Hindi ko nga namalayang nasa kama na ko ng kwarto ko mag isang nakabaluktot na nakahiga at tulala
"I'm so sorry Helios .. I'm sorry Love.." Nakatulugan ko ang pag iyak ng gabing yun.

******
Kinabukasan wala akong ganang bumangon kahit alam kong abala na ang lahat para sa party mamaya.
Nakahiga parin ako habang inaalala lahat ng mga nalaman ko kagabe. Nag uumpisa nanamang mag init ang sulok ng mga mata ko.

"Napaka sama ko .. sobra sobra pala talaga kitang nasaktan. Hindi kona ulet hahayaang masaktan ka ng dahil saken. Kung ikasasaya mo sa piling ni Trisha siguro dapat ko na talagang tanggapin .. dahil kung nasaken ka, patuloy lang kitang masasaktan." Walang tigil sa pag tulo ang mga luha ko. Tumagilid ako at niyakap ang sarili, hinayaan kong umiyak ako hanggang sa wala nang mailabas.

Nakatulog ulet ako dahil sa pag iyak nagising nalang ako ng may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko yun. Nanlake ang mga mata ko dahil sa mga tao sa tapat ng pinto ng kwarto ko.

"HAPPY BIRTHDAY PHOEBE!!"

Napangiti ako ng makita sila Glenda, Antonettec Leigh Ann, Katy at maging si Creed ay kasama nila at taga hawak ng maliit na Cake.

"Thank you.." nakangiti kong sabe saka isa isa silang niyakap "Ang aga nyo naman ata? Akala ko mamaya pa kayong gabe pupunta?" Tanong ko. Nawala ang ngiti nang parepareho silang napapastikuhang nakatingin saken "b-baket?"

"Seriously Phoebe, anong sinasabe mo? 5pm na at isang oras nalang mag start na ang party mo." Nakataas ang kilay na sagot ni Leigh Ann. Nanlake ang mga mata ko at aligaga tumakbo papuntang Cr para maligo hindi na ko nakapag paalam sakanila.

Hindi ko namalayan ang oras!

"Oh? buti naman at bumaba kana, akala namin kame lang ang mag cecelebrate ng birthday mo eh." Nakangising salubong ni kuya Payton kaya napangiwi ako. Humalik ako sa pisngi nya ganun din kay kuya Primo at kuya Pierre sila kase ang sumalubong saken sa baba ng hagdan habang ang iba naman nasa garden.

"Happy Birthday sa pinaka paborito kong Baby sister .. Kuya loves you." Nakangiting bati ni kuya Pierre saka ako niyakap.

"Syempre ako lang naman nag iisang babaeng kapatid mo," Natatawang sagot ko "anyway, thank you and I love you too kuya." Abot hanggang tenga ang ngiti ko.

"Happy birthday bunso!"

"Happy birthday baby." Sabay na bati nila kuya Primo saka ako niyakap.

"Thank you so much and I love you mga kuyas!" masayang sabe ko "Sorry nga pala, di ko namalayan ang oras puro tulog lang ginawa ko.. nag babawi ng tulog." pag dadahilan ko tumango naman sila.

"It's okay baby." sagot ni kuya Primo saka kame naglakad papuntang garden.
Nang makalabas kame ay sumalubong samen ang mga nakangiting bisita, konti lang naman kame sa totoo lang .. pamilya ko, pamilya ni Helios at mga kaibigan ko lang ang nandito alam naman kase ni Mama na hindi ko talaga gusto ang napaka daming bisita.

"Happy birthday Phoebe!"

"Happy birthday Ate Phoebe!"

"Happy Birthday Princess."

"Thank you! Thank you so much sainyo!" Malawak ang ngiting nag pasalamat ako sa mga bumati saken. Hindi nag tagal nag umpisa na din ang party.. kwentuhan at tawanan lalo na dahil kay Antonette at kuya Primo na nag aasaran nanaman.

"Lalamya lamya kase yang boyfriend mo isang suntok lang sakanya nung nakaaway nya tumba na." natatawang asar ni Kuya sakanya na kinabusangot ng muhka ni Antonette.

"Lasing lang sya nun! Hindi nya napag handaan eh ikaw? Ano ba naitulong mo nun? Wala, nakatunganga lang habang nakikipag landian sa mga babae!" Nakataas ang kilay habang nakapamewang na sabe ni Antonette Nanlake naman ang mga mata ni Kuya Primo at napatingin kay Mama na nanlilisik ang mga matang nakatingin sakanya.

"H-hoy! Anong nakikipag landian?! Excuse me sila ang lumalapit at kumakausap saken hindi ako." Kunot noong sabe nito at pinandidilatan ng mata si Antonette. Panay din ang sulyap kay Mama.

"Sinasamantala mo naman tsk."nakangising sagot naman ng isa.

"PRIMO MARCUZ YILMAZ! Hindi bat sinabe ko sayo na hindi magandang paglaruan ang mga babae?!" Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil pinipigilan kong matawa sa itsura ni Kuya Primo habang sinesermonan sya ni Mama na kinatawa naman ng mga kasama namin.

"Humanda ka saken!" Rinig naming banta nya kay Antonette pero nginisian lang sya nito at inirapan.

Lumipas ang ilang oras ay naisipan kong tumambay muna sa Pool area at nilubog ang paa sa tubig habang hawak sa isang kamay ang Vodka.

Mas masaya sana kung kahit batiin mo manlang ako ngayong birthday ko ..

"Hey.." napaangat ang tingin ko sa taong nag salita "baket ka nandito?" Tanong nya.

"Creed ikaw pala.." naupo din sya at nilubog din nya ang paa sa tubig.
"gusto ko lang irelax ang isip ko." Nakangiting sagot ko. Sinulyapan ko sya nakatingin sya saken at parang binabasa kung anong gumugulo saken ngayon kaya nginitian ko sya "hey don't look at me like that .. ayos lang ako."natatawang dagdag ko na kinailing naman nya at marahan ding natawa.

"Kung talagang ayos ka lang baket ka umiiyak." natulala ako ng ilang segundo, natauhan lang ako ng iangat nya ang muhka ko at punasan ang pisngi ko gamit ang kamay nya.

"Creed .." mahinang banggit ko sa pangalan nya.

"Lagi ka nalang umiiyak.. nahihirapan na din akong makita kang ganyan dahil sakanya, pwede bang ipahinga mo naman ang sarili mo sa saket at pag iyak? Dahil kung mag papatuloy kang ganyan baka hindi kona mapigilan ang sarili kong agawin ka." Natigilan ako sa sinabe nya at hindi agad nakapag salita nakatingin sya sa mga mata ko wala din akong mabasang biro dahil mixed emotions ang nakikita ko.

Lungkot ..

Saket ..

At pagmamahal ..

Mas lalong hindi ako nakakilos ng lumapit ang muhka nya saken naramdaman ko nalang ang labi nya sa labi ko at masuyo akong hinahalikan ... kasabay ng pag pikit ng mga mata ko.

-----
Ooooy ano yan Creed ?! Haha!

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now