16

168 11 0
                                    

“Magbihis ka don,” sabi agad ni Song pagkalabas ko. I’m wearing a red crop top na hindi naman makikita yung pusod kasi nga nakahigh-waist shorts ako tapos shoes.

“Ayoko na magbihis, eto nalang.” sabi ko, tinitigan lang niya ako tsaka ay inirapan. May bigla namang umakbay sa akin kaya napalingon ako kay Tom na ngayon ay sinamaan na ng tingin si Song.

“I guess, he’s right. You must change your clothes.” aniya. Napabuntonghinga naman ako nang makita ko ang ngiti sa labi ni Song. Umirap ako sa kanilang dalawa tsaka ay nagbihis ulit sa loob.

A plain white t-shirt, black jeans plus white shoes, yan lang ang suot ko. Akala ko okay na yun para sa kanila ngunit nagulat ako nang binigay pa ni Tom ang jacket niya sa akin. Ge, balot na balot na ako kahit mainit ang panahon.

“Ang init naman nito” sabi ko.

“Huwag ka nalang magreklamo” sabay nilang sabi.

Aalis na sana kami ngunit natahimik at napalingon naman ako bigla nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Isabelle tsaka ay pagtataka ang nabuo sa mukha ko nang makita ko siyang dala-dala ang gamit niya.

Nauna namang lumabas ang dalawang lalaki dahil nagbabangayan na yung dalawa kung ano ba ang dapat gawin namin ngayong araw habang ako naman ay napahinto at tinitigan si Isabelle.

“Saan ka pupunta?” tanong ko. She smiled. Umiwas siya ng tingin sa akin at isinara niya yung pinto. Inilock niya iyon tsaka ay lumapit sa siya sa akin.

Nagulat nga ako nang kinuha niya yung kamay ko at inilagay niya don ang susi ng kwarto tsaka ay niyakap ako.

“Thank you for everything.” aniya. I gulped. Kumalas na siya ng pagkayakap sa akin tsaka ay papaalis na sana ngunit hinawakan ko ang palapulsuhan niya para pahintuin siya. Hindi ko pa siya tinanong kung bakit siya aalis.

“Saan ka pupunta? Bakit ka aalis?” tanong ko. Kahit naman pinagseselosan ko siya, tinuring ko rin naman siyang kaibigan at isa din siya sa tumulong sa akin na makabalik dito sa Pilipinas.

“I need to go now.”

“Saan?”

“Maghahanap pa ako ng bagong matutuluyan,” aniya tsaka ay napangiti. Nalulungkot lang ako dahil siguro, aalis siya dahil sa aming dalawa ni Tom.

“Sorry for making you felt jealous. Walang namamagitan sa amin ni Tom. Magkaibigan lang kami at sana patawarin mo ako kung nararamdaman mo ang selos. Pasensya na.” she said. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ngayon. Sigurado ba siya diyan? I mean, yung mga pinapakita niya kasi sobra pa sa magkakaibigan. The way niya tignan si Tom, parang gusto niya yung tao.

“Aware ka naman sa sakit niya diba?” tanong niya kaya napalunok ako at napatango.

“Please take care of him, I gotta go...” she said and smiled. Bidding her last good bye. Nagpaalam na din siya kay mama at papa. Ayaw nga sana nila mama ngunit sabi ni Isabelle nahihiya na siya sa kabutihan namin.

Afterall, she did helped me a lot.

Sabay naman kaming lumabas sa bahay at nakita ko naman ang seryosong mukha ni Tom nang mapatingin ito kay Isabelle. Ngumiti lamang si Isabelle at iwinagayway ang kamay para sa huling paalam. Lumapit na rin ako kay Tom at tsaka ipinasok niya ako sa backseat ng sasakyan ni Song at siya naman sa front seat.

“Si Stefanne dapat diyan” sabi ni Song kay Tom pero para bang hindi iyon narinig ni Tom at tumingin lang siya sa bintana. Napangiti naman ako sa pagmamaktol ni Song habang nagda-drive at sa huling sandali. Lumingon ako sa bahay at nakita ko roon si Isabelle na umiiyak at tinignan ko siya hanggang nakasakay na siya ng tricycle.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now