CHAPTER 26

127 46 5
                                    

Hindi lang dun natapos ang issues tungkol saken. Hindi ko alam kung paano pero may kumalat na balitang isa akong Yilmaz kaya samut saring mga komento nanaman ang mga tao.
May nag sasabing kaya ako nakapasok sa Music and modeling Industry ay dahil sa tulong ng pamilya ko, na hindi ako makakakarating sa kung anong meron ako kung hindi dahil sa pamilya ko. Eto ang iniiwasan ko, ang madamay ang pangalan at pamilya namin dahil lang sa mga maling balita at mga taong makikitid ang pag iisip at gagawawin ang lahat mahila ka lang pababa.

Naglakad ako papuntang pinto ng marinig ang Buzzer saka binuksan sa pag aakalang sila Glenda yun dahil mamaya ay may interview ako. Sila nalang hinihintay ko pero iba ang bumungad sa labas ng unit ko.

"Kuya Pierre .. ?" Nag tatakang nakatingin ako sakanya dahil seryoso ang muhka nya at muhkang wala pa syang pahinga o tulog at dito dumiretso dahil na din sa suot nyang business suit.

"Phoebe." napalunok ako dahil sa lalim at lamig ng boses nya, saaming magkakapatid kay kuya Pierre ako takot lalo na kapag nag papaka kuya talaga sya samen. Yes he's sweet, loving and caring brother to all of us pero kapag sumusobra na kame or may hindi sya nagugustohan na ginagawa o nagawa namin ay lumalabas ang Pierre Maximiano Yilmaz na Strikto, kinakatakutan at ginagalang kapag business ang pinag uusapan.

"P-pasok ka kuya." Nakangiwi kong aya sakanya. Pumasok kame sa loob dinala ko sya sa living room at naupo ako pero sya nakatayo parin at para bang ano mang oras ay bubuga ng apoy dahil na din sa pag igting ng panga nya.

"A-akala ko next month pa ang uwi mo k-kuya .. Sabe ni Papa may inaayos kayong Problema sa Branch naten sa Paris?" he glared at me kaya napayuko ako.

"Do you really think na kaya ko pang mag stay sa Paris ngayong alam ko na ang mga nangyare at nangyayare sayo dito?! Actually, lately ko lang nalaman kaya dito ako dumiretso dahil walang may balak na mag sabe saken even our parents!" Matalim ang mga mata at umigting ang panga na sermon nya saken kaya naman lumapit ako at niyakap sya sa bewang. Nakakunot parin ang noo nya at marahas ang pag hinga.

"Sorry na kuya ko..." lambing ko sakanya "I was the one who told them not to tell you, kase alam kong ganito ang mangyayare. Look, umuwi ka ng wala sa oras paano kung napano ka? And I know sobrang busy mong tao at masyado kana ding madaming problema kaya ayoko ng dumagdag Kuya .." nakangusong sagot ko.

"But you know our number 1 rule Phoebe! Family first before anything else!" Tumango ako at ngumuso lalo pinapungay ko din ang mga mata habang nakatingin sakanya "hindi moko madadaan sa ganyan mo Phoebe ngayon maupo ka at saka mo sabihin saken lahat." Seryosong sabe nya kaya bumagsak ang balikat ko at walang nagawa kundi ang sumunod sa sinabe nya at kwinento sakanya lahat.

"Do want me to take them down? When I say THEM .. companies, Agencies,Websites and even your bashers." Madilim ang muhka at malamig na tanong nya na kinalake naman ng mata ko at kinalalag ng panga ko! Marahas akong umiling. Kilala ko si Kuya kapag sinabe nya gagawin nya!

"No! No! Kuya Pierre please? trust me I can handle this. Problema ko to kaya ako ang dapat na umayos. I-in fact may Live interview ako ngayon inaantay ko nalang manager ko then aalis na kame."aligagang sagot ko sakanya. Tinitigan ako nito ng matagal na para bang inaalam kung totoo ang sinasabe ko saka sya tumango pero naka crossed arms parin.

"Alright. I'll coming with you. Manonood ako ng interview mo ngayon at kung may mag lakas ng loob na mambastos sayo dun. Kuya cant promise you na tatahimik lang ako."Seryoso parin ang muhka nya kaya kahit hindi sang ayon ay tumango nalang din ako.

"Fine! Wait lang kukunin ko lang bag ko sa kwarto and kuya kung may mag buzzer paki open nalang baka si Glenda na yun." he nodded.

"Alright baby Dalian mo." papalakad na sana ako ng lumingon ako sakanya na may malawak na ngiti kumunot naman ang noo nya halatang nawirdohan saken. "What's with that creepy smile?"

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now