CHAPTER 02

73 13 10
                                    

LAZARUS FERNANDEZ

akala ko panaginip lang ang lahat, ngunit nagkamali ako totoo 'tong nangyayare sa 'ken.

inis kong sinipa ang kama na tinutulugan ko, hmp. Sa susunod na linggo na pala ang kaarawan ng reyna, ano kayang magandang regalo? pero kailangan paba 'yon? lalo na't wala akong perang pambili.

"Princess Arienna, may problema po ba kayo?" umiling lang ako kay Lia bago sumalpak sa kama, malambot 'to.

"Lia, sa tingin mo ano kaya ang mangyayare kung pupunta ako sa party na 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam, Princess Arienna. Pasensya na. "

Napabuntong hininga nalang ako tsaka pimikit ang mata ko.

_______________

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Naka-upo ang isang lalake habang sumisipsip ng wine, masama ang tingin nya sa mga taong nasa silid na 'yon.

"Anong balita sa pagmanman n'yo sa Prinsesa ng Rowenstein Empire?" malamig nitong tanong, napalunok naman ang tatlong taong naka-upo sa gilid nya.

"A-ang, Ehem. Ang Prinsesa ay minamaltrato ng mga katulong sa Lavender Mansion, nag sumbong na rin 'to sa kanyang mga magulang ngunit 'di nila 'to pinakinggan dahil walang ibidensya ang Prinsesa, 'yan lang ang aming nakuha."

Ang Lavender Mansion ay regalo ni Binibining Hera kay Arienna ng tumuntong 'to ng labing-lima, ngunit hindi s'ya ang nagpapa-sweldo sa mga katulong kung 'di ang kanyang ama, kaya ganon nalang kung maka asta ang mga katulong sa kanya.

"Kasali na doon ang mayodorma nasi Moriset, ayon sa nakuha kong impormasyon ay may nagbabayad kay Moriset upang gawin 'yon sa Prinsesa." dagdag pa ng lalake habang nakayuko.

"Nalaman mo ba kung sino ang may pakana ng lahat ng 'yon?"

"Wala pa p—" hindi nya pinatapos ang sinasabi ng lalake ng binato nya 'to ng Wine.

"Pwes! alamin mo." galit na sigaw ng lalake habang masamang nakatingin sa kanyang tatlong kaibigan na ngayo'y nanginginig sa takot.

'walang awa, hindi ko alam kung bakit kita naging kaibigan, huhuhu mommy help.'

'taena. hindi ba 'ko tulungan ng mga ugok na 'to?'

'kaibigan ko ba talaga 'to? parang sinapian ng masamang espirito.'

"Umalis na kayo rito, hangga't nakikita kopa kayo bilang kaibigan ko." wala pang ilang segundong nawala na parang bula ang tatlong magkakaibigan, napailang nalang ang lalakeng nangangalang, Lancelot.

Lancelot Rowenstein Lavender.

Habang maputla ang tatlong lalakeng umalis sa opisina ng kanilang kaibigan.

"Kayo! bakit hindi n‘yo ‘ko tinulungan kanina, kaibigan koba talaga kayo. Huhu." umiiyak na ‘ika ng binata.

"Gago kaba?, baka mapatay ako ng lalakeng ‘yon noe. Na-uh ‘kaw na lang." masungit na tugon ng isa nyang kaibigan.

Rebirth : Lazarus FernandezWhere stories live. Discover now