“We're friends.” sabi ni Song. Napatango- tango si Isabelle at nagpatuloy na kumain hanggang sa lumabas na ang doctor. Si Song na ang kumausap at tumingin lang kami sa reaksyon ni Song. Nakita ko ang pagngiti ni Song pero hindi masaya kundi may bahid na lungkot ito. Alam kong hindi maganda ang resulta.

Lumapit na si Song sa amin.

“He's okay right now. Natutulog lang.” aniya. Napatingin ako sa relo ko and it's already 12:00 midnight. Gusto kong manatili rito.

“Sa tingin ko kailangan nyo nang magpahinga” dagdag oa ni Song. Napatingin naman ako kay Isabelle na ngayon ay nakatulog na. Napangiti naman ako.

Thank you, Isabelle.

“Ihatid mo na si Isabelle sa apartment niya.” sabi ko. Napakunot naman ang noo niya kaya napangiti ako ng bahagya.

“Mananatili ako rito. Gusto kong manatili sa tabi niya.” sabi ko napatitig si Song sa akin na nag-alala. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

“I'm okay.”

“Are you sure?”

Tumango ako kaya napabuntong hinga siya at hinalikan niya ang noo ko. “Keep safe. Good night.”

Ginising niya naman si Isabelle. Sinabi ko na rin na ako na muna ang magbabantay kay Tom at buti nalang ay pumayag siya. Napabuntonghinga akong tumingin sa kanika habang naglalakad na paalis. Hinarap ko ang pinto ng room kung saan nandon si Tom. I'll be okay.

Pumasok na ako at nakita ko siyang mahimbing na natutulog umupo ako sa kama at pinagmasdan siya. Looking at him like this makes me suffer in pain. Hindi ko kayang makita siyang ganito pero ano ang gagawin ko? Mahirap kalabanin ang sakit at mas lalong mahirap kalabanin ang panahon.

Hindi ko pa kayang bitawan siya. Marami pa akong mga bagay na hindi ko nagawa sa kaniya. Kailangan pa naming tuparin ang mga plano naming dalawa kapag kami ay kasal na. Kailangan na mangyari iyon.

Hinawakan ko ang pisngi niya at hindi ko maiwasang maiyak. Pinisil ko ang kamay niya at umupo na sa upuan na katabi lang ng kama.

“Love, don't leave me like this... Be strong...” sabi ko hanggang sa nakatulog na ako. Sa pagtulog ko, may tumulong luha sa mga mata ko. Ang sakit lang.

Nagising lamang ako dahil sa may biglang humaplos sa buhok ko. Halos mataranta naman ako nang makita ko si Tom na nakaupo na ngunit namumutla parin siya. Napaiyak na naman ako.

“Hey, Panny, don't cry. I'm okay—”

“Ayan ka na naman e, kahit hindi ka okay, sasabihin mong okay ka lang. Huwag ganun, Tom.” sabi ko at pinahid ang luha sa pisngi ko.

“I'm sorry.” sabi niya at napabuntonghinga.

“I missed you so much.” aniya kaya napatitig ako sa kaniya. “Pasensya na ah? Nagkita tayong ganito ang kalagayan ko” sabi niya at umiwas ng tingin. Kumirot ang puso ko. Ang makita siyang nanghihina ay ang kahinaan ko. Bakit ba kasi ganito? Wala na ba talagang pag-asang gamutin yang puso niya?

“Time flies too fast but it doesn't change the fact that my heart only wants you.” aniya at ngumiti. I gulped. Same, siya naman palagi ang mahal ko.

“Kung naniniwala ka paring ako ang pumatay—”

“No, hindi ako naniniwala.” agad na sabi ko para putulin ang sinabi niya.

“Thank you.” he said at nanghihina niya akong niyakap at hinalikan ang pisngi ko. Damn, I miss him so much.

“Let's date.” aniya bigla kaya nagulat ako. Nababaliw na ba siya? Hindi maayos ang kalagayan niya tapos yan pa ang naisipan niya? Kailangan niyang magpahinga.

I Have A Sugar DaddyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora