CHAPTER 6

163 66 3
                                    

"Are you okay Phoebe?" Bungad saken ni Glenda ng makarating ako sa back stage pero hindi kona sya pinansin dahil para akong kakapusin sa hininga at feeling ko nasusuffocate ako sa paligid kaya naman derederetso akong lumabas hanggang sa namalayan ko nalang na nasa loob na ko Van at walang ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at hampasin ang dibdib ko na parang mawawala nun ang saket.

Please..Please.. Tama na!
Limang taon nang nakalipas dapat hindi kana ganito diba? Kase pinili mo to Phoebe!

"Phoebe are you okay? Nag aalala na ko sayo buksan mo to."

Huminto ako sa pag iyak at pilit na kinakalma ang sarili ko pagkalipas ng ilang minuto ay inayos ko ang sarili ko saka binuksan ang pinto ng Van bumungad saken ang nag aalalang muhka nila Glenda at Katy sabay silang pumasok sa Van at sinara yun.
Lumapit saken si Glenda at nagulat ako ng yakapin nya ako naramdaman ko nanaman ang pag iinit ng mga mata ko kaya naman pilit kong pinigilan yun.

"Ngayon ko lang narinig yung mga sinagot mo dun kanina. Hindi na ko magtatanong sigurado naman ako na dahil dun kaya ka nagkakaganyan ngayon pero wag mo sana kalimutan na nandito lang ako kame ni Katy makikinig kame sayo at dadamayan ka namin ha."

"Nandito lang kame Miss Phoebe kaya please sana maging okay kana hindi ako sanay na ganyan ka." napatingin ako kay Katy at napansing parang naluluha sya kaya naman napangiti ako at umayos ng upo saka sila hinarap.

"I'm sorry k-kung pinag alala ko kayo. It's just that .. h-hindi ko lang t-talaga matagalan y-yung.." hindi ko na matapos ang sinasabe ko dahil bawat salita ko ay ramdam ko ang pag babara sa lalamunan ko kaya naman hinawakan ni Glenda ang kamay ko at ngumiti saken.. ramdam na ramdam ko ang pagiging ate nya saken.

Kung sana nandito lang si Mama ..

"It's okay to cry Phoebe, hanggang sa mawala ang sakit iiyak mo lang hindi ka namin huhusgahan o tatanungin basta iiyak mo lang lahat yan hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo." pagkasabe nya nun ay halos mag unahan ang mga luha ko sa pag tulo at ang hikbi ko ay palakas ng palakas kaya naman niyakap nya ko at dun ako umiyak na parang bata.
"Sssssshh.. it's okay it's okay .. gusto mo nabang umuwi?" Tumango nalang ako bilang sagot. "Katy, please ikaw na muna ang mag drive ha."

"Sige po Miss Glenda."

"Thank you."

Ilang minuto lang nasa parking na kame ng condo ko kaya naman pilit kong inayos ang sarili ko dahil mahirap ng lumabas ng ganito at baka May paparazzi na nasa paligid at mabalita pa. Ayokong may makaalam na nagkakaganito ako, ayokong makarating pa sakanya..

"Okay kana?" Tanong ni Glenda.

"Oo okay na ko."

"Sasamahan kana muna namin ni Katy sa Condo mo para makapag pahinga kana din okay."

I nodded, "Thank you."

Sabay sabay kaming lumabas ng Van nakayuko lang ako hanggang sumakay na ng elevator at nasa gilid lang dahil ganito palagi para maiwas sa mga posibleng makasabay ko sa elevator. pasara na sana ang pinto ng may kamay na pumigil dun pero yumuko lang ako dahil baka isa sa paparazzi nanaman.

"Hi, Sorry pasabay lang hehe."
Sabi ng pamilyar na boses pero hindi kona tiningnan pa mahapdi parin ang nga mata ko at namumula ang ilong at pisnge dahil sa pagkakaiyak.

"Okay lang." Sagot ni Glenda.

"Thank y-Phoebe?" Nagulat ako ng banggitin nya ang pangalan ko kaya napaangat ako ng tingin at medyo natigilan ng makilala ko sya pero mas natigilan sya ng makita ang muhka ko.

"H-hi Creed." medyo ilang na bati ko dahil seryoso ang muhka nya habang nakatingin saken at ramdam ko din ang nag tatanong na tingin nila Glenda at Katy.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora