CHAPTER SEVEN

44 28 1
                                    

Talia's Pov



Pagktapos ng klase hinatid ako ni Jayden sa bahay. Nang makarating kame malayo pa lang kame rinig ko na ang mga nag-uusap sa loob, sino kaya ang bisita ni Mama o ni Papa.

Pagkapark ni Jayden, bumaba na siya para naman mabuksan niya yung pinto sa tapat ko, pero muka siya'ng ewan nung makita niya yung kotse malapit sa bahay namin. Kaya naman ako na ang nagbukas para sakin.

"Dhie, may problema ba?" Tano'ng ko.

"Wala naman, Mhie. Pero kanino ang kotse na to?" Tanong niya.

"Di ko alam, Dhie. Baka isa sa mga bisita ni Mama." Sabi ko na lang.

Nginitian niya naman ako. Papasok na sana kame pero may tumawag sa kanya, di ko na nakita kung sino yun. Baka naman sila Henry o Tyler lang.

"Mauna ka na muna Mhie, sa loob sagutin ko lang to." Sabi ni Jayden.

"Sigi, sumunod ka Dhie." Sabi ko.

Tumango naman siya at sinagot na nga yung call. Pagpasok ko, sa kusina ko naririnig yung mga nag-uusap. Kaya papunta ako don pero may biglang nagsalita sa likod ko, kaya dun ako napaharap.

"Ate... Nandyan ka na pala. Tara kakain, nandiyan si John kasama yung ate niya. Diba sabi mo gusto mo'ng mameet." Sabi pa niya.

"Talaga." Paninigurado ko.

"Oo, kaso may kausap sa phone hintayin mo lang dito sa sala." Sabi niya pa.

Tumango naman ako at dumaritso sa kusina sandali. Kumuha ako ng tubig dahil kanina pa ako nauuhaw. Pagkatapos ko dumaritso ako sa kwarto para magpalit muna ng damit, pero nakadaan na ako sa kwarto nila Mama wala si Papa. Wala rin naman sa kusina, si John lang.

Pag-baba ko nagulat ako kasi may babae ng naka-upo sa sala. Ah eto na yata yung ate ni John sa totoo lang tama sila maganda nga, at mukang Model. Lumapit ako sa kanya para magpakilala.

"Hi... Ikaw yung ate ni John?" Tanong ko.

"Yes. Hello, My name is Fatima, Alara Garcia and you are?!" Tanong niya pa. Sabay lahad sa kamay niya.

Nagtaka naman ako, Fatima akala ko ba Francescha. Pati Fatima di kaya siya yung babae na Model na nakita ko sa picture nung-isang araw, di kaya siya yun. Natauhan lang ako ng may biglang kumuhit sakin. Siya pala.

"Sheryl, Talia." Nilahad ko din yung kamay ko. Yun na lang ang nasabi ko at iniwan na siya.

Di ko naman alam kung saan ako pupunta, pero nung naalala ko na kasama ko nga pala yung boyfriend ko. Bat kaya di pa siya napasok. Kaya lumabas ako. Paglabas ko nakita ko'ng nakasandal siya sa kotse niya.

"Dhie, bat di ka pa na---." Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang niya ako'ng niyakap. Kaya napayakap na din ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko pa.

"Wala namiss lang kita, Mhie." Sabi niya.

"Osigi-sigi na. Tayo pumasok na sa loob ng makakain ka."

"Mamaya na lang dito muna tayo, Mhie."

"Pero mahamog na dito, malamok pa." Sabi ko. "Pati gusto ko'ng ipakilala yung ate ni John sayo, nasa loob sila." Dagdag ko pa.

Di naman siya nakatanggi basta sinabe ko. Pumasok nga kame sa loob pero wala na si Fatima sa sala kaya dumaritso kame ni Jayden sa kusina.

"Oh hijo nandito ka pala." Si Mama.

"Ah, Goodevening po tita."

"Goodevevning naman, tara kakain may dumating kasi'ng bisita kaya marami ako'ng niluto. Tayo'y mag-sabay sabay na kumain." Sabi ni Mama, habang may ngiti sa labi.

PINKY PROMISE |√Where stories live. Discover now