"You still love me right, Clementine?" Kita ko ang kaba sa kanyang mukha nang mag tanong siya sa akin. Nandito kami sa isang kainan, ngayon na lang ulit kami nakapag kita kasi busy talaga kami sa mga gawain sa school tas yong nangyayari pa kay Eli.

Lumipat ako sa tabi niyang upuan at niyakap siya nang mahigpit.

"Oo naman, sorry kong nagiging busy ako pero swear Clyde mahal na mahal kita" Ginantihan niya ang yakap ko tapos ay ipinahinga niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Sorry din kasi nag doubt ako it just that pakiramdam ko ang layo mo siguro dahil lang sa magkalayo tayo at minsan na lang tayo magkita, I love you sweetheart" Patuloy lang ako sa paghaplos nang buhok niya. Hingi din ako nang hingi nang pasensiya sa kanya sa utak ko.

Don't worry Clyde kapag natapos na tong kay Eli promise sasabihin ko din sayo ang lahat.

After that day talaga namang nakonsensiya ako pero alam ko na yon ang makakabuti. Siguro naman ay maayos ang lahat at hindi na kailangan na ma involve pa si Clyde, the last time he's involve about Eli's love life pasang pasa ang mukha ni Levy.

But when I thought everything is in proper path and we can all handle it saka naman pumutok ang balita na ang dahilan nang paghihiwalay nina Trisha at Emman ay si Eli.

Kahit mag sinungaling ako kay Clyde alam ko na malalaman niya. The heck it was posted on twitter hindi naman taong gubat si Clyde para hindi yon makita, nanakit ang ulo ko sa nangyayari.

At hindi ako nagkamali sa oras na sunduin niya ako nang araw na yon ay may hindi magandang nangyari. Muntik na naman mapahamak si Eli dahil tinulak siya ni Trisha sa hagdan buti na lang nasambot siya ni Emman at agad na nadala sa clinic dahil nawalan ito nang malay.

Nang makadating kami doon ay pinalabas muna kami nang nurse at saka ako nagkaroon nang lakas nang loob para makausap si Clyde tungkol sa nangyayari.

"You knew it all along, did you?" Yon ang binungad niya sa akin pagkalabas na pagkalabas ko nang clinic. Nakaupo siya sa bench sa labas kaya naman kahit nanginginig ang tuhod ko ay nilakasan ko ang loob ko na pumunta sa pwesto niya para umupo. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin nang diretso sa mga mata niya.

"Yeah, I'm sorry Clyde akala ko kasi okay na, na wala na kaming magiging problema don kay Trisha pero nag kamali kami, ako. I'm sorry" Naka tinggin lang siya sa akin, para na akong naiiyak ayaw ko talaga na nagsisinungaling sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay hinigit niya ako para mayakap ako agad. Magkayakapan lang kami doon hanggang marinig namin na nag aaway si Levy at Emman kasama si Trisha. Tangkang tatayo si Clyde pero pinigilan ko siya. Hindi din naman nag tagal ang away nila kasi umalis din si Emman hatak hatak si Trisha.

"Bakit ba ang ga gago nang mga nagugustuhan ni Three?" Rinig kong pagkakasabi ni Clyde at mukhang narinig din ni Levy.

"What are you looking at, asshat?" Umiling na lang si Levy at sabay sabay kaming pumasok nang sabihing gising na daw si Eli. Clyde and I wanted to stay but Ceshiah insisted na umuwi na kami at si Levy na lang ang bahala mag uwi kay Eli. Hindi nagustuhan ni Clyde ang naging desisyon pero wala naman siyang nagawa kaya umalis na lang kami doon.

After that incident ay naging busy na kami ulit kasi kailangan na daw na makahanap na kami nang mga gustong sumali para sa CAT, sure time flies so fast parang kailan lang kami tong nag training tapos ngayon kami na ang mga officer.

May hawak ako ngayon na mga application paper na kailangan daw pirmahan ni Clyde at Ember, kay Ceshiah in-assign ni Terran to pero nag presinta na ako kay Ceshiah na ako na lang kasi sabi din sakin ni Clyde ay dadaanan niya ako sa school ngayon.

Rules of Love (UNDER EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang