Chapter 1: The Aura

1 0 0
                                    

Hailliamina

Napaunat ako saka tumayo kahit na pilit akong hinahatak ng higaan. I do some stretching and went to bathroom, do some morning rituals. Pagkatapos, napatingin ako sa full length mirror ko. Im wearing, plain white blouse with black ribbon and above the knee black skirt and sneakers.

Hinawi ko ang kalahati ng mahaba kong buhok at nakita ang magkakalahati nang puting buhok mula anit. It really bothered me. Nagsimula 'to nung tumuntong ako ng sampung taong gulang ako. Sinubukan ko na ring ipadye hair ng black pero bumabalik pa rin kahit isang araw palang ang nakalipas.

Napatingin ako sa wall clock na dapat ay kanina ko pa tiningnan. Shit! Parang kanina lang 6am palang tapos ngayon 40 mins nalang para mag 8am. Dali dali kong kinuha ang bag saka patakbong bumaba at muntikan pakong matapilok kahit sneakers lang ang suot ko.

"Goodmorning. Mom, dad" bati ko saka kumuha dalawang egg sandwich at humigop ng hot choco.

"Hindi kana mag aalmusal dito?" Tanong ni mama kaya umiling-iling ako.

"Hindi mo hihintayin ang kuya mo?" Umiling-iling ulit ako. Nagpaalam na'ko at saka kinuha ang bike ko. Inilagay ko ang bag sa basket at nagsimulang pumadyak.

Dalawang kanto mula sa bahay papuntang academy. Nasa akademya na'ko, estudyante doon at estudyante dito. Nagkakalat ang estudyante kahit saan, bulungan dito, bulungan doon. Tsk.

Lakad-takbo ang ginawa ko habang hawak-hawak ko ang bike baka kasi makasagasa ako ng estudyante at dahil nasa dulo pa ang room ko-wait, ano yon? Para kasing may nakita akong kung ano na papunta sa likod ng STEM Building. Hindi ko alam kung anong meron dun saa nakita ko at nakuha niya ang atensyon ko.

Papunta na'ko doon ng may biglang humawak ng braso ko. Halos atakihin ako sa puso dahil sa lamig ng kamay niya.

"Everest francisco!" Pasigaw kong sabi habang siya ay naghahabol ng hininga.

Masama niya akong tiningnan kaya napataas-kilay ako. "Gaga ka! Tinawag kita ng tinawag tapos snobber kang babaita ka!" Pasigaw din niyang sabi sa'kin.

Napa-iwas ako ng tingin. "H-hindi ko alam. Hindi ko napansin"

"Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan mo?" Tanong niya. Napatingin ako sa likod ng STEM Building kung saan may nakita ako kaninang anino.

"W-wala. May napansin lang ako dun pero wala yun. Halika na" aya ko sa kanya. At dahil umubra na naman ang curiousity niya nakatingin parin siya sa likod ng Building.

"Tingnan kaya natin?" At nagsimula na siyang humakbang.

"Wag na. Male-late tayo atsaka may quiz tayo diba?" Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya saka tumingin sa relo kaya napatingin din ako.

"Shit!" Pareho naming sabi saka kumaripas ng takbo. 7 minutes late.

Shit! Shit! Shit!

Pagkadating namin ay saktong pumasok ang teacher na may kasamang babae. Transferee?

Umupo na kami ni eve sa pwesto namin na pinakadulo. Tumikhim si sir chavez kaya napatahimik ang lahat habang ang babae naman ay tahimik at walang karea-reaksyon.

"Goodmorning class, may ipapakila ako sa inyo transferee from Saint Vista Academy..." tumingin naman siya sa babae at sinenyasang pumasok. "Introduce yourself, miss"

Tumingin naman sa amin yung babae at binigyan kami ng cold look. Mga 5'3 lang yata siya, bilog na mata na may kalakihan, bilugan na mukha, at simple lang ang itsura niya, buhok na lagpas dibdib.

"Jelma Gronch, 19. Nice meeting you all" malamig na sabi niya. Kinubit ako ni eve kaya napalingon ako sa kanya.

"Maganda sana kaso nakakakilabot nga lang" napatango tango ako bilang pagsang-ayon. Pero may kung ano sa aura niya na hindi ko maintindihan.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 28, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Sapphire Academy: The Truth Beyond The LiesOnde histórias criam vida. Descubra agora