Chapter 44

14 6 0
                                    

Freedom

"Anong nilalaro niyo?"

Nilapitan ko lalo ang mga batang nakatingin lang sa akin. They have smirks on their faces and judging eyes.

"Bawal ka sumali sa amin." Napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng boses niya.

Lumungkot ang mga mata ko dahil doon. "Bakit naman?"

The fair girl with chinky eyes looked at me with a mockery in her eyes. Kumirot ang dibdib ko dahil sa paraan ng pagtingin nilang tatlo sa akin. They don't want me to join their game.

"Bawal ka sumali sa amin. Ang tanda mo na tapos wala ka pang Mama."

Humarap si Cheska, ang babae, sa mga kasama niya at nagtawanan sila. Napayuko ako dahil natamaan ako sa sinabi nila. Wala akong Mama.

"Pero puwede niyo naman ako maging kaibigan kahit mas matanda ako sa..." Hindi ko naituloy ang sinasabi ko, lalong lumakas ang mga tawa nila. Ano bang nakakatawa roon? Dahil mas matanda ako ng ilang taon at ngayon grade 1 pa rin ako?

"Ayaw ka naming maging kaibigan. Ang sabi ng Mama ko baka panget ang ugali mo, wala ka kaseng Mama."

Nagtawanan ulit silang tatlo bago ako lampasan at tumungo sa room namin. I nibbed on my lower lip. Kapag ba walang Mama pangit na ang ugali? May Mama naman ako eh, umalis nga lang, pero babalik naman siya para alagaan ako.

"Pa, kailan po uuwi si Mama?" inosente tanong ko kay Papa na may galak sa boses. Gusto ko ng isang bucket na fried chicken bilang pasalubong.

Ibinaba ni Papa ang sarili para lumebel kami. "Anak..." Hindi niya tinuloy ang sinabi kundi ay niyakap lang ako. Hindi ko alam kung sa anong dahilan. May problema ba? Bakit hindi niya masagot ang tanong ko.

"Cesia cesia walang mama..." tawanan ng mga batang naglalaro sa isang playground sa tapat ng bahay namin.

Umasim ang mukha ko. "May mama ako!" dipensa ko.

Parang mangingiyak na sila kakatawa sa akin. Ang iba ay nakahawak pa sa tiyan.

"Kaya ka ba nasa grade 1 pa rin kahit pang grade 3 na ang edad mo?" wika ng isa na may pangungutya.

"Kaya ka siguro iniwan ng Mama mo, hindi ka siguro matalino kaya ganuon."

My confidence was wrecked in my early age. I have to be away from them para hindi na mas madurog pa sa araw araw na iyon ang pakikitungo nila sa akin. Hintayin nilang umuwi ang Mama ko! Makikita nila!

Or so I thought.

"Tita Maria, ano pong ginagawa mo rito sa bahay?" Masaya akong lumapit kay Tita Maria na siyang tumulong sa akin nang mawala ako sa park nang iwan ako ni Mama.

Hilaw siyang ngumiti sa akin, tila may sasabihin pero hindi siya makapagsalita.

"Tita, gusto mo ba—" Naiwang nakabukas ang bibig ko sa hangin nang sumunod si Papa sa kaniya, maraming dalang bag at groceries.

I was filled with hatred towards Tita Maria. Naging sila ni Papa nang hindi ko alam. Nagpabuntis siya kay Papa kahit alam niyang umaasa pa rin akong babalikan kami ni Mama. Babalikan kami ni Mama!

"Hi..Uh.." Napunta ang tingin ko sa babaeng umupo sa tabi ko. Maliwanag ang mukha nito at may dalawa siyang clip sa buhok na lalong nagpapakita sa mukha niya.

Nakakainggit. Gusto ko ring maging ganuon kaaliwalas ang mukha.

"Ahhh..sabi kase ni Ma'am by partner daw 'yun paglilinis, may kasama ka na ba?" Malawak siyang nakangiti sa akin.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon