"It's okay .. just take care of my Princess patulugin mo na din."

"Yes kuya." pumantay din si Helios sa dalawa. Tinuon ko naman ang atensyon sa kambal.

"Makikinig kame ni Daddy nyo pero nakalimutan nyo naba? alam nyo naman na ayaw ni mommy ang nagsisisihan kung sino ang mali hanggat hindi nyo sinasabe ang nangyare diba?" Malambing kong tanong sakanila pareho naman silang nakangusong tumango.

"Yes po mommy." sabay nilang sagot kaya napangiti ako. Kung si Paige ay batang version ko, ang kambal naman ay halos pinagbiyak na bunga ni Helios maging sa kulay ng mata maliban sa labi at ilong nila na saken nakuha.

"good.. now can you tell us what happened to the three of you?"nakangiting tanong ko. nagkatinginan pa muna sila saka humarap saken si Hellion na namumula ang mata at ilong maging ang tenga senyales na gusto nyang umiyak pero pinipigilan nya.

"Hunter and I are playing basketball when tita Heather told us to take care of our sister kase po kukuha po sya ng milk. So we did. we start playing with her and she's laughing until she saw a butterfly gusto po nyang abutin kaso mataas po ang tree then she burst out crying that's why I told Hunter to carry her tapos sabe kopo sakanya tungtong sya sa likod ko pero parehas silang nahulog.. I-I guess it's really my fault...I'm sorry po mom.. dad." mahaba nyang paliwanag saka unti unting umiyak. Napatingin naman ako kay Hunter na bigla nalang ding umiyak habang nakatingin sa kakambal.

"No! No! It's not your fault! Stop crying! Mom Dad .. I'm s-sorry cause I'm weak! Ang bigat po kase ni Baby Paige k-kaya po na out of balance po ako.. it's my fault not Hellion's"

Nagkatinginan naman kame ni Helios at pasimpleng ngumiti at napailing. Binalik ko sa dalawa ang tingin na ngayon ay nag tatalo naman kung sino sakanila ang tunay na may kasalanan.

"It's really my fault bro." umiiyak na sabe ni Hellion kay Hunter.

"No! It's mine bro ! I'm weak!" Umiiyak na sagot naman nito sa kuya nya napabuntong hininga nalang ako.

"Enough boys.. walang may kasalanan sainyo dahil aksidente yun okay? Pero sa susunod ayaw kong basta nalang kayo mag dedesisyon sa bagay na hindi kayo sigurado kung kaya nyo na.. right Hellion?" Mahinahong sabe ko. Tumango naman sya bago sumagot.

"Yes po.. I'm sorry Mom Dad." ngumiti naman sakanya ang Daddy nya saka tumango.

"Walang mahina sainyo.. kaya nyo nasasabe na mahina kayo kase maliliit pa kayo, may mga bagay na kaya nyong gawin pero may mga bagay na dapat sinasabe nyo samen ng Mommy nyo o kahit sinong mas matanda ang kasama nyo at kame ang gagawa para sainyo.. You understand that Hunter?" Dagdag ni Helios. Tumango din sya bago sumagot.

"Yes Dad.. I understand po." nakalabing sagot nito.

"Ano bang sinasabe palagi sainyo ni Mommy kapag nag tuturuan kayo kung sino ang may kasalanan?" Malambing kong tanong sakanila nagkatinginan naman sila saka sumagot.

"Magiging heavy and sad ang heart kase po guilty po sya kaya need po nyang sabihin ang kasalanan or ang nangyare para po maging happy ang heart." sagot ni Hunter.

"That's why we dont feel our hearts heavy anymore kase po dina po kame guilty Mommy." Nakangiti at proud na sagot ni Hellion.

"Really? Well that's good to hear."hinalikan ko sila pareho sa noo.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now