CHAPTER SEVENTEEN

31 16 0
                                    

Talia's Pov

Nakasakay kame sa kotse ni Aubrey. Ihahatid nila ako ngayon sa bahay, pero sabi ko naman sa kanila wag na lang kaya ko pa naman, di pa naman ganon kalaki ang tiyan ko. Pero ito'ng dalawa makulit.

Pagdating sa bahay tinignan na muna ako mabuti nung dalawa bago namin binuksan ng sabay-sabay yung pinto ng kotse. Ang nakakagulat nga lang nasa bahay din sila Mr. Fernandez, kasi nakaparada yung kotse nila sa harap ng bahay namin.

Napaharap ako kala Aubrey. Pano na to? Hindi pa pwede malaman nila Mr. Fernandez at Casper ang tungkol sa pagbubuntis ko.

"Pano na, nandito pa kamo sila!?" Patanong na sabi ni Briella.

"Di ko alam!" Sagot ko.

"Wag nga kayo'ng ano diyan, hindi pa naman halata yung tiyan ni Talia, kaya pwede pang makalusot. Pero wag ka naman masusuka at mahihilo, tandaan mo Doctor ang Papa mo at si Mr. Fernandez kaya mabilis nila malalaman!" Sabi ni Aubrey, sabay pasok sa bahay namin.

Kaya naman napasunod na din kame ni Briella. Tama wag lang talaga ng bumaliktad ang sikmura ko masusuka ako, at wag sana ako'ng makaamoy ng iba nahihilo ako. Pagkapasok namin binati agad nila Aubrey si Mama. Nasa hardin yata sila Papa kasama si Mr. Fernandez at Casper.

"Goodmorning po, Tita!" Bati nilang sabay.

"Goodmorning mga hija." Si Mama.

"Goodmorning, Talia!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Tita Selena.

'Anong ginagawa dito ni Tita?' Tanong ko sa isip ko.

"G-goodmorning po!" Nauutal na bati ko, sabay halik sa pisngi nilang dalawa ni Mama. Sinenyasan ko sila Aubrey na nababahuan ako sa amoy sa paligid. Kaya naman sinenyesan ko din siyang umakyat na sa taas.

"Akyat na po muna kame sa kwarto ni, Talia." Sabi ni Aubrey. Nakahinga ako ng maluwag ng tumango si Mama at Tita.

"Teka kanino'ng bag ito, iyo ba ito, Talia?" Tanong ni Mama. Bubuksan na sana ni Mama yung zipper ng banggain ko si Briella.

Di ni Mama pwedeng buksan yung bag, makikita niya yung mga Vitamin's ko at yung resulta. "Akin po yan, Tita. Salamat po!" Sabi ni Briella sabay kuha nung bag. "Sigi na po akyat na kame!" Tumango naman si Mama.

Nang makapasok kame sa kwarto ko nilock ko ka agad yon. Baka biglang pumasok si Mama lalo na talaga ako'ng mayayari.

"Talia, para kameng nasabak sa palaro ng buhay mo abuh." Sabi ni Briella.

"Sorry na friend, sasabihin ko naman na talaga dapat ngayon kaso andiyan din pala si Tita."

"Di kaya pagkakataon na ito, Talia para malaman nilang lahat ang totoo, andiyan na din naman kasi si Mr. Fernandez at yung anak niya at pagnalaman na nila yung totoo pwede'ng hindi ka na nila ipakasal kay Casper, hindi ba." Suwestiyon ni Aubrey. May point na siya.

"Pano kung yung bata naman ang pagdiskitahan nila? Pano imbis na sabihin na lang natin na wag ng ituloy yung kasal, matutuloy pa kasi wala si Jayden, baka hanapin nila yung Tatay niya." Suwestiyon din ni Briella.

"Kung pano ibalibag ko sa inyo tong unan, ang daming niyo'ng suwestiyon pero di pa naman kayo ganon kasigurado!" Sabi ko.

Di na kame nag-pansinan tatlo. Nagisip ako kung pano ko sasabihin kay Mama at Papa na buntis ako, natatakot ako grabe kahit sino'ng nandito sa situation ko kakabahan ie.

Bumalik lang ako sa ulirat ng buksan ni Briella yung pinto, bigla nama'ng pumasok yung kapatid ko.

"Ate, kakain na bumaba ka na!"

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now