"I think, tama ka Kath!Parang gusto kobg manood ng sine! Biglang sabi ni Maxene na ikinalingon bigla ni Johny.

"Sweetheart....?"

Humarap dito si Maxene at yumakap sa bewang ni Johny. " Saglit lang kami ni Kathleen, Johny!And kaya ko na sarili ko, magaling na ko!" lambing ni Maxene dito habang ang isang kamay ay humahaplos sa buhok ni Johny. Humawak naman sa bewang niya si Johny at dinikit pang lalo ang katawan niya sa katawan nito saka bumulong.

"You know what sweetheart!Kanina niyo pa ko pinagtitripang dalawa!Papayagan kita, pero humand ka sa'kin kagabi!" at mabilis na hinalikan ito ni Johny sa labi. Tumagal ang halik na iyon na parang wala si Kathleen sa harap nila.

"Awat na Kuya, di na siya makahinga!" narinig nilang sabi ni Kathleen. Binitawan ni Johny si Maxene at linapitan si Kathleen.

"magbihis ka na Kath, daanan mo na lang siya after mo magbihis!" saka mabilis na itinulak ni Johny ang kapatid palabas at isinara ang pinto!

"Minsan gusto ko ng ipagtulakang mag-asawa na yan si Kathleen, ng wala ng iistorbo sa'tin!" turan ni Johny habang papalapit kay Maxene. Yumakap ito sa bewang ni Maxene at humawak naman ito sa batok niya. "I love you sweetheart!" saka matamang tinitigan niya si Maxene.

"And I love you more Johny!Kaw na muna bahal sa kambal ha?" sabi naman ni Maxene habang masuyong hinahaplos ang kabuuan ng mukha nito.

"Where's the BhebheLuv that you used to call me, sweetheart?" tanong ni Johny.

Ngumiti si Maxene. "Huwag na nun!Matanda na tayo para sa endearment na yun!"

"Matanda?Ofcourse not, gusto mo patunayan ko pa sayo!" sabay kindat ni Johny dito. Namula naman si Maxene ng may kakaibang maramdaman mula kay Johny. Nanlaki ang kaniyang mga mata at saglit na tumingin doon.

"miss na miss ka na kasi niya.!" pilyong turan ni Johny na ngiting-ngit.Dinampian ng mabilis ni Johny si Maxene. "Now sweetie, bibilang ako ng sampu!Kapag hindi ka pa naligo makabilang akong sampu, alam mo naman ang kasunod!" Napabitaw bigla si Maxene.

"1!" simula ni Johny na agad namang kumilos si Maxene.

"2!" nagmamadaling kinuha ni Maxene ang kaniyang tuwalya.

"3!" patuloy pa ni Johny. Hindi magkadatuto sa kakahanap ng underwear niya si Maxene.

"Johny, ang bilis naman kasi ng bilang mo!" reklamo pa nito.

"4!" ngingiti pa si Johny habang nagbibilang.

"5!"saka mabilis na hinugot ni Maxene ng makita niya ang kaniyang hinahanap.

"6!" saka nagmamadaling nagtatatakbo si Maxene papunta sa cr!

"7!" nakapasok na si Maxene sa cr ng magsalita ito.

"Got it, Johny!Stop counting!Para kang sira" saka tumawa ng malakas si Johny. Isinara ni Maxene ang pinto saka sumigaw.

"Love you, Johny!"

"Love you too, sweetheart!" ganting sigaw naman nito. "Maligamgam ang ipaligo mo, remember nilagnat ka kagabi!" bilin pa ni Johny at lagasnas ng tubig ang sunod niyang narinig.

Hinalikan niya ang kambal at nakangiting lumabas ng kuwarto. Hibdi na niya hinintay na makapaligo si Maxene dahil alam na niya ang mangyayari kung sakaling tanging tuwalya lamabg ang najikuta niyang nakatabing sa katawan nito.

Papasok na siya ng kaniyang kuwarto ng tawagin siya ni Kathleen.

"Kuya, si Ate Max?"

Napatigil ang pagbukas niya ng pinto. "Nasa puso ko, bakit?" pabirong sagot niya dito.

Started with a TextWhere stories live. Discover now