"Ahm, Maxene I think I have to go!"paalam nito.
"Mabuti pa nga!" narinig niyang bulong ni Johny sa kaniya. Tumango siya ng bahagya kay Alex.
"Sige Alex, mag-iingat ka!"sabi niya dito at narinig na naman niyang bumulong si Johny.
"Talagang mag-ingat siya sa oras na makita kong umaaligid pa siya sayo!" nakalayo na si Alex ng harapin niya si Johny.
"Kelan ka pa naging bastos, hmp Johny?"
"Bastos?hindi ah!"
"Talaga lang ha!At anong ginagawa mo dito?At nagbibit ka pa ng mga alagad mo?Inistorbo mo ata tulog ng mga niyan" nakangiting turan niya dito. umupo siya at kinalong si MJ.
"Mamamasyal lang kami ng mga bata, nagkataon lang na nakita kita kaya linapitan ka namin, Bakit, naistorbo ba kayo ng lalaking yun?" umupo na rin si Johny at kinalong si JM.
"Your not a good lier Johny!"
"Hey guys!" sigaw ni Kathleen ng makita sila. "Where's Alex?" tanong nito na kay Maxene nakatingin.
"Pinalayas ko!" mabilis na sagot ni Johny."San ka ba nagpupunta at iniiwan mo si Maxene ng mag-isa."
Napataas kilay ito. "Nye!Wow, anu yan bata Kuya?Heto oh, binili ko ng pasalubong mga anak mo!" sabay taas nito sa hawak-hawak.
"Talaga po Tita Kath, sa'min yan?" namimilog ang matang tanong ni JM.
"Yup, oh here!Tig-isa kayo niyan." ilinapag nito iyon sa mesa.
"Thanks Tita!" magkapanabay na turan ng mga ito.
"Welcome!" saka ginulo nito ang buhok ng dalawa."Aso ka na ba ngayon Kuya?" biglang tanong nito kay Johny.
Napakunot noo namang tumingin si Johny sa kapatid.
"Lakas na kasi ng pang-amoy mo na may lalaking umaaligid kay Ate Maxene eh!" napangiti si Maxene sa at pasimple namang sinipa ni Johny ang kapatid. "Ouch!Ano ba?" sabi nito kay Johny.
"Umuwi ka na nga Kathleen!" utos ni Johny sa kapatid.
"Aba!aba!Baka nakakalimutan mo kuya, kami ni Ate Max ang magkasama!"
"Let's go!" kinarga ni Johny si JM.at hinawakan ang kamay ni Maxene.habang karga naman niya MJ.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya habang kasunod naman.nila si Kathleen.
"Uuwi na, gabi na!" maikling tugon.ni Johny.
"Pero Daddy sabi mo po mamamasyal.tayo!".reklamo naman ni JM
"Next time buddy!Sa ngayon,.kailangan na nating umuwi." hindi ito umimik at yumakap na lamang sa leeg niya.
"Eto naman kasing si Kuya, susunod-sunod dito tapos mag-aaya agad umuwi. Ba't di na lang kaya ikaw umuwi mag-isa tapos iwan mo na lang sa'min ni Ate Max yang kambal!"suhestiyon ni Kathleen. Huminto si Johny sa paglalakad at hinarap ang kapatid.
"That's a good idea, Kath!" turan ni Johny
"Ako pa!"sagot naman ni Kathleen at kumindat pa.
"Oo nga eh!Kaya i-drive mo na ang kotse mo at umuwi kang mag-isa!" sabi ni Johny sa kapatid. Napabusangot naman si Kathleen. "Sakin na sasakay ang mag-iina ko, umuwi ka na!Sa bahay na lang tayo magkita!" saka tumalikod si Johny at hinila ulit si Maxene. Napailing na lamang si Maxene sa kasungitan nito.
NAGHAHANDA ng pagtulog si Maxene. Napatulog na niya ang kambal, hihiga na lamang siya ng pumasok si Johny!
"Don't tell me na diyan ka matutulog, sweetheart!" nakapamulsang seryosong tanong ni Johny.
"O-oo, bakit?" tanong niya dito.
"Maxene, I'm warning you!" naniningkit ang mga matang turan naman ni Johny.
"Why?Bawal na ba matulog ngayon na katabi ang mga anak ko?" pang-aasar pa ni Maxene dito.
Linapitan ito ni Johny, "Do you want me to count again sweetheart?" matamang nakatitig ito sa kaniya.Nakangiti namang nagkibit balikat lamang si Maxene. "Aba at ang tapang mo na ngayon Maxene Sebastian!" lalong lumapit dito si Johny, napaatras naman si Maxene, na-corner siya ni Johny ng sumandal siya sa dingding. "Buong araw akong nagtiis," dinikit ni Johny ang katawan niya dito,napahawak naman si Maxene sa dibdib nito. "naghintay ng oras para ma-solo kita, pero inaya ka pa ng kapatid kong lumabas" hinawakan ni Johny ang bewang niya. "tapos makikita kong may kausap kang lalaki." pinagdikit ni Johny ang tungki ng ilong nila. "And damn that man, ang lakas ng loob na ayain ka ng dinner!" napabungis-ngis si Maxene at natutop ang bibig. Ngunit tinanggal ni Johny ang kamay niyang nakatakip doon."And now, tinatawanan mo ko, hmp sweeteart?"
"O-ofcourse not Johny!"hindi makapagsalita ng maayos si Maxene. Hinawakan siya ni Johny sa batok at inangat ang ulo niya. Dinampian niya ng isang halik sa noo si Maxene.
"You have to pay for that, sweetheart!" sunod nitong hinalikan.ang kilay niya. Napabuntong - hininga naman si Maxene. "And kailangang simulan mo na yun ngayon!" hinalikan nito ang tungki.ng ilong niya. "Make sure na matutuwa ako,.sweetie or else." hinalikan ni Johny ang kaniyang labi, "paparusahan kita!" at isang halik pa sa labi ang pinagkaloob nito sa kaniya. Mapangahas na halik na unti-unting nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. "Isang parusang hinding-hindi mo makakalimutan sweetheart!" turan ni Johng sa kabila ng paghalik nito sa kaniya. Naiyakap ni Maxene.ang kaniyang mga kamay sa batok ni Johny. Tinugan niya ang malikot at mapagparusang halik nito. Mabilis na naipasok ni Johny ang kaniyang kamay sa loob ng suot ni Maxene, na nagdulot ng kakaibang init at kiliti sa katawan ni Maxene.
"mommy..." parang binuhusan ng malamig na tubig si Maxene, naitulak niyang bigla si Johny. Nagkatinginan silang dalawa at saka.napangiti. Si MJ ang nagsalita at ng tingnan nila ito ay nakapikit ang mga mata, maaaring nanaginip lamang ito. Kinintalan siya ng isang mabilis na halik ni Johny at saka hinila palabas ng kuwartong iyon.
Nagmamadaling tinungo nila ang kuwarto ni Johny, marahas na binuksan iyon at isinara gamit ang mga paa ni Johny. Pagsarang-pagsara ng pinto ay sinimulan agad nila ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa bawat-isa. May pagmamadali at puno ng sabik ang bawat kilos nila. At ng abutin ni Johny ang switch ng ilaw at ang tanging binuksan ay ang lamp shade, nagsimula na naman ang isang mainit na tagpo. "Kambal ulit ang bubuuin natin sweetie!" naibulong ni Johny dito.
YOU ARE READING
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
Part 65
Start from the beginning
