Chapter 17

6 2 0
                                    

Grace point of view
(Sunday)

Kringgg!!! Kringgg!! Kringgg!!

Nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa may gilid ng table at sinagot agad iyon kahit Hindi ko alam kung sino ang tumatawag.

"Hello Good morning" inaantok na bati ko.

"Hello baby?" Sagot ni mommy sa kabilang linya. Agad akong napabangon sa higaan ko at tiningnan ang name kung si mama ba talaga iyon.

"Hello mommy! Omooo I miss you so much mom!" Tuwang-tuwa kong Sabi.

"Yeah! I miss you too darling. Fix your self na okay. I'll be there in 30 minutes." Sagot ni mommy.

"Saan tayo pupunta Mom" tanong ko.

"Uuwi ang mga kuya mo ngayon baby at susunduin natin sila sa airport.

"What?" Gulat na tanong ko. "Pero Mom Wala namang sinabi sila kuya na uuwi sila ngayon eh."

"Yeah pero tumawag sakin sila kaizer at Clifford kanina lang. Sabi nila miss ka na daw nila that's why umuwi sila dito." Kwento ni mommy sa kabilang linya.

"Really mom? You mean miss nila ako? Omoooo I miss them too mommy! I will going to fix my self na and wait for you to arrive. I love you mommy" tuwang-tuwa kong sabi.

"Yeah! I know baby and I love you more" sagot nya bago pinatay ang linya.

Dali-dali akong tumayo sa higaan ko at nagtungo ako sa closet upang mamili ng damit na susuotin ko. White off shoulder dress ang napili ko and above the knee ang haba nito. Kinuha ko ang towel ko bago pumunta sa C.R upang makaligo na.

Matagal ko na ring Hindi nakikita ang mga kuya ko. Kamusta na Kaya sila? Sana naman may pasalubong ako. Namimiss ko na Yung pag lalambing ko sa kanila.

Kahit wala akong daddy lagi nilang pinaparamdam sakin na hindi ako nag iisa. Sabi pa nga ni kuya Clifford noon hindi ko na kailangan hanapin ang Daddy ko kasi kayang Kaya naman daw nilang ibigay ang pagmamahal na hindi naibigay ng Daddy ko.

Actually I'm so blessed to have a brother like them. Sobra-sobra pa nga yung love and care na binibigay nila sa akin eh. Umalis sila dahil they want to give everything to me pero Sabi ko naman sa kanila I don't need material things masaya na akong kasama sila. Pero Wala eh umalis pa rin sila hayyts Hindi ko nga maintindihan kung bakit wala silang oras palagi eh specially mom. Hindi naman kami sobrang hirap. Kung tutuusin nga kayang-Kaya namin bumili ng limang bahay at mag tayo ng mga sariling business eh! Kaya Hindi ko maintindihan kung bakit lagi nilang sinasabi na gusto nilang ibigay sa akin ang lahat ng kailangan ko.

Hindi ako humihingi ng pera Kay mama pag hindi kailangan, I don't know pero ayaw kung mag aksaya ng perang Hindi ko naman pinag hihirapan. Marami na ngang laman Yung mga bank accounts ko pero di ko naman ginagalaw kasi, Basta ayaw ko lang. Nandyan naman si Steven para ilibre ako kaya diko na kailangan yun.

Matapos ko maligo ay nagbihis na ako. Nag apply ako ng kaunting make-up at iniipit ang side ng buhok ko.

"Grace baby! I'm here na" rinig kong tawag ni mommy Mula sa labas.

"Yess mom pababa na po ako" sigaw ko pabalik. Sinipat ko ng mabuti ang Mukha ko sa salamin at ng makitang ayos na iyon ay tsaka ako lumabas.

Pagbaba ko ay Hindi ko napigilang mapatakbo at mapayakap ng mahigpit Kay mommy. Sobrang miss na miss ko na siya kaya naman halos tumulo na rin ang luha ko sa sobrang pagkasabik.

My TesDiaryWhere stories live. Discover now