Kabanata 43.5: Nganga

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hell, tara na," malungkot na turan ko kay Hell nang buksan ko ang pinto. Wirdo n'ya akong tinignan pero agad naman siyang tumango at agad na kaming umalis.

Habang naglalakad kami ni Hell palabas ng university ay 'di ko naiwasan na mapatingin kay Heaven.

Malungkot siyang nakatingin sa akin.

Biglang kumirot ang puso ko sa pangalawang pagkakataon.

* * *

"Okay ka na ba?" tanong ni Hell sa akin. Andito kami sa may overpass ngayon, pinagmamasdan ang traffic ng mga sasakyan na tila hindi na gumagalaw ilalim ng mapanglaw na gabi.

Tumango ako at sumipsip ng choco drink. Napatingin ako sa baba, iniisip si Heaven. 'Yung mga tingin n'ya kanina habang papaalis kami, grabe! Sobrang lungkot ng mga tinging iyun. Sobra.

"Anong sabi n'ya sa'yo?" tanong ni Hell, pinapatungkulan 'yung oras na lumabas kami ni Heaven ng clinic at ikinulong siya ni Heaven sa loob.

"Wala," mapakla kong bulalas.

"Wala?" natatawang tugon ni Hell.

"Bakit? May mali ba?"

"Wala naman. Akala ko kasi, sinabi n'ya sayo na 'ang guwapo ko'."

Napalunok naman ako. Sinabi nga ni Heaven 'yun. Tinanong ko siya kung nagwagwapuhan ba siya kay Hell tapos ang sagot n'ya naman, "Slight." Ayyy! Nakakahibang.

"Isaw, mahal ka nun."

Napahinto naman ako sa sinabi ni Hell, tila natigilan, parang nabuhusan ng malamig na tubig.

"Pa'no mo nasabi?" tanong ko.

"Ramdam ko," sagot niya.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko.

Jusko, Hell! Makikisali ka na rin ba sa kanila? Sa sisterhood nila?

"Isaw, nakakatawa ka," natatawang tugon ni Hell tapos kinurot niya 'yung cheeks ko. Bigla namang namula pisngi ko. Pinaggagawa nitong si Hell?

"Alam mo Isaw, kaming mga lalake, pwede naming magustuhan at kalimutan ang isang babae sa loob ng isang minuto," sabi niya habang nakangiting nakatitig sa akin.

"Pero alam mo kung anong nakakatawa?" Ngumisi si Hell.

"Minsan, hindi namin kayang intindihin ang salitang, 'KALIMUTAN'. Sabi nga nila, 'If you touched a guy's heart, there's no turning back." Huminga ng malalim sa Hell at muling ibiinalik sa akin ang kanyang mga tingin.

"Isaw, gusto ka ni pareng Heaven," sabi ni Hell. Bigla namang lumakas ang pintig ng puso ko. Napahinto ako sa pagsipsip ng choco drink, tinataboy sa isip ang ang payahag na ibinato sa akin ni Hell.

"Hell, ano bang pinagsasabi mo?" nakangiti ngunit mapait kong bulalas. Bakit ba sinasabi sa akin ni Hell ang bagay na ito? Ano ang gusto niyang ipamukha?

"Gusto ka ni Heaven Fear pero," huminga siya ng malalim at biglang natawa. Wirdo talaga 'tong si Hell. Tsk!

"Pero?" pagpapatungkol kong tanong sa naudlot niyang sinabi. Kahit gabi na ay marami pa ring dumadaan sa overpass. May mga ordinaryong tao, may mga office workers at may mga vendors. At kahit tila natural lang ang takbo ng mundong ginagalawan ko ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kakaiba. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko ay nakatingin sa akin si Heaven mula sa 'di kalayuan.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon