SA LOOB ng pitong araw namin dito sa resort wala kameng ibang ginawa ni Helios kundi ang mag saya .. mamasyal, manood ng fire dancing, maligo sa dagat, manood ng sun set sa dalampasigan. Sa pangatlong araw namin sinorpresa nya ko ng Dinner date sa mismong veranda ng room namin at syempre san paba hahantong ang isang romantic date? Syempre sa mainit na pag iisa. Sa loob din ng pitong araw na magkasama kame dito, tatlong beses palang ulet kame na nag made love na sobrang pinagtaka ko dahil kung normal sya wala na siguro kameng tayuan sa kama kaya tinanong ko sya kahapon at halos tumalon naman ang puso ko sa sagot nya.

"Dahil alam kong madame kang gustong gawin at gusto kong makapag pahinga ka at sulitin leave mo, ayokong gumising ka ng kulang sa tulog at mamasyal ng pagod. Hindi lang naman yun ang pwedeng gawin naten porket magkasama tayo.. I just wanted us to enjoy our vacation together bago bumalik sa trabaho."

At ngayong pang last day namin dito sa resort.. nag iisa ako ngayon dito sa Room pag gising ko kase wala si Helios at may Note lang na nakalagay sa table kung nasan ang breakfast ko.

'Goodmorning Love , sorry if wala ako pagka gising mo may pinaaasikaso lang si Dad saken. I'll be back later and Let's have dinner date at 6pm. Just let the staff assist and guide you. See you later I Love you'

"Ano kayang inaasikaso nya? Ang aga naman tapos mamaya pa sya babalik?" Nakangusong tanong ko sa sarili saka naupo at nag simulang kumaen dahil gutom na din babies ko.

Wala akong ibang ginawa maghapon kundi manood at matulog dahil wala din naman si Helios ayokong mamasyal mag isa mas gusto kong humilata ngayon. Napasulyap ako sa orasan napasimangot ako ng makitang mag 4:00pm na ng hapon at wala parin si Helios.

"Kinalimutan na atang may kasama sya. Mas importante pa ata ang inaasikaso nya kesa saken! Alam naman nyang last day namin dito dapat sulitin na namin!"

Inis na kinuha ko ang phone saka tiningnan kung may text o tawag sya pero lalong nalukot ang muhka ko dahil kahit isa wala! Kaya naisip ko nalang na mag video call sa girls pero naka dalawang try na ko ng tawag sa group namin walang sumagot kahit sila kuya Primo sinubukan ko din tawagan pero wala ding sagot kahit isa! Inis kong pinatay ang cellphone ko saka nag takip ng unan sa muhka at gigil na sumigaw.

"Ano ba! Baket lahat sila busy?! Naboboring na ko dito nakakainis ka Helios! Lagot ka saken pag uwi mo!"
Naiiyak na ko sa inis kaya naisipan ko nalang matulog.

Napabalikwas ako ng may marinig na mag buzzer napatingin ako sa oras at nakitang 5:00 pm na, isang oras din pala akong nakatulog at naiwan ko pang naka bukas ang TV. Tinatamad na bumangon ako at nag suot ng roba saka nag punta sa pinto para pag buksan ang ang buzzer. Sinalubong ako ng dalawang babaeng staff na nakangiti.

"Hello Miss Phoebe, nandito po kame para asikasuhin kayo para sa dinner date nyo ni Mr Helios Gauthier."
Pinakita nya saken ang damet na nakahanger at nasa braso nya.
Ang isang babae naman may dalang ibang mga gamet.

"A-ah come in." naiilang kong sagot muhka kaseng kanina pa sila nag hihintay ng sagot ko. Pinaligo na muna nila ako bago inayusan simpleng make up lang naman ang nilagay nila na halos wala naman masyadong nag bago sa itsura ko at mas gusto ko yun. Habang ang isa staff naman tinali sa French braids ang mahaba kong buhok medyo ni Loose din nya kay parang naging messy ang dating.

"Miss Phoebe pwede nyo na pong suotin to." napatingin ako sa isang staff hawak na nya ang color Floral print backless summer Maxi dress with slits sa isang kamay naman nya ang simple but elegant flat sandals.

"Sige thank you." nakangiti kong kinuha sakanya ang mga iyon saka pumasok sa CR nang maisuot ko pinag masdan ko ang sarili sa whole body mirror. Hinawakan ko ang dalawang malusog kong dibdib at kumunot ang noo ko dahil parang mas lumake ata ? Kitang kita sa suot kong dress ang cleavage ko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now