4

215 9 0
                                    

Bettina's PoV

Nasa kwarto lang ako when someone came knocking on my door

"Bukas po!"

"Anak? May bisita ka"

"P-po? Sino?"

"I guess you just see for yourself" sambit ni papa nefore closing my door. Inayos ko sarili ko bago lumabas ng kwarto

"He's outside. Ayaw niya muna daw pumasok"

"O-okay po"

Dumirecho na ko sa labas only to see a familiar back

"Sino ho sila?"

When the guy faced me, parang nanigas buong katawan ko

"Hi, Bettina"

"S-santi, anong ginagawa mo dito?"

Lumapit siya saken but I froze down

"Let's talk. I mean, listen to me first. Please?" Kalmadong sambit niya

"P-pero-"

"I think you got assumptions wrong again Bettina

"H-ha?"

"I saw you cried that day" sambit niya kaya napaiwas ako ng tingin

"W-wala yun. Ano... ano lang..."

Hinawakan nya yung baba ko bago ko pa man matapos ang sasabihin ko making me look at him

"I love you"

Santi's PoV

I just dived straight down. Yun naman kasi yung totoo.

"H-ha?"

"I still love you, Bettina."

"P-pero si Lara-"

"Kapatid ko yun"

"H-ha?! Aww" angal niya ng pitikin ko siya sa noo

"Can you stop making assumptions and actions based on them? You even blocked me on all your social media and your number tsk"

"K-kasi..."

"Pwede magtanong?"

"A-ano yun?"

"Minahal mo naman ako di ba?"

She was silent which makes me unsure

"You didn't love me?"

"No! I-I did!"

"Eh bakit ang hirap sayo sagutin nung tanong ko? Are you still doubting everything?"

"No..."

"Eh ano? Can we at least settle one thing straight? What happened to us Bettina? Kasi umalis ako coz you said you don't need me anymore, now I'm back you're building your walls up on me. Am I not someone who you can see beside you?"

"Alam mo naman yung nangyare kina mama at papa di ba?"

"But they're not us Bettina. Hindi ako katulad ng mama mo"

"Mahal kita Santi... totoo yun... I... I just"

"Need more time? Again?"

"No... I... I'm scared"

"Of what? Na magaya tayo sa kanila? Di ba ganun na yung ginawa mo Bettina?"

Napayuko naman siya at napatakip ng mukha sa sinabi ko.

"Sorry... I'm sorry Santi... I'm sorry" sambit niya kneeling down crying

"Sorry saan Bettina? Tumayo ka nga." Sambit ko trying to pull her up pero iyak siya ng iyak kaya ako na yung lumuhod this time

"Sinunod ko yung gusto mo coz I thought that would make you feel better. Yung wala ako. Kasi lagi ka ding takot na may iba ako. Lagi kang takot sa mga bagay na di naman nangyayare pero ikaw din ang naging dahilan para mangyare yun. Bettina puro takot ka na lang ba lagi?"

"Santi..."

"Mahal mo pa ba ako?"

"H-ha?"

"Mahal mo pa ba ko Bettina? Kasi ako mahal kita. Mahal pa rin kita. Pero willing naman ako umalis sa harap mo kung hindi na."

She just bit her lips afterwards kaya napabuntong hininga na lang ako

"Kung takot ka pa ring sumugal thinking about things that's impossible to happen... wala na kong rason para magstay pa dito. Una na ko Bettina" sambit ko na lang bago ako tumalikod sa kanya

Ganun ba kahirap sagutin yung tanong ko? Yun lang yung hinihingi ko. Yung sabihin niyang mahal niya pa ako. Bakit sobrang hirap nun?

Someone You LovedWhere stories live. Discover now