KABANATA 1

5.9K 312 80
                                    

~~★~~

Althea POV

“Prinsesa!! Bumalik ka dito! Magagalit ang mahal na hari kapag lumayo ka ng kaharian! Prinsesa!” tawag ng aking tagapagsilbi.

Tch

“Hindi ako lalabas ng kaharian wag kang mag-alala, gusto ko lang naman maglakad-lakad, alam ito ni ama.” Paninigurado ko sakanya.

“Sigurado po kayo?” Tanong niya ng makalapit siya saaken.

“Oo naman, mukha ba akong nagsisinungaling?” taas kilay kong tanong sakanya habang nakatingin sakanya ng seryoso.

“Sige na nga po, sasamahan ko na lang po kayo sainyong paglalakad hehehe” sabi niya kaya nagpatuloy naman ulit ako sa paglalakad.

Siya si Deltha, siya ang aking tagapagsilbi simula ng tumungtong ako sa edad na kinse, isang taon lang naman ang tanda niya saakin pero imbes na ako ang gumalang sakanya, ako ang iginagalang niya.

Syempre ako ang prinsesa, ehh.

Sabi ko nga tawagin niya na lang ako sa aking pangalan kapag kami lang ang magkasama para komportable kami sa isa’t isa, ngunit ayaw niya pa rin.

Pero hinayaan ko na lang rin siya kasi kung ako ang nasa sitwasyon niya siguradong iniisip niya na mapapagalitan siya kapag tinawag niya lang ako sa aking pangalan.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namen napatingala naman ako sa napakataas na bakod na nakapalibot sa buong palasyo.

Hindi ko halos matanaw kung ano ang nasa labas netong palasyo at kung ano-ano ang tumatakbo sa imahinasyon ko kapag iniisip ko kung ano kaya ang itsura ng lugar sa kabila ng napakataas na bakod na eto?

Ano kaya ang nasa labas at hindi ako pinapayagang makalabas ng aking ama? Masyado bang mapanganib sa labas? Masyado bang mararahas ang mga tao sa labas ng palasyo, kaya pinoprotektahan kami ni ama mula sakanila?

“Deltha” tawag ko sakanya.

“Ano ho iyon, Prinsesa Althea?” sagot niya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita habang nakatingin pa rin sa bakod ng palasyo

“Masaya ba sa labas ng palasyo?” Tanong ko at sa pagkakataon na 'yon ay tinitigan ko siya.

Ako’y nasa edad dise-syete pa lamang kung kaya’t hindi pa ako pwedeng lumabas sa malaking bakod na nasa harapan ko. Sa edad na dise-otso, saka lamang ako makakalabas dito para matutunan ang mga bagay-bagay sa utos ng aking ama.

Kaya napapaisip ako kung ano ang nasa labas ng palasyong eto at kailangan ko pang tumungtong sa edad na dise-otso bago makalabas.

“Oo naman po. Pero sadyang magulo nga lang, pero alam kong masisiyahan ka sa mga makikita mo doon sa labas, prinsesa” sabi niya.

"Talaga?" Tanong ko sakanya.

"Opo. Mababait ho ang mga taong tagalabas at nakakatuwa nga ho ang pamumuhay nila, namen kahit mahihirap lang ho kami" sabi niya kaya bigla akong nasabik na makita ang labas ng palasyo.

“Siguro nga. Alam mo kapag ako na ang namamahala sa palasyo na ito sisiguraduhin kong maayos at payapa ang ating bayan.” May ngiti sa labi kong sabi kahit na hindi ko pa nakikita ang bayan na sinasabi ko.

Nginitian niya naman ako kaya nagpatuloy ulit kami sa pglalakad-lakad.

Bigla ko naman napansin na paparating ang isa sa kawal namen kaya huminto ako at hinintay siyang makalapit saaken. Siguradong pinapasundo na ako ng aking ama.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon