What plans?" I asked looking straight in his eyes.

"I wanna marry you." Saad nito na ikinatigil ng paghinga ko.

"Wh-what?" I breath.

He smiled. Hinawakan nito ang pisngi ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa beywang ko.

"Yes. I love you and I wanna marry you."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso to the point na ito na lang ang naririnig ko.

Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko. Halos magkadikit na ang mga ilong namin. Not to mention na sobrang tangos ng ilong niya.

He slightly brushed his lips on mine.

"I love you." He gave me a pecked on my lips. "I love you and I wanna have my happy ever after with you." And with that, he claimed my lips.

---

Author's Note:

Wiiiieeeehhh~~! Sing with me! I believe in ever after with youuu 🎶 yeaahhh🎵🎶

Hi!

Gusto ko lang sabihin na malapit na pong matapos ang istoryang ito. Few chapters to go. Anyway, gusto kong magpasalamat, advance thank you sa suporta at pagbabasa.

Kamsahamnida~~

-GabYuen

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beyond Mortals : Guardians [ON HOLD]Where stories live. Discover now