Chapter 5

35 16 18
                                    

Chapter 5

I didn't know what to do, my head is in a blank state and my hands are already trembling.

"Sagutin mo na! Ako kakausap," I heard Beatrix said, but I just looked at her with anxiousness evident in my face. It seemed like I was frozen from my seat.

Beatrix tsked before getting my phone from my right hand. My mouth gaped open. Pipigilan ko pa sana ito pero nasagot na rin naman na niya.

"Hello po, tita?"

"Ay! Tito, ikaw po pala 'yan. Opo, kasama ko po siya. Pero natutulog po siya ngayon eh."

I pursed my lips, I really hate lying. Mitch and I just stared at her while she was talking to my dad through my phone.

"Sige po. Sabihan ko na lang po siya."

That was the last thing that she said before handing me my phone.

"Easy!" Napangiwi na lang ako sa sinabi nito.

"Sabi ni tito tawagan mo raw sila. May sasabihin lang naman daw," aniya kaya napatango na lang ako. I breathed a sigh of relief. 

Kahit gano'n ay ang bigat pa rin ng pakiramdan ko dahil sa pagsisinungaling. Iyon talaga ang hindi ko kayang gawin kaya alam ko na rin agad na kapag sinubukan ko man ito ay mabilis lang din akong mahahalata.

My cold hands went back to normal temperature. Itinuon ko na rin ang atensyon ko sa dessert na in-order sa akin ng dalawa.

Minutes passed, I heard Mitch's squeal, nakatingin ito sa likuran ko. I followed her gaze and there I found Beatrix's friends with Justin, 'yung athlete crush ni Mitch and another girl na hindi pamilyar sa akin.

"You're here!" Beatrix greeted them as she stood up from her seat.

"No we're not, kaluluwa lang namin 'to." The girl that I'm not familiar with rolled her eyes at Beatrix na ginaya naman ng huli.

"Taray mo talaga, ang pangit ka-bonding." Beatrix said as she walked towards her and wrapped her arms around the girl's shoulder.

"This is Lei, ang maldita ng taon!" Pagpapakilala niya rito. Pagkatapos ay kami naman ang pinakilala niya.

"This one is Irish, and that one is Mitch." Lei nodded as she flashed a small smile. 

I was stunned. Medyo natatakot na kasi ako kanina, akala ay ko tatarayan niya rin kami. Sinuklian ko na lang ang ngiti niya.

Mitch stood up from her seat and walked towards Lei and hugged her.

"Hi, Lei! Ang ganda mo naman, how to be you po?" Pangungulit nito na akala mo naman ay matagal niya na itong kilala. Narinig ko naman ang mahinang halakhak ni Beatrix sa gilid.

My gaze darted behind them, naguusap doon ang apat na lalaki. It's like they have their own world.

Nagbawi ako ng tingin nang marinig ko ang palakpak ni Beatrix, "Come on, guys! It's time to rest in our rooms! Magbo-bonfire pa tayo maya-maya!" She announced cheerfully.

Tumalikod na ang mga ito kaya agad na rin akong tumayo mula sa kinauupuan ko at sumunod sa kanila. Apparently, planado pala na kasama sila kaya pati rooms ay settled na.

They booked 4 rooms in total, kaming tatlo sa isa at tig-dalawang tao naman sa ibang rooms.

Pagkarating sa kuwarto naming tatlo ay nagpalit na ako ng denim short at oversized t-shirt.

Narinig ko naman na nagti-tili si Mitch. Kilig na kilig ito dahil kasama rin namin ang athlete crush niya. Thank you pa nang thank you kay Beatrix.

We just stayed inside our room. Inaantay lang na mag-aya si Beatrix na mag bonfire. I'm actually looking forward to it.

Fragile HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon