"Clind! Tutuo pa lang nandito ka. Sorry, I just heard from my staff— how are you? Saan ka galing?" Mabuti na lang at namataan ako ng isang kasamahan, agad niya akong binigyan ng pamunas at tinulungan na rin sa pagliligpit. Tumalikod na ako sa mesa para hindi na mailang pa sakanila. Kaso lang, ang weird naman nang pakiramdam ko sa likod dahil para akong inaapuyan nang nakatalikod. Feeling ko tuloy may taong matinding nakamasid sa akin.

Grabe, ang feelingera ko talaga! Ako gyud ang super assummera ning lungsod!

"Sifi, good to see you, again. Galing akong White's. Meeting."

"Oh is that so? How's Led?"

"She's not there. Si Vry ang nando'n kanina. How's your business going?"

"Doing great, like Whites. Oh, by the way! Bhea!" Papaalis na ako bitbit ang tray nang bigla akong hinatak ni Ms.Sifi sa aking braso. Nadikit tuloy ako sa gilid niya habang  hawak ko ang tray na nanlalaki ang mata at naguguluhan.

"May problema po ba ma'am?" windang kong sagot. Amox showed me his grim face. Hindi ko alam kung ano'ng problema niya sa tray na hawak ko. Dahil ba maraming kalat iyon o siya ang nabibigatan sa dala ko?

"Clind, meet Bhea. Siya ang pinasok ni Niqui rito," pakilala sa'kin ni Ms.Sifi sa kapatid ni Amox. Agad uling ru-mes-cue ang kasamahan ko para kunin na sa'kin ang tray at sila na ang nagpasok no'n sa loob dahil ayaw akong pakawalan ni Ms.Sifi sa hawak niya sa akin.

Pinunas ko muna ang kamay ko sa apron na suot bago ko kinamayan ang naghihintay na palad ng kapatid ni Amox. "Bhea?"

"Bheanna Afidahrielle."

"Family surname? "

"Mara-Reyez." Mistulang napa-isip pa siya nang ilang segundo dahil sa sagot ko. Mariin at makahulugan ang titig na ibinibigay niya sa akin bago binalingan si Amox at uminom ng kape.

"Reyez, huh?... Don't you think— Vestrella sounds better?" panunukso niya habang hawak ang tasa na huling sinimsiman. Amox lowly growled at him. "Clind. She already has a boyfriend."

Wala akong natatandaan na sinabi ko kay Amox na may boyfriend na ako, dahil nga hindi naman na kami nag-uusap o kahit ano. Pero siguro nga at narinig niya ako no'ng araw na tumalikod siya sa'min ni Vellardez para maging ganito siya kasigurado sa binitawang salita.

"Ahh... pass?" medyo nanghihinayang na pagkukuro ni Clind. Tumango kaagad si Amox at sumagot, "Pass."

"Hay nako! Kayo talaga! Oh siya, Bhea tama na iyang shift mo. Niqui called me earlier, sabi niya lagi ka raw puyat sa school kapag nag-o-overtime ka. She's worried about your sleeping habit dahil marami pa raw kayong ginagawang tasks and plates from school. Finals week, right? So... let's go to my office and I'll give you your salary. Excuse us— gentlemen." Hinatak kaagad ako ni Ms. Sifi papasok sa office niya.

Worried talaga si Vellardez sa'kin? Big word! Bakit ba ang contradicting nang ipinapakita niya sa'kin kaysa sa pinapakita niya sa ibang tao? Maldita siya sa akin kaya maldita rin ako sakaniya lalo na kapag nasa-mood ako. Pero pagkarating sa iba naman— ang gulo talaga ng apog at isip ng spoiled brat na iyon!

"Ma'am, ayos lang naman po sa'kin na mag-overtime," tanggi ko kay Ms.Sifi habang abala siya sa kakahanap ng white envolope kung saan nakalagay ang sweldo ko.

"Bhea— Amox and Niqui told me to take care of you. Hindi ako papayag na maapektuhan ang pag-aaral mo. Nag-o-overtime ka ba dahil sa parents mo? Kung oo, dinagdagan ko iyang sweldo mo. Don't overwork yourself, okay?"

Talaga namang dahil kina mamang kung bakit ako nag-o-overtime. Napapadalas na kasi ang tawag ni mama sa akin na kesyo kailangan daw kaagad ng pambayad sa ganito at sa gano'n. Kesyo na hiram daw ang pera niya at nahihiya siyang tumanggi sa kumare niya kahit siya mismo ay wala na rin namang pera.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now