"Bu--"

"Wala ka bang tiwala na kaya ko?
Kung hindi ko kaya ay kakayanin ko?" Natigilan ako ng tingnan nya ko ng deretso sa mga mata and I can see mixed emotions in his beautiful eyes..isa sa pinaka nagustuhan at minahal ko sakanya dahil kulay abo yun. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at hinalikan sya ng buong puso na tinugon naman nya ilang minuto din ang tinagal bago ko tapusin hinihingal na tinitigan ko sya sa mata at nginitian.

"Dont say that.. of course I trust you Love, nag aalala lang ako para sayo at sa lolo mo. I love you okay?" Sabe ko gamit ang malambing na boses.

"I love you so much Love." Saka nya ko ulet hinalikan.

Ever since that day ay hindi na namin napag usapan ang tungkol dun naging mas lalong sweet kame sa isa't isa at puro saya ang mga nangyare sa mga nakalipas na araw pero sabe nga nila kapalit ng kasiyahan ay kalungkutan. Dalawang araw bago ang contract signing namin tumawag saken si lola Almira na humahagulgol sa pag iyak at sinabeng inatake nanaman daw sa puso si lolo Fernan at nasa hospital sya ngayon. Pagkarating ko ay halos manghina ako ng makitang napaka dameng tubo ang nakakabet kay lolo Fernan at nasa ICU ito.

"Phoebe hija.." niyakap ko si lola Almira at humagulgol ito sa balikat ko inaya ko syang maupo sa bench tapat ng ICU.

"A-ano po bang nangyare akala ko po ay nag papagaling si lolo Fernan?" Kunot noong tanong ko. Tumango naman sya habang umiiyak parin.

"Oo nag papagaling sya sa bahay. Pero ng malaman nya sa isang tauhan namin na desidido si Helios na pumirma ng Contract ay sumama ang loob nya at e-eto na.." sa sobrang iyak nito ay nawalan sya ng malay kaya hindi ko alam ang gagawin ko at napasigaw nalang ako para lumapit ang mga nurse at inasikaso naman nila. Buong araw na yun ay hindi ako umalis sa tabe ni Lola Almira dahil natatakot ako na baka pati sakanya ay may mangyareng masama. Buong araw din na yun ay iyak ako ng iyak at walang tulog kakaisip kung tama ang desisyon na nabuo ko. Nang makapag ipon ng lakas ng loob ay tinext ko si Helios na magkita kame bukas sa isa sa pag mamay ari naming resort kung saan nandun ang espesyal na lugar namin. Sinabe ko sakanya na I just want to spend the whole day with him.

Kinabukasan ay dumating si Mama at sya ang pumalet saken na mag bantay sa mga ito naging stable na din naman ang lagay ni Lolo Fernan kaya nilipat sya sa Private room pero binalaan na kame ng doctor na hindi na pwedeng maulet na atakihin ito dahil bukod sa matanda na mahina na din ang puso. Kaya mas lalo akong naging desidido na ituloy ang desisyon ko.

Nang makarating ako sa bahay naligo agad ako at umalis para pumunta sa Resort dahil sinabe kong dun nalang kame magkitang dalawa. Ayokong makita nyang namamaga ang mga mata ko at halatang walang tulog kaya nag lagay ako ng concealer.

"Hi Love .. biglaan naman ata to? hindi tuloy ako nakapag prepare para dito."sinalubong nya ako ng halik na tinugon ko naman agad.

"Ayaw mo ba?" Nakangusong tanong ko.

"Of course not. Syempre gustong gusto ko, Let's eat first?" Nakangiti akong tumango at pilit na pinapasigla ang awra ko dahil bago matapos ang araw na to alam kong hindi kona magagawang ngumiti ng buong puso.

Napaka saya ng araw na to .. lahat ginawa namin, nag snorkeling.. Jetski , namasyal .. napaka dame din nyang kinuhang pictures ko at naming dalawa gamit ang DSLR nya Pero habang lumilipas ang oras napupuno ng kaba at saket ang puso ko na pilit kong tinatago at hindi pinapakita sakanya, hanggang sa dumating na ang oras.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now