5| Mufasa

1.2K 95 40
                                    

CHAPTER FIVE

"Siguraduhin niyong malinis ang iniinom niya."

"Yes, Doc."

"Bye, sweetie!" Hinaplos ko ang ulo ng Iguana bago binigay sa amo niya.

Nang makalabas sila ng clinic ay bumaling ako kay Meatballs, mahina kong pinitik ang bowl niya dahilan para bumilis ang langoy niya sa walang direksyon. I giggled, sprinkling her food.

"Eat well, sweet—" Bumukas ang pintuan at automatic ang bibig kong bumati. "Good morning!"

"Maganda talaga ang morning kapag ako ang dumadating."

Inangat ko ang tingin sa kakapasok na customer, agad akong napangiti nang makita si Dashiel na nagtatanggal ng shades.

"Ikaw pala, Dashiel. Can I help you with something?"

Lumapit siya sa bowl ni Meatballs at pinantay ang mukha sakanya bago mahinang tinapik din ang bowl nito. He watched my fish swam aimlessly before he turned his gaze on me.

"Actually, nandito ako—"

"Sweetcheeks! May mga kailangan—oh, hello, good morning mister!" Lumabas si Uncle Pitt mula sa supply room at nang makita na may customer ay agad nagningning ang mga mata niya.

"Uncle, naalala niyo iyong sinabi kong customer na may kaibigan na alagang Lion? It was Dashiel. Dashiel, this is the resident Vet, Uncle Pitt," pagpapakilala ko sakanilang dalawa.

Nagkasalubong ang mga kilay ni Dashiel nang makipag-kamay kay Uncle. "Pitt?"

"Yes. Brady Pitt. Pitt for short."

"Nice, Dashiel Kent Maxwood. Ang dating nagpatibok ng puso ni Ursula."

"Pinatibok ko naman ang puso ni Valentina," nakangising sagot ni Uncle. "Sandali, Maxwood? Ikaw ba ang—"

Pina-singkit ni Dashiel ang mga mata saka ngumisi. "The one and only."

Palipat-lipat ang tingin ko sakanila, naguguluhan. "Ang alin?" singit ko.

Tumingin si Uncle sa akin. "Maxwood Construction Company."

Napasinghap ako at hindi makapaniwalang tumingin kay Dashiel na abot hanggang tenga ang ngisi.

"Construction worker ka sa Maxwood?"

Bumagsak ang ngisi niya at humagalpak naman si Uncle.

"He's the owner, sweetcheeks. Matibay ang mga semento nila. I'm a fan." Muling kinamayan ni Uncle si Dashiel.

"Thank you, Sir."

Tinapik siya ni Uncle sa braso bago tumingin sa akin. "Anyway, susunduin ko muna ang Nana mo. You know that woman doesn't have patience coat."

"Okay, Uncle. Mag-iingat ka." He kissed me on the cheeks before he tapped Dashiel's shoulder again and leave the clinic.

"So..." Dashiel drawled after a few moments.

I clasped my hands together. "So, dog treats again?" I offered.

Dashiel chuckled, shaking his head. "No. Ang totoo, nandito ako para pag-usapan ang tungkol sa Lion ng friend ko. I told him about your offer."

"Talaga? Pumapayag na ba siya?"

"Oo, pumapayag na siyang asawahin ka — este ipa-asawa ang alaga niya."

"That's great! Gagawa ako ng arrangement kay Sally—iyong kakilala kong may Lion din. Medyo matatagalan nga lang, makakapag-hintay ba ang friend mo?" tanong ko.

His BrideWhere stories live. Discover now