5

203 8 0
                                    

Bettina's PoV

Bago pa man siya makalayo hinabol ko na siya at niyakap mula sa likod

"Santi... wag... please... mahal kita... mahal kita... wag mo na kong iwan please... Santi..." sambit ko kasabay ng pag-iyak

Seeing him walk away... seeing his back turned on me... mas... mas nakakatakot pala.

It's like I was killed by my own knife this time. Hindi mawala sa utak ko yung ginawa ng mama ko samen ni papa... she left us hanging kahit nangako siya ng kumpleto at masayang pamilya.

I was scared I'd be left as well kaya ako yung nauuna... pero now... after seeing him again... and seeing his back turned again... ayoko na... ayoko na ng ganito.

Masakit na masyado. Ayoko nang pagsisihan pa ulit na tinaboy ko siya. Na hindi ko siya binigyang halaga. Mas masakit yung ginawa ko sa kanya kesa sa bagay na kinakatakutan ko. Mas masakit dahil pati ako nasaktan sa ginawa ko.

Noon dala yun ng pagod at pag-ooverthink pero ngayon... ayoko na. Ayoko nang maiwan ulit. Ayoko na ulit maging tanga.

"Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo Bettina" sambit niya loosening my hands on him pero mas lalo ko lang hinigpitan yung yakap ko

"No! No... please... I'm sorry. I'm sorry Santi... wag kang umalis... wag mo kong iwan..."

"Hindi na kita maintindihan Bettina. Bitaw nga muna" he said trying to let himself go pero di ako bumibitaw

"Hindi... hindi ko rin maintindihan ang sarili ko Santi... pero mahal kita... mahal kita. Santi..." I called his name crying and hugging him tight scared he might leave again because of me

"You don't want me leaving but you're building walls on me. That's fcking confusing Bettina"

"Sorry... sorry..." sambit ko na lang habang pilit niyang inaalis ang kamay ko sa pagkayakap sa kanya.

When he succeeded, he faced me, habang ako naman nakayuko lang... umiiyak

I heard him sigh... nakita ko naman sa paa niya na tumalikod siya saken, won't I be able to stop him?? H-huli na ba??

Santi's PoV

Ang hina hina ng pader ko pagdating sa babaeng to. Just hearing her cries died down my resolve of leaving her for the second time around

"Mangako ka" sambit ko

"H-ha?"

"You'll let me know of your worries and your fears" sambit ko facing her back pero nakayuko siya kaya hinawakan ko siya sa baba to lift her chin up and face me

"2nd. Stop crying without me. Tell me if I'm the reason, tell me if it's something else"

"Santi..."

"3rd. Wag mo na kong itaboy please lang. Coz the next time you tell me to leave, baka hindi na ko bumalik Bettina. I understand you have your fears but-"

"Sorry"

"4th. Iparamdam mo saken na sumusugal ka na. I wouldn't say that we're back together now. I need to see you this time. Kasi siguro naman ramdam mo na mahal kita at gagawin ko lahat para sayo" i said then she nodded

"Pero ako hindi ko makita yun sayo. All I see is you building walls on me. Kung sumusugal ka na talaga, show me yourself. Break those walls. Sugalan mo yung meron tayo kung gusto mo talaga akong magstay"

Someone You LovedWhere stories live. Discover now