Chapter 7

22 9 13
                                    

Sea Breeze

"How was it?"

Nagulat ako nang biglang may magsalita sa harapan namin. At lalo akong nagulat nang makilala ito nang tignan ko siya.

"Hajio.." mahina kong sabi.

Parang hindi ako nito narinig, nakatingin siya sa tabi ko. Nang tignan ko kung sino ang taong nasa tabi ko ay parang may kumirot banda sa dibdib ko.

"Always great," the girl said. Ngumiti si Hajio nang matamis kay Anne Marie at maya't maya ay nilihis niya ang tingin kaya nakita niya ako. Katatapos lang kase nila kumanta, parang trip lang din ng grupo nila na tumambay ngayon dito sa music room at marami ang nag-abang. Siguro dahil sa focus ako sa panunuod kanina ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Anne Marie.

"Hajio, ang ganda ng boses mo," biglang ani ni Cloe na nasa tabi ko rin. Ang tinis pa ng boses nito.

"Hi, Cloe! Salamat," sagot ni Hajio kay Cloe. Nakaharap na ito ngayon sa kanya.

"Sa sobrang ganda nahulog lalo si Cesia."

"I mean lahat kami nahumaling!!" mabilis na dinugtungan ni Cloe ang sinabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at kinurot sa tiyan. Bakit ba ang daldal talaga ng bunganga niya!?

"Hi, Pres. Nandiyan ka rin pala!" bati naman niya kay Pres. Hindi pa siya tumigil at binati ang tatlong lalaking papalapit sa pwesto namin.

"Hi, Edzel!"

"Hi, Maxim!"

"Hi, Kai!"

Hindi ata nawawalan ng energy itong si Cloe, kahit anong oras kase ang hype na sobrang energetic niya. Nagsialisan na rin ang mga estudyanteng nanunuod kanina kaya naguguluhan ako bakit hindi pa kami umaalis dahil tapos na rin naman ang pinapanuod namin.

Pamilyar sa akin ang dalawang lalaking naglalakad sa likod ni Hajio, ang isa ay moreno, matangkad at may katamtamang mata, siya ang drummer kanina. Iyong isa naman ay maputi, at nakakaagaw pansin ang green niyang mata, siya ang isa sa mga gitarista. At ang isa pang kasama nila na siyang umakbay kay Hajio nang nakalapit sila at may hindi pa mawalang ngiti sa labi niya.

"Cloeee!!!" matinis na bati ng lalaking green ang mata at agad-agad na pumanhik kay Cloe. Nagulat ako roon ah, hindi pala siya lalaki tulad ng inaakala ko.

"Maximmm!!" sigaw rin ni Cloe at nag-apir pa talaga silang dalawa. Hindi na talaga ako magugulat kung lahat na lang ng estudyante rito sa loob ng campus ay kaibigan ni Cloe, kahit noong wala pa siya sa SSG ay sobrang palakaibigan na niya.

"You are Cesia, right?"

Nacurious ako nang biglang tumingin sa akin 'yung Maxim at lahat sila ay nabaling ang tingin sa akin. Nasa loob pa rin kami ng Music Room tapos ang ayos namin ay magkatabi kaming apat: si Anne Marie, Ako, Si Cloe at ang tumahimik na si Ava. Nasa harapan namin silang apat: si Hajio, si Kairus, Edzel, at Maxim.

Lahat kami ay nakasuot ng uniform ng school: sa lalaki ay nakawhite polo at green slucks. Ang uniform naman ng mga babae rito sa school ay three-fourths white top at stripped green and white na above the knee na palda. Mayroon pang ribbon na kulay berde na kinakabit sa collar namin.

"Oo," mabilis kong sagot kay Maxim at awkward na ngumiti.

"I am Maxim, btw, I really admire your beauty!" matinis na salita nito sa akin. Matagal pa siyang nakatitig sa mukha ko na parang minimemorize ito. Grabe, ang creepy niya.

"Hi, Pres!" Bigla namang nakisali si Kairus sa usapan. Nakaakbay pa rin ito kay Hajio. I rolled my eyes.

"Hi, Cloe! Hi?" Tumingin pa ito kay Ava dahil siguro ay hindi niya ito kilala.

In Between (Morales Girls#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon