PROLOGUE

133 13 6
                                    

PROLOGUE

I don't know how it started, I just woke up in a unfamiliar place. All I remember is I ran away from jail, but unfortunately I was shot by the police. And woke up in the body of a princess.

___________________

"Hoy!, hindi kaba babangon diyan?"

Iminulat ko ang aking mata dahil sa ingay ng aking narinig, unang sumalubong sa 'kin ang matandang babaeng masama ang tingin sa 'ken.

"Hindi moba 'ko narinig Arienna?!, bumangon kana dyan dahil bibisita rito ang kapatid mong lalake!, tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo na sa oras na mag sumbong ka ulit 'di lang 'yan ang aabutin mo." galit nitong sambit sa 'ken tsaka naglakad at iniwan akong tulala.

what's happening?!

"Princess Arienna, tumayo na kayo dyan ilang oras nalang at nandito na ang iyong kapatid." tinulungan nya 'kong makatayo. Pansin ko rin ang pagkasakit ng likod ko ng hindi malamang na dahilan, Anong nangyare? 'yan ang unang tanong na pumasok sa utak ko.

habang naglalakad kame pansin kong iba ang suot ko kanina keysa ngayon, ang suot ko kanina ang isang hoodie black at pinagsama ko rin ng kulay black na pantalon at black shoes.

ang suot ko ngayon ay isang bestidang kulay gray, madumi na din 'to. gusto kong tanungin ang babaeng kasama ko ngayon ngunit hindi ko mabuksan ang aking bibig.

hanggang sa may madaanan kameng isang malaking salamin. 'teka' yan ang unang sinabi kosa babaeng kasama ko ngayon, kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.

isang babaeng may maamong mukha ang nakita ko, iginalaw ko ang aking kamay at ganoon din ang ginawa ng babae.

galaw dito, galaw doon.

yan ang ginawa ko, ngunit gaya ng ginawa ko ay ginawa din ng babae, nalilito ako.

"Princess Arienna, ano ang 'yong ginagawa?" takang tanong ng babaeng kasama ko, isa pa 'to Arienna ang tawag nya sa 'ken.

"S-sino ang babaeng nasa salamin nyan?" nanginginig kong sambit ng hindi ko malamang dahilan, kinakabahan ako.

"Princess Arienna, wag kayong mag biro ng ganyan. kayo ho ang nasa salamin na 'yan." nakangiwi nyang saad sa 'ken.

ako ang nasa salamin na 'yan? ngunit paano? panong nangyare na ako ang babaeng 'yan, e lalake ako.

Rebirth : Lazarus FernandezWhere stories live. Discover now