19

158 11 0
                                    

“Don’t cry, everything's gonna be alright.” sabi ni Song at hinigpitan niya ang pagkahawak ng kamay ko habang nakasakay kami sa elevator papunta sa floor kung saan si Tom and Isabelle.

Nanginginig na ako dahil kanina pa nagpabalik-balik sa isipan ko yung sinabi ni Isabelle sa akin. Nahimatay si Tom at sabi ni Isabelle ay inasikaso na siya ngayon ng doctor.

Nakita namin si Isabelle na nakatulalang nakupo lamang sa upuan na nasa labas ng room. Napatingin siya sa amin ni Song at ngumiti ng bahagya. Tumayo siya at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at umiyak siya.

Bakit?

Ano ba talaga ang nangyari?

“What happened?” tanong ni Song sa kaniya. Kumalas siya ng pagkayakap sa akin at pinahid yung luha niya. Napaupo siya sa upuan at nakatulala lang para bang nawawalan na siya ng pag-asa.

Hindi nga ako makapaniwala na makita siyang masasaktan ng ganito except nong araw na namatay yung kasintahan niyang si Rico.

Ako naman ay nagpipigil lang ng luha. Kailangan kong mag-isip-isip ng mga magandang bagay para pasayahin ang sarili pero hindi ko kaya. Napaupo rin ako sa tabi niya.

“Diyan lang kayo, bibili lang ako ng pagkain.” sabi ni Song. Hindi kami sumagot ni Isabelle at nakatulala lang kaming dalawa. Napansin siguro ni Song na wala kami sa mood kaya napabuntonghinga naman siya at umalis.

Sa ngayong kami nalang dalawa ay tahimik lang kami. Akala ko nga na hindi niya ako kakausapin pero nagulat ako nong napangiti siya at nagsalita.

“He's my bestfriend for almost 6 years and hindi ko alam kung paano ko matatanggap sa oras na mawawala na siya.” aniya. No, hindi mawawala si Tom.

“Lumaki akong may mahirap na buhay doon sa America kasama ang aking ina dahil matagal na rin akong walang ama at alam mo kung paano kami nagkakilala?” she smiled while reminiscing those memories of them. Hindi ako nagsalita at nananatili na lamang na nakatulala, nakikinig lamang ako sa kaniya.

“Isa akong waitress doon sa America at si ina ay isang janitress sa paaralan kung saan kami nag-aaral ni Tom. Bali classmate kami.” aniya. Napalingon naman ako sa kaniya na ngayon ay nakasandal lang sa sandalan ng upuan habang nakatitig sa sahig.

“Binubully ako dahil nga sa isang janitress ang mama ko pero dumating si Tom upang iligtas ako. Doon kami nagkaclose. Hindi naman kasi yan friendly dahil sa tuwing may kumaibigan sa kaniya, may kakalat na issue na dahil lang sa pera, kinaibigan siya.” sabi nito. Napalunok ako. I felt bad and sad for Tom.

“He's really a good guy. I admit it, I like him kaya nga diba sinundan ko siya sa bahay niyo kaya humingi ako ng tawad kung napaselos ka namin. Sinabi niya naman sa akin na magkaibigan lang talaga kami at okay na ako non at isa pa, nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa tuwing nakikita kang tumatawa. Sa part na iyon, talong-talo na ako.” she said. Napalunok naman ako. Naalala ko naman ang ginawa ko kay Song kanina.

“Hindi natin madidiktahan ang oras, alam kong alam mo ang kalagayan ni Tom kaya sana huwag mo siyang iwan.” she started to cry. Ako rin. Kinagat ko ang labi ko dahil ayokong umiyak ng malakas. Napakasakit na ng puso ko lalo nang marealize kong bilang nalang ang mga panahon na nandito si Tom.

Natahimik ulit kaming dalawa hanggang sa dumating na si Song dala-dala ang pagkain. Wala akong gana pero pinilit niya ako. Sinusubuan pa nga niya ako kaya naiilang ako. Napatingin naman si Isabelle sa amin at napangiti nalang ng bahagya.

“Kayo na?” tanong niya bigla kaya natigil ako. Naramdaman ko ang pag buntong hinga ni Song. Napatingin ako sa kaniya at bigla naman siyang umiwas.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now