Prologue

3 0 0
                                    

Nangangatog at mahapdi ang mga tuhod ko. Pati ang katawan ko, bibigay na sa ilang sandali. Galos, sugat, mga pawis at luha na humahalo sa tubig-ulan.

Gusto kong huminto at magpahinga pero ang kapalit nun ay buhay. Pero, ano nga ba ang silbi ng buhay ko kung mag-isa na lang ako? Walang pamilya at walang kaibigan at eto hinahabol ni kamatayan.

Walang sapin sa paa at halos gutay-gutay na ang school uniform na suot ko. Walang pakialam kung ano ang matapakan kung nakakasugat ba o pwede kong ikamatay basta't makatakas sa naghihintay sa'king impyerno.

Puno, damo, at hayop. Ang saksi sa paghihirap na dinadanas ko ngayon. At pati ang malakas na buhos ng ulan.

Nababaliw na'ba ako? Siguro nga, oo. Dahil may sa kung sinong demonyo ang humahabol sa'kin. Sinong pakay? Ako. Sinong pinatay? Ang pamilyang meron ako. At sinong demonyo? Sila. Bakit? Dahil may kapangyarihan silang alam kong sa libro lang meron. At walang ordinaryong nilalang ang magkakameron, ni hindi rin ako.

Paulit-ulit na pagbabalik tanaw ng nga alaala ng aking pamilya, masakit. Sobrang sakit. Pinaslang sila ng walang kalaban-laban. Sana panaginip na lang itong lahat. Sana..

Naputol ang aking pagbabalik-tanaw ng isang malakas na pagsabog sa malapit puno na nagpatilapon sa'kin. Tumama ang likod ko sa isang malaking puno at nagpakagat labi ako sa sakit. Pinipilit kong makatayo pero ang traydor kong paa ay bumigay na.

Sinubukan kong gumapang ngunit kasing bagal ng pagong. Mga yapak sa dahon ang aking narinig, palapit ng palapit ang tunog nito at nahigit ko ang hininga at mahigpit na humawak sa ugat ng puno ng makita ko ang dalawang demonyo na naka-cloak at may malademonyong ngiti. Napalunok laway na lamang ako.

Wala akong alam kung ano sila. Kung tao ba o demonyo na. Pero ang alam ko...

Halimaw sila

"Kung ako sa iyo, sasama na lang ako upang hindi ka na masaktan pa" malademonyong wika nito.

Tinatagan ko ang loob ko at binigyan din siya ng matalim na tingin. "Hinding-hindi ako sasama sa halimaw na katulad ninyo"

Matalim naman akong tiningnan ng isa. "Huwag kang magsalita ng tapos, bata. Baka ikaw pa ang kumain ng binitiwan mong salita" makahulugan niyang sabi na nagpakunot ng noo sakin.

Anong ibig niyang sabihin?

"Tama na ang laro at kunin niyo na siya" yung babaeng pinakaleader nila ang nakita ko sa likod ng dalawa at siyang nagsalita. Bigla rin itong nawala.

Papalapit sila kaya inihanda ko na at ng halos makalapit na sila ay isinaboy ko ang putik na napunta sa mukha nila.

Napasigaw sila kaya kinuha ko itong pagkakataon upang makatakas na sa kabutihang palad ay nakisama na ang paa ko. Sapat na siguro iyong pahinga para sa katawan ko.

Muli akong tumakbo at dinig ko pa ang galit na atungal nila. Hindi ko pinansin bagkus ay nagpatuloy at kung saan saan lumusot.

Panibagong pagsabog ang nagpadapa sakin nakita ko ang galit na ekspresyon ng dalawang nilalang. Napaatras ako ng napaatras hanggang sa ngayon ko lang napansin na bangin na pala ang ibaba.

May kalakasan ang agos ng ilog at pasimple akong naghulog ng bato, tinatanya kung malalim ang ilog.

Napalunok ako ng magtama ang paningin namin ng babae. Malakas ang awrang pumapalibot sa kanya pero hindi iyon ang umagaw ng atensyon ko. Walang kabuhay-buhay ang mata nito pero hindi ko alam kung dulot lang ng pagod ko pero may nakita akong.. nagmamakaawa? Sakit? Pait? Para saan? Kaagad naman itong nawala.

"Sumama ka na sa'min at ipapangakong magiging maayos ka na" walang kabuhay-buhay na wika niya.

Tiningnan ko siya ng di makapaniwala. "Talaga? Magiging maayos?! Pinatay niyo ang pamilya ko tapos sasabihin niyo magiging maayos! Unbelievable!" Galit kong sabi.

"Kunin niyo nalang siya. Sapilitan o sakitan" sabi niya saka tumalikod at naglakad.

Tumayo ako. "Kung makukuha niyo" sabi ko at inihulog ang sarili sa bangin. Dinama ang hangin na dumadalo sakin dito sa bangin. Naalala ko ang mga masasayang araw na kasama ang pamilya ko.

Eto na ba? Dito na ba'ko mamamatay? Sabi ng iba, kapag naalala mo ang masasayang araw mo kasama ang mahal mo sa buhay sa oras ng kamatayan, may posibilidad na ito na raw ang katapusan.

Eto lang ang magiging kamatayan ko? Tinutugis ng demonyo at nagpahulog sa bangin para matakasan? Pero walang kasiguraduhan?

Pero kung eto na ang katapusan ko. Tatanggapin ko.

Nang di ko na maramdaman ang sakit at paghihirap na meron ako ngayon.

Sapphire Academy: The Truth Beyond The LiesWhere stories live. Discover now