Hindi na sumagot si Bea at umiwas nalang nang tingin. Nagpaalam din siya sa'kin na makikipag-usap muna siya sa mga kaibigan niya sa labas.

"Hindi ka pa nakamove on tol?" Tanong ko sa kaniya.

"Naku, matagal ko nang nakalimutan yan, pero parang ano lang, sa pogi kong 'to lolokohin niya lang ako nang ganoon. Isang malaking kawalan yon para sa kaniya," saad niya.

"Ang feeling mo" saad ko.

Ilang minuto ang lumipas at may bumaba na babae at lalaki mula sa ikalawang palapag. Lolo at lola siguro yon ni Lexess, pero hindi ako makapaniwala sa ganda nang kaniyang lola, siguro nasa mga 60 plus palang ang lola niya sa porma niya at ganoon din ang lolo niya. Halatang mayayaman sila.

Naglakad papunta sa'min ang lolo at lola niya kasama si Lexess.

"Uhmm...lolo, lola these are my classmates" pagpapakilala niya sa'ming lahat.

Agad kaming tumayo at yumuko nang kaunti as a sign of respect. "Magandang hapon po," halos sabay naming saad.

Nakita ko kung paano ngumiti ang kaniyang mga grandparents sa ginawa namin.

"Magandang hapon din sa inyo, upo na kayo," saad nang lola niya at umupo sila sa upuan na nakaharap sa'min.

"Hija, ikaw ba si Belle?"

Dumaan ang gulat sa aking mga mata nang bigla akong tanungin nang lolo niya na nakaupo sa harapan namin.

"Uhmm, opo, ako po 'yon" mahinahong sagot ko.

"Lo, huwag niyo pong tanungin," narinig kong bulong ni Lexess.

"Akong bahala sa'yo, asikasuhin mo nalang ang iba mong mga bisita at kami na nang lola mo ang bahala dito," saad nang lolo niya at agad niya namang sinunod.

Lumabas muna siya at inasikaso ang iba niyang mga bisita, habang kami ay nasa loob nang bahay nila at kausap ang kaniyang lolo't lola.

"Alam mo ba, hija simula noong lumipat si Biboy nang paaralan nagbago na siya," pagsimula nang lolo niya.

"Biboy po?" Nagtatakang tanong ko.

"Auh, iyan kasi ang palayaw ni Lexess, kasi noong bata yan ay bibong bibo yan, kaya yan ang naisip naming palayaw sa kaniya," pagsagot nang lola niya.

"Hindi ko lubos maisip na ganito na ngayon si Lexess, ilang buwan palang simula noong ilipat namin siya nang paaralan pero nakita talaga namin kung paano siya nagbago at mas pinakatutukan na niya ang kaniyang pag-aaral," saad nang kaniyang lolo.

"Mukhang matalino naman po talaga si Lexess, pero sadyang tintago niya lang po talaga ang mga talento niya," saad ko.

"Matalinong bata nga naman si Biboy, pero naapektuhan siya nang dahil sa nangyari sa pamilya namin, nagbago siya hija, pero laking pasasalamat namin na ngayon ay nagbago na siya, mas pinaprayoridad na niya ang kaniyang pag-aaral, hindi na siya ang dating Biboy na palaaway sa paaralan. Mabait na bata yang si Biboy, maalaga, at maunawing bata yan kaya mahal na mahal namin yang nag-iisa naming apo," bahagyang tumawa ang lola niya habang nagkukwento.

"Mabait naman po si Lexess, pero minsan maangas po siya, pero okay lang naman po yon," nagulat ako nang biglang nagsalita si Dave.

"Anong pangalan mo, hijo?" Tanong nang lolo ni Lexess.

"Auh, David po," magalang na sagot ni Dave.

"Auh magkapangalan tayo," masayang saad nang lolo niya.

Bahagyang tumawa si Dave nang marinig ang sinabi nang lolo ni Lexess.

"Gwapo talaga ang mga David ang pangalan, diba hijo?" Saad nang lolo niya.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon