Magbabasa ka pa? (another story)

996 15 30
                                    

Ud daw :) Waley magawa eh. 

-

Mahilig ka bang mag-puyat at mag-computer tuwing Friday?

Pero mas malala, mahilig ka bang magbasa ng mga nakakatakot tuwing gabi?

Itigil mo na yan! Kung ayaw mong matulad kay Nicole, na mahilig magbasa pero anong nangyari sa kanya? 

-

Friday na naman. Ang pinaka-hinihintay na araw ni Nicole. Makakapag-puyat na naman siya sa kakabasa ng mga horror stories. Hilig na niya ito, dahil nakakaramdam siya ng kakaibang takot at siya isang adventurous. 

10:00 PM yan ang start ng computer time ni Nicole. Sa oras na ito, nagawa na niya lahat ng kailangan niyang gawin kaya pwedeng pwede na siya mag-basa basa ng mga horror stories sa wattpad.

Nagsimula na siya pero bakit parang sobrang lamig ngayong gabi? Isip niya. 'Ah! Sige, mas gusto ko yun para mas feel na feel ko ang story.'

Nagsimula na siya magbasa, pero laking gulat niya ng malamang kapangalan niya ang babae doon sa bida. Nicole din at parehas ng scene. Nagcocomputer din ang Nicole na bida at friday din, nagbabasa ng story. Binasa niya pa kahit takot na takot na siya.

Binasa niya ng malakas. "Hindi alam ni Nicole na habang naka-harap siya sa computer ay may nagmamasid sa kanya sa likod niya. Unti unting lumalamig, at unti unting lumalapit sa kanya ang nilalang na ito. isang matandang, nangangalang, Nicole din. "

(HAHAHA OKAY!!)

Kinakabahan siya, dahil sa pwesto niya ay unti unting lumalamig at unti unti may yabag na naririnig.

Pinagpapawisan na siya. Ganoon din sa binabasa niyang storya. 

Pero hindi siya dapat matakot. mas malakas niyang binasa ang storya.

Pero hindi siya maka-concentrate. 'Wag kang lilingon, wag kang lilingon.'

Parang may bumubulong sa kanya. 

Pinagpatuloy niya ang pagbabasa.

"Nagdasal si nicole ng isang latin. Isang dasal ito na dinadasal ng mga matatanda." Binasa ni Nicole ang dasal at dinasal niya rin ito, ginagaya niya lang dahil takot na takot na siya sa mga oras na yun.

Unti-unting nawawala ang takot na nararamdaman niya. Tumatahimik na rin ang paligid. 

Binasa niya ang storya.

"Unti-unting lumingon si Nicole........................................................"

Hindi niya pa nababasa ang ending ng biglang nag-shut down. 

'Sayang! Ending na eh!'  nasambit niya sa sarili.

Hindi niya tuloy alam kung lilingon ba siya o hindi. Naisip niya na naman ang 'wag kang lilingon' na scene kanina.

'Ang galing naman ng gumawa ng story, feel na feel ko yung nangyayari.'

isip niya.

'Pero  story lang yun, lilingon na nga ako.'

Unti-unting lumingon si Nicole. Pero laking gulat niya ng makita ang isang mala-demonyong matanda na malaking ang ngisi sa kanya. Itim ang mata, naka-puti at puting puti ang buhok pati ang mga mukha.

Tumawa ito.

"Sinabi ko na sayong wag kang lilingon iha eh." 

At bigla siyang sinakal nito hanggang sa malagutan siya ng hininga

Ikaw? 

Magbabasa ka pa ba? Lilingon ka pa ba? Wag ka ng magpuyat. Andito lang ako. By the way, ako nga pala si Nicole.

-

end

HAHAHA libre husga

Unknown number callingWhere stories live. Discover now