𝙎𝙪𝙣𝙙𝙖𝙮...
"Eto na yon? eto na pinagmamalaki mo sa amin na pamilya mo? Eh kung hindi ka lang sana boba edi sana matutuwa pa ako. tignan mo tong grado mo ang baba. Ih kumpara mo nga yan sa mga kapatid mo. Mahihiya ka lang. " sabi ni mama. Ngumiti lang ako sa kanya
"Sorry po" ayun lang na sabi ko
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? tataas ba jan yung mga scores mo o grades mo sa school ha!?" Saway ni mama. Pero anong magagawa ko? Sa paghingi lang ng tawad ang kaya ko puro lang ako sorry
"Sorry po ulit" ayan na sabi ko nanaman yumuko ako at pinipigilan ko umiyak
Sinampal ako ni mama hindi ko alam kung bakit pero bakit hindi ko ramdam? Manhid na ba ako?
"Umalis ka na baka ano pa ang magawa ko sayong bata ka" sabi ni mama. Umakyat nako papuntang kwarto ko at doon ko na binuhos lahat ng luha ko
ansakit sakit lang dahil kaya ni mama na saktan ako dahil lang mababa grades ko ayus lang naman grades ko average naman sila pero bakit di tanggap ni mama si ate at si kuya na lang ang maganda sa paningin nya
Umiyak ako ng umiyak kung andito lang si papa di ako masasaktan ni mama miss ko na ang papa ko yung super hero na laging nagtatanggol sakin mula sa mga sampal at gulpi ni mama sakin
"Papa, balik kna. Bumalik kna dito. Papa ko" sabi ko habang umiiyak unulit-ulit ko yun sinasabi pero bakit bakit pinagsisiksikan ko pa rin kahit alam ko ng hindi na babalik ang papa ko dahil ang papa ko matagal ng patay.
"Ano nanaman itong nababalitaan ko ha! Na sumali ka sa pageant eh ano naman ipapakita mo yang katawan mo na ang taba taba wag ka ng sumali magbackout ka na lang mas maganda na ate mo na lang ang inilista mo edi matutuwa pa ako!" ayan agad ang sinabi ni mama pagkabalik nya sa bahay
Mama, bakit? bakit si ate na lang ang maganda at sexy sa mata mo mama andito ako oh andito ako anak mo rin ako mama bakit hinuhusgahan mo katawan ko diba mama sabi nila na mahalin mo anak mo kahit ano pa sila mama mahal mo ba ako?
"Sorry po, ma. Sige po si ate na lang po ang papalit sakin." Sabi ko at ngumiti
umalis nako sa harapan ni mama at pumuntang banyo para umiyak. Hindi ko na kase kaya si ate na lang kase babae din ako katulad nila pero bakit sarili kong mama dinadown ako? Bakit sarili kong mama binabody shame ako? Bakit sarili kong mama pinanumukha sakin ang pangit ko? hindi ba nya alam na may damdamin din ako. Tao din ako nasasaktan.
"Ano ba yan tignan mo nga tong grades mo sa math ang baba paano na lang yung pagiging architect mo ha! Tignan mo kuya mo puro perfect sa math kaya ang taas ng grades nya don. Gayahin mo ang kuya mo" Sabi ni mama at inirapan ako at umalis at pinunit ang test ko sa math.
Mama nung isa araw si ate ngayon si kuya ano bang gusto mong gawin ko ang gitilin ang sarili kong buhay? Kase ayun lang ang alam ko para maging masaya ka ang mawala ako sa buhay mo. Mama pero ayaw ko pa mawala dahil gusto ko makita ko yung ngiti mo na may ginawa akong maganda sa paningin mo dahil mama ngiti mo lang masaya nako hindi ko kailangan ng martilyales kase ngiti mo lang po ang kailangan ko.
Kinuha ko yung pinilas ni mama na test ko at pumunta ako sa kwarto para ayusin yon.
"Ma-" tatawagin ko pa lang si mama pero nakita ko na may kausap syang bisita alam kong masama makinig pero gusto kong malaman
"Mars kamusta na yung mga anak mo?" Tanong ng kausap nya
"ayun ang tataas ng mga grades lalo na yung panganay ko nako" sabi ni mama alam ko na si kuya ang tinutukoy nya. Ngumiti lang ako
"eh yung babae mo nakikita ko sya sa facebook dalaga na mars pang Ms. Universe ang hulma." Sabi ng kausap ni mama
"kinino pa ba magmamana edi sakin lang din naman" sabi ni mama at tumawa
