"Aba!Ayos ng banat mo ah, Kuya!" sabay pitik ng daliri sa ere ni Kathleen. Isang tipid na ngiti lamabg ang isinagot ni Johny saka binuksan ang pinto ng muling magsalita ang kapatid.
"Kuya!" tumingin siya dito. "Ampalaya ka ba?"
Napakunot -noo si Johny.
"sabihin mo kuya, Bakit!" sabi ni Kathleen. "Joke yun kuya, kaya ang isagot mo Bakit,tapos sasagutin ko!" napaisip si Johny.
"Kuya, ampalaya ka ba?" uli na tanong nito habang ngiting-ngiti. Huminga ng malalim si Johny at pinagbigyan ang kakulitan ng kapatid.
"Okey!...Ba---bakit?" turan ni Johny.
Hindi paman nagsasalita si Kathleen ay tumatawa na ito habang tutop ang bibig. "Kasi Kuya, para kang ampalaya!Kumukulobot na balat mo, sign of aging!" saka nagtatakbong bumaba ng hagdan si Kathleen.
Baliw! Tanging nasabi na lamang ni Johny sa kaniyang sarili at napailing.
"Malapit na birthday ng kambal, Ate Max!Anong balak niyo ni Kuya?" tanong ni Kathleen
"hindi pa namin napag-uusapan yan ni Johny!Ang gusto ko sana eh simpleng salo-salo lang, yung tayo-tayo lang"
"ba't di tayo mag-out of town, sa beach!Para naman matuwa mga bata."
"Hayaan mo sasabihin ko kay Johny."
Katatapos lang nilang manood ng mga oras na yun ng mag-ring ang cellphone ni Maxene.
"hello?"
"hey, sweetheart. Di pa ba kayo uuwi?Asan na ba kayo?" tanong ni Johny mula sa kabilang linya.
"Hindi pa nga kami nagtatagal eh pauuwiin mo na, Johny!"
"Oo nga, KJ mo naman kuya!" sigaw naman ni Kathleen dito.
"Hey, is that you Maxene?" turan ni Alex ng makita nito si Maxene. "Kumusta ka na?"
Napakunot noo si Johny sa narinig na boses lalaki.
"Alex?" turan naman ni Maxene
"Anong ginagaw niyo dito?" tumingin ito sa gawi ni Kathleen. "ikaw yung kasama ni Maxene sa party, right?" napatango naman si Kathleen dito.
"Maxene?"galit na turan ni Johny mula sa kabilang linya.
"Hmp.Yes, Johny?"nag-excuse saglit si Maxene kay Alex
"Who's Alex?" tanong ni Johny.
"Hmp.Nagkakilala kami nung gabi ng party nina Dante!I don't know if you meet him ---
"I think I know him!" mabilis na naputol sa kabilang linya. Nagtataka naman si Maxene kung bakit tila naging masungit ito.
"So, san kayo ngayon nakatira ng anak mo Max?"tanong ni Alex sa kaniya. Umupo ito sa katabing upuan niya.
"Sa ama ng mga anak niya!"mabilis na sagot ni Kathleen
"Really?So, dito na ulit kayo titira?"tanong nitong nakatingin kay Maxene.
"Hindi ko pa alam, wala pa kaming napag-uusapan."sagot ni Maxene. Tumango naman si Alex.
"Anong gusto niyong orderin?"
"Ah, tapos na kami kumain ni Ate Max, don't bother!Thanks na lang!"
mataray na turan ni Kathleen.
"O-okey!"
Nagtgal si Alex sa pakikipag-usap sa kanila. Hindi naman ito.magawang ipagtabuyan ni Maxene dahil nahihiya siya at mabait naman ito sa kaniya.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Started with a Text
Любовные романыIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
Part 64
Начните с самого начала
