Chapter 17

29 8 14
                                    

Lies

It was a joyous year. The times flies fast. Naging masaya ang pagcecelebrate namin ng Christmas at New Year. Umuwi kami ulit sa home town ni Papa where nagkaroon ng malaking selebrasyon dahil sa nagsama-sama ang mga apo ni Lola. Wala na ang Lolo namin ngunit kahit matanda na si Lola ay malakas pa rin siya.

Tanggap din sa buong pamilya namin si Marian at Mama Maria. At kahit hindi ko tatanungin ay halos lahat ng mga kapatid ni Papa at si Lola mismo ay halos isumpa na si Mama. Who wouldnt? Iniwan niya ang pamilya niya without any valid reason.

Mabilis ang paglipas ng panahon. After spending some days in the new year, classes had ressumed. Sa tanang buhay ko ito ang unang beses na ayaw kong pumasok dahil sa lalaki. I don't know how to face Hajio and Kairus at the same time.

"Anong klaseng mukha 'yan, Cesia. Kulang pa ba ang bakasyon mo?" Nakataas ang kilay ni Cloe sa akin at nasa magkabilang bewang pa ang kamay niya kaya nagmumukha siyang nanenermon na Nanay.

Tinarayan ko siya bago sumagot. "Hindi, inaantok lang ako," pagdadahilan ko.

"Weh, hindi ka na excited na makita si Hajio?" pang-aasar na naman nito. Humalikip-kip na lang ako sa arm desk ng upuan ko nang bigla na namang nagsalita si Cloe. "Ayan na sila, Ces, oh!"

Napantig ang tenga ko kaya naman agaran akong tumingin sa pintuan at nakita ko roon sina Hajio at Kairus na magkasabay na pumasok sa kwarto namin. They are all in their umiforms pero ang vivid pa rin sa mata ang piercing ni Kairus. Kai also brought back his hair on its black color. Hajio had his hair in clean cut kumpara kay Kairus na may medyo may kahabaan ang buhok.

"Clo, pwede kaya lumipat ng upuan?" I asked Cloe. Kumunot ang noo nito sa tinanong ko.

"Anong lilipat, gusto mo bang magpalit tayo para magkatabi kami ni Kai," nagniningning ang mga mata nito habang nagsasabi. Pinandilatan ko na lang siya ng mata at tinulak paalis para bumalik sa upuan niya. Paniguradong hindi siya makikinig kung katabi niya si Kairus.

"Goodmorning, Ces," Hajio greeted nang makaupo ito sa upuan niya sa tabi ko. Nginitian ko na lang siya at bumati pabalik.

"Goodmorning din, Ces," bati rin naman ni Kairus kaya agad na napunta sa kaniya ang tingin ko. Binati ko na lang siya pabalik at hindi na sila pinansing dalawa.

Iyon na ang naging set-up namin simula nang bumalik ang klase. Magkaibigan pa rin naman kaming tatlo, lalo na at magkagrupo pa rin kaming pito sa research, marami pa kaming gagawin, at meron pang final defense.

Hindi naman nagbago ang pagtrato sa akin ni Hajio, pero si Kairus, Oo. He became transparent on his feelings towards me.

"Haj, buksan mo 'yang bottled water ni Ces oh, halatang nahihirapan," wika ni Maxim at parang siya pa ang nahihirapan dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

Napunta naman ang atensiyon sa akin ni Hajio na nakatayo sa tabi ko at may binabasang papel. "Huwag na, Haj," ani ko rito.

Tinignan ako nito na parang nagtatanong kung sigurado ba ako kaya tinanguan ko siya. Walang nagbago, gusto ko pa rin siya pero alam ko ang limitasyon ko. He also sees me as a friend, he clarified that to me on the day of my birthday. Nasaktan ako pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na magustuhan si Hajio. Nahuhulog pa rin ako sa bawat galaw niya at paraan ng pakikitungo niya sa akin.

"Ako na lang, Cesia." Naiwan sa ere ang dalawang kamay ko nang biglang agawin sa akin ni Kai ang bottled water ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay pangisi-ngisi lang sa akin at walang kahirap-hirap na binuksan ang tubig at inabot sa akin.

Psh. Habang tumatagal ay lalong mas gusto kong iwasan si Kairus. Hindi lang dahil sa sobrang nagiging obvious na siya, kundi dahil na rin kay Cloe.

"Kita mo 'yun, Ces, dinalhan niya pa talaga tayo ng meryenda. Siguro para sa akin talaga 'yun!!" ika ni Cloe habang nakasukbit ang dalawang kamay sa siko ko.

In Between (Morales Girls#1)Onde histórias criam vida. Descubra agora