06

233 11 0
                                    

Dinala niya ako sa mamahaling restaurant at nag-order siya ng maraming pagkain na para bang isang siyudad ang  papakainin niya.

“Eat well, honey.” sabi niya at tsaka ngumiti sa akin. Umiwas naman ako ng tingin at nararamdaman ko naman din ang mga taong tumitingin sa aming dalawa ni Mr. Smith.

Habang kumakain ako ay nabigla ako nong may pinahid siya sa mukha ko. “My beautiful clumsy fiancée.” aniya. Napalunok naman ako at nagpatuloy lamang sa pagkain kaso naiilang ako sa mga titig niya. Tumigil kasi siya sa pagkain at nakatitig lang talaga sa akin dahilan upang mabulunan ako. Agad naman akong napainom ng tubig at napansin ko naman ang pagngiti niya habang nakatitig sa akin.

“We're going to the mall, let's change your clothes” aniya na para bang may masamang balak sa akin. Hinintay niya lang ako na matapos at umalis na kami. Nasasayangan nga ako sa pagkain dahil napakarami pang natira. Parang gusto ko nalang isako lahat iyon.

Habang nasa mall naman kami ay siya yung pumipili ng mga damit na para sakin. To be honest, di ko gusto yung mga pinili niya kasi masyadong sexy para sa akin. Ayoko ng ganun.

“Wear this one.” aniya tsaka binigay niya sa akin ang isang tube at yung shorts na sobrang iksi. I mean, maiksi naman yung shorts but yung shorts na binigay niya ay parang panty nalang ganun at ayoko ng ganun.

“I'm not used to wear that kind of clothes” sabi ko pero tinitigan niya ako. He smirked at hinila niya ako papasok sa dressing room.

“You'll change or I will rip your clothes here in public” panghahamon niya sa akin. Inilibot ko naman ang tingin ko at napakaraming tao ang nandito. Ayoko namang hubaran niya ako dito kaya kahit na ayoko, kinuha ko iyong damit  at pumasok sa dressing room. Inilock ko iyon at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Kailangan ko na bang magbihis ng ganito? Kailan pa ako naging sunod-sunoran?

Napangiti ako sa salamin at napatulo ang luha ko. Dahan-dahan kong hinubad ang damit ko at sinuot yung damit na binigay niya. I can't see myself wearing these kind of clothes. This is not me anymore.

Pagkatapos kong magbihis ay nakita ko siya doon na naghihintay. Tumingun siya sa akin at naglipbite.

“Better.” aniya. Kinuha niya sa akin yung jeans at t-shirts ko at nagulat naman ako dahil itinapon niya iyon sa basurahan. Inakbayan niya naman ako at at nnaglakad na kami papalabas ng mall.

Maraming tumitingin sa amin at marami ding bumabati kay Mr. Smith. Syempre, milyonaryo e.

Ngunit may napansin lamang akong kakaiba dahilan upang napapadalas ang paglingon ko. Feeling ko kasi may nakasunod sa amin. “Stop looking from behind. They just love your outfit” sabi ni Mr. Smith at pinulupot niya yung braso niya sa bewang ko.

Hindi ako komportable sa suot ko. Parang feeling ko nakahubad na ako. Ayoko ng ganito, feeling ko ang dumi-dumi ko na.

Once kasi na hindi ka sanay, feeling mo hindi na ikaw yan. Parang di mo mafefeel yung sarili mo at iyan ang nararamdaman ko ngayon.

Dinala ni Mr. Smith sa isang park and he insisted na siya ang magtetake ng picture ko. Hindi sana ako papayag kaso agad na niyang kinuha ang cellphone ko. Yung cellphone na bigay ni Tom sa akin noon.

“Just pose.” aniya. Nakatayo lang ako at nagpeace sign kaya napabuntong hinga siya. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nnang bigla niya itinaas yung binti ko at nilagay sa swing. Isinenyas naman niya na maglipbite ako.

“Bite your lower lip.” sabi niya. Napalingon-lingon naman ako sa paligid nang may napansin akong lalaking nakaitim na t-shirt, nakacap, at nakamask na black. Nakaupo lamang sa kabilang swing at may katawa siya.

“Honey, bite your lower lip.” sabi pa niya kaya kahit na ayoko, dahan-dahan kong kinagat yung lower lip ko. Ngumiti naman si Mr. Smith. “Perfect.” sabi niya.

Umalis na kami doon at namasyalbpa sa ibang lugar. Nagtataka lang ako sa tuwing hihinto kami ni Mr. Smith ay makikita ko talaga yung lalaking nakaitim na nasa likuran lang namin may katawag parin siya.

Inobserbahan ko lang naman ang mga kilos niya nang napaghalataan kong nakasunod siya sa amin ni Mr. Smith.

Habang kumakain kami ng ice cream ay agad namang may tumawag kay Mr. Smith. I let him answer his phone call at patuloy lang din ako sa pagkain ng ice cream. Tumalikod si Mr. Smith sa akin.

What if tatakas ako? Ayoko lang talaga siyang kasama. Pero kasi hindi naman ako expert sa mga lugar dito sa America.

Habang kumakain ako ng icecream ay bigla akong napayuko nang may nakita akong pamilyar na tao. Shit, nakakahiya 'to.

Workmates ko sa kompanya noon.

Diane, Miro, and tsaka yung manliligaw ko noon na si Joshua. Napayuko naman ako dahil ayokong makita nila akong ganito ang suot. Kilala nila ako bilang pangmatanda ang suot at hindi bilang ganito.

Narinig ko nga ang pag-uusapan nila tungkol sa trabaho and medyo nagseselos ako. Sigurado akong masaya na sila sa trabaho nila ngayon habang ako naman ay patuloy na nandidiri sa sarili ko.

Mukhang importante talaga ang pinag-uusapan nila Mr. Smith at ako naman dito ay nagpatuloy lang sa pagkain ng ice cream.

Nagulat naman ako dahil may biglang naglagay ng jacket sa akin kaya napalingon ako. Halos mabitawan ko namab ang ice cream ko nong makita ko si Tom na inayos yung jacket na suot ko tsaka ay binigyan niya ako ng mask. Siya pa nagsuot sa akin non. Kinuha niya yung cap niya at inilagay sa ulo ko.

“Keep safe, I'm just watching you from afar.” sabi niya at ngumiti. Napalunok ako. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti sa dalawang buwan naming pagsasama sa isang bahay. Natulala naman ako. Tumayo na siya tsaka ay naglakad na papaalis.

Sakto ding lumingon sa akin si Mr. Smith ant lumapit siya. Nagtataka siya kung bakit may suot na akong ganun kaya tinuro ko nalang yung store na nanininda ng jackets, masks and caps.

“You look good without that jacket” aniya. Natatakot nga ako dahil baka ipahubad namab niya sa akin iyon kaso nakikibit balikat lamang siya at nagpatuloy lang kami sa pagdedate daw.

Bigla namang pumasok sa isipan ko yung nakangiting mukha ni Tom, napangiti tuloy ako. Habang pinagpatuloy namin itong sabi ni Mr. Smith na date ay medyo nabuhayan ako. Napapangiti na ako. Hindi dahil kay Mr. Smith kundi dahil kay Tom na ngayon ay napapansin ko ang pagsunod-sunod niya sa amin.

He looks like my body guard.

But...

Ayokong maging bodyguard ko siya, gusto kong maging akin siya.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now