"There is a path here that leads to the town. Are you sure that you can manage?" she asked with worry.

Mabilis naman akong ngumiti at masiglang nagsalita.

"Don't worry! I can take it from here!"

Hindi naman malayo ang tinakbuhan namin kaya sigurado ako na makakauwi din ako mula dito. Mukhang naalala ko pa naman ang daanan pabalik ng palasyo.

"Very well." She said. "I will definitely pay you back the next time we'll meet."

"Naku, 'wag na!" kinikilig ko pang sabi.

"Princess Chin." She suddenly called my name using that serious voice.

Mabilis naman ako napatingin sa kanya lalo pa na't sobrang seryoso ng boses niya.

"There is something I would like you to remember." Seryosong wika niya.

"Huh? Ano naman 'yon?"

Her cold and serious eyes looked directly into my face. Because of the way she's looking at me, I think I just felt my stomach twitch.

"Whatever happens, you must never trust the Emperor." She said. "He won't kill you now, but once the truce between your empires ends, he won't think twice about feeding you to his wolves, just like what he did to my brother. He's a man who's incapable of love. Be careful."

Those were her last words before she disappeared in the middle of the dark forest. But until now, her words kept echoing in my head.


***

Hindi naman siguro ako papatayin ng Emperor, 'di ba? I mean, may truce pa ang mga empires namin kaya hindi niya pa ako pwedeng patayin.

Pero teka, bakit naman ako matatakot na mamatay? Hind ba 'yon naman ang gusto ko para makabalik na ako sa mundo ko? Ngunit baka kapag pinatay niya ako ay matuluyan akong mamatay lalo pa na't wala pa akong nahahanap na sorcerer na pwedeng tumulong sa akin. Ay, ang gulo na besh!

Iyan lang ang iniisip ko magsimula nang sabihin sa akin ni Princess Jia ang bagay na iyon. I mean, alam ko naman na walang puso at napakasama ng ugali ng Emperor. Kaya hindi na ako magugulat kung patayin man ako ng Emperor na iyon sa pagbalik ko ng palasyo.

Naglalakad lang akong mag-isa sa gitna ng daanan habang papalabas na ng madilim na kagubatan.

Pero bigla akong natigil sa paglalakad.

Huh?

Ano 'yon?

May naririnig ako na isang malambot na musika sa gitna ng madilim na kakahuyan.

It sounds like...a flute?

At sino naman ang tutugtog ng flute sa gitna ng kagubatan? Wait, may multo din ba sa manhwa na ito? Nag-iba narin ba ang genre ng story? Naging horror nalang ba dahil magkagalit ang dalawang protagonist?!

Oh, no. Hindi pwedeng mangyari ito!

Magwawala na sana ako nang biglang magawi ang tingin ko sa direksyon na pinagmumulan ng magandang musika.

And there he is.

May isang lalaki na nakaupo sa isang sanga ng malaking puno habang tumutugtog ng hawak niyang flute.

Huh? At sino namang adik ito na tutugtog ng flute sa gitna ng madilim na paligid?

Naglakad pa ako palapit sa puno na kinauupuan niya para mas makita ko ng mabuti ang mukha niya.

Pero naramdaman ko nalang ang unti-unting panlalaki ng mga mata ko nang makita ko na ng tuluyan ang gwapo niyang mukha.

He has this long and soft black hair that's being caressed by the cold wind. His eyes are closed while he feels the sound of music in his ears.
Nakasuot siya ng itim na armor. But that black armor can't hide the soft features of his pale white skin.

Yes. He's none other than Qingyuan. The second lead male, who's fated to fall in love with the female protagonist!

He's the leader of the Death Order, the best warriors of the Emperor Zhang Wei. Magkababata din sila ng Emperor at siya ang naging kanang kamay nito sa pananakop ng ilang lupain.

And he's my most favorite male character of this story!

Shit! Feeling ko ay hihimatayin ako sa sobrang kilig! Makikita ko lang naman sa personal ang lalaking kinababaliwan ko sa manhwa!

Pero teka, anong ginagawa niya dito?!

Hindi pa man ako nakaka-react ay bigla nalang siyang tumigil sa pagtugtog ng flute.

Napalunok ako.

Then he suddenly opened his eyes and spoke.

"Finally got tired of your little field trip, Princess?" he asked that without even looking at my direction.

Teka, kanina pa ba niya napansin ang presensya ko?

Lumingon siya sa direksyon ko at napalunok nalang ako nang tumitig sa akin ang magagandang mga mata niya.

He has this dark and soft raven eyes that could melt anyone who sees them. Nakadagdag pa sa awra niya ang full moon na nasa itaas ng kalangitan.

Then he smiled at me.

Shit! Ang gwapo! Shit!

Lord, ayoko na po palang umuwi! Dito nalang po ako kasama si Qingyuan! Pakakasalan ko na po siya!

"So, shall we go home now?" he said with a smile on his face. "The Emperor asked me to bring you back to the palace."

And then my smile faded away.

Oh no.

To be continued...

The Wolf King and IWhere stories live. Discover now