Lola (another story)

1.1K 11 66
                                    

Lola (another story)

"You're fired." o____________________o

"P-p-pero Sir."

"I said you're fired!" 

Hindi ko pa rin makalimutan yung kanina. Akalain mong sinisante ako ni Sir Lance?!  Nakakabadtrip. Ayoko na sa buhay na to!

San ako hahanap ng trabaho? Haist.

"Palimos... Sige na naman ineng......Pangkain lang....."

Aba aba! Sumosobra na tong matandang to ah. Kanina pa ko kinukulit.

"Ang kulit kulit mo!" sabay dura sa kanya. Pwe! Nakaka-diri sila. Nakakainis. Ayoko talaga dito sa place na ito!! Maraming mga matatandang palaboy-laboy na wala ng makain! 

Tinignan ko ulit ang matanda sa pwesto niya. Pero wala na siya?

Nasan na yun.

Pag-tingin ko sa harap ko...

"Magbabayad ka dahil hindi mo ako tinulungan!! Magbabayad ka!" Nandoon ang matanda at nanlilisik ang mga mata niya. Namumula ang mga mata niya at kita na ang mga ugat niya.

Dahil natakot ako sa 'banta' niya, agad agad akong tumakbo at sumakay ng dyip.

-

Naalimpungatan ako. Tinignan ko ang oras: 2:56 a.m 

Ang aga aga. 

Bigla akong nakaramdam ng uhaw. Kaya agad agad akong bumaba at kumuha ng tubig sa ref at uminom. Hindi ko na binuksan ang ilaw. 

Umakyat na ako pero bago pa ako umakyat..may humawak sa kamay ko.

Unti-unti kong tinignan kung sino...

Paglingon ko.. tsk tsk. Wala naman eh.

Agad agad akong umakyat na at natulog. Akala ko, isang gabi ko lang mararanasan ang mga kababalaghan na ito, pero hindi pala.

Nung gabing din yun, nanaginip ako. May isang matandang tumatabi sa akin at hinahawakan ang buhok ko.

Kinakantahan ako ng kantang, hindi ko maintindihan ang linggwahe.

At pagktapos niya akong kantahan, tinitignan niya ako at nginingitian.

 Nakakatakot ang itsura niya. Pati ang boses niya.

Lagi siyang nagbibilang mula 10 hanggang 1. At kapag sa 1 na, lagi akong nagigising.  Hindi ko alam kung anong meron sa akin. Gabi gabi yun, simula nung na-encounter ko yung babaeng matandang nanlilimos.

Minsan naman, nagigising ako tuwing 3am. At lagi ko siyang nakikita sa dulo ng kama ko, nginingitian ako at kinakantahan.

Takot na takot ako nun, kaya nagdasal ako. At thank God, nakakatulog naman ako.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Hanggang isang araw, nagpunta ako sa bahay ng isang kaibigan na maraming alam tungkol sa mga multo.

At sinabi niya ang mga katagang... nagpapigil ng hininga ko.

"Hindi ka niya lulubayan. Hindi ka niya lalayuan dahil hindi mo siya tinulungan. Friend, wala ka ng magagawa. Susundan ka pa rin niya.. sa pagtulog mo. habang tulog ka, babantayan ka pa rin niya. Sinsabi ko sayo, at sa mga nagbabasa ng storyang ito, hindi ka niya lulubayan. HINDI NIYA KAYO LULUBAYAN!!!"

Sinasabi niya yun sakin, pero parang siya yung matanda. Dalidali kong kinuha ang gamit ko at lumabas na ng bahay ng kaibigan ko.

Ako ang nagsimula nito, ako rin ang tatapos. Kaya isang araw, naghanap ako ng libro para sa mga dasal.

Ngayong gabi....Tatapusin ko na to.

-

Kasalukuyan kong binabasa ang librong ito. Dito naka-saad kung pano ko mapapalayo ang matandang yun.

"Kailaangan mong mapasa sa kahit kanino ang sumpang binigay niya sa iyo. At dasalin mo ang dasal na ito:

la mi corazon espana (basta dasal)

Dinasal ko na ang dasal....... at sinabi ang mga katagang...

"PINAPASA KOANG SUMPA SA LAHAT NG MGA NAGBABASA NITO!!!! DADALAWIN NIYA KAYO!! DADALAWIN NIYA KAYO!!"

bago ko kinitil...

ang sarili kong buhay.

-WAKAS-

Unknown number callingWhere stories live. Discover now