Kulam Burger | Story a day #10

2 0 0
                                    

"Hectic talaga ng schedule natin pre... Oy Jonas. Okey ka lang?"

Labingdalawang oras ang iginugol namin sa overtime nung araw na 'yon. Hindi ko akalain nung una na mapapasubo kami ni Jonas sa aming software development project. Ilang buwan na kasing hindi bumabalik ang cliente namin. Sabi ng manager mag-intay nalang daw. Badtrip.

"The main branch devs are ironing out some kinks in the system. So perhaps you'll have less work on this week. But don't get comfortable... baka biglang dumating yung mga request, after nito crunch time nanaman tayo."

Ayun, dumating nga.

"Anong klaseng tanong yan pre? Syempre hindi ako ok. Twelve hours OT? Tangina twenty hours tayong nasa opis pare tapos wala pang snacks, gutom na gutom na ako!" Kung maka-tingin si Jonas sa 'kin ay para bang akmang susuntokin ako.

"Gago bat parang galit ka sakin eh magkasama nga tayo dun? Ang putla kasi ng mukha mo baka kelangan pa kitang kargahin. Lagot nanaman ako sa misis mong masungit."

"Ano ba, huwag mo ngang pag initan si Margie. Hindi mo paba nakakalimutan yung nangyari sa inyo?"

"Hinde... Hinde nga siya nag sorry eh. Ikaw yung nagloko, ako nasampal. Porke ba tayo ung magkasama nagkaraoke. Di ko naman kasalanan nalasing ka. Sige uuna na ako."

"Teka pare wait." Hinila ni Jonas yung balikat ko, sabay turo sa isang stall sa may kanto.

"Kain tayo burger. Buy one take one oh!"

At ayun nga, sa kanto ng Villegas street at Sinaloa Dr. Naroon ang isang mumunting stall na bumubuga ng mala-langit na halimuyak ng grilled beef. Walong oras na ang nakalipas nung huli kaming kumain ni Jonas at namimilipit pa ang utak namin sa pag tingin at pag kulikot ng code.

"Pare it's a sign, sabi nya sabay hila sa akin papalapit."

Pero huminto ako at nag isip. Ba't may burger stall dito? Ang corner Villegas at Sinaloa ay dating warehouse ng tsinelas na natupok ng apoy ilang taon na ang nakalipas. Walang trabahante o mya residente na pumaparayo sa lugar na ito tuwing hatinggabi. Masyadon madilim ang paligid. Iilang mga motor at bakanteng jeepney lang ang mga dumadaan, mga kagaya naming gusto nang umuwi. Sa malas ko ay walang dumaraan papunta sa amin. Wala ring taxi.

"Weird. Bat may burger stall dito eh wala namang mga tao sa paligid? Para kanino yung niluluto nila?"

"Huwag ka na ngang magtanong Mr. Wiseguy. Wala pa namang bumabyahe eh. Kain muna tayo, ako magbabayad sa pamasahe mo pramis."

Sapat na sana iyon para sumang-ayon ang normal kong sarili, pero talaga ang duda ko noong panahong iyon.

"Ano ba? Ayan ka nanaman eh, lahat inaanalyze mo. Tignan nalang kaya naten, at kung walang burger eh di olats. Uwian na tayo? Game?"

"Bili na burger! Buy one take one! Masarap po ung sauce namin. Oy, ser! Ser eto na may bagong luto!" Sigaw ng aleng tindera.

"Oh, akala ko ba ako yung maputla? Eh ba't parang nakakita na ng multo dyan?"

Pero wala akong nagawa para pigilan si Jonas at ang sarili ko. Isang libong paru-paro ang nag rambol sa tiyan ko noong naamoy ko ang linulutong ulam. Sumunod ako kay Jonas at natakam sa binebentang burger ni ate.

Nakatakip ng tarpaulin ang kanyang stall, kaya hindi ko makita kung ilang kostumer ang naroon. Noong hinila ni Jonas ang nakatakip na tarp para maupo kami ay biglang bumulagta sa amin ang eksena sa luto-an.

Iba't ibang parte ng katawan ng tao ang niluluto sa ihawan. May naka chop-chop na kamay, paa butika, mata at may isang ulong puno pa ng buhok. Wari'y walang nakita si Jonas pag upo niya ngunit sumigaw siya noong nakita nya ang pugot na ulong iniihaw. 

"Mga ser! Welcome po sa aming stall. Eto yung espesyal naming bagong potahe!"

Tinuro ng ale ang dalawang tinapay na nakahiwa na ngunit  walang laman. Napansin ko na gumalaw ang tarp na tila isang ahas na bumalot sa aking leeg at mga kamay. Si Jonas din ay nahuli. Hindi kami makagalaw, mistula kaming nahuli sa sapot ng gagamba.

Tinulak ng tarp ang mga ulo namin papunta sa dalawang tinapay sa ihawan. Ang huling naramdaman ko habang niluluto ang aking mukha ay ang sarap ng amoy ng biktimang kasalukuyang niluluto kasama namin.

"Kulam Burger, buy one take one! Enjoy your meal mga ser!"

Short Stories for funWhere stories live. Discover now