Chapter 5

18 4 0
                                    

Jhay Rowell P.O.V

Third day out of 26 days

Maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit pero excited akong pumasok sa araw na ito. Humikab pa ako sapagkat medyo napuyat ako sa pagtingin ng picture sa account ni Grace. Ewan ko ba pero laking tuwa ko Ng malamang magkaibigan lang sila Ng lalaking palagi nyang kasama.

Naligo ako at nagbihis. Pinili ko Ang pinakamaayos kung damit at sinuklay Ang buhok ko paitaas tumingin ng ilang ulit sa salamin para makita kong lalong nadagdagan ang kagwapuhan ko at pagkatapos ay Nag spray ako ng pabango at pumasok sa school Ng may mga ngiti sa labi.

pagdating ko sa school ay nakita ko agad si Nickson kaya lumapit ako sa kanya.

"Oh bro! Ikaw ba Yan" natatawang tanong ni nickson.

"Tsss parang Kang tanga nick." Sabi ko. Lumapit din sya sakin at sinuri Ang ayos ko mula ulo hanggang paa. Inamoy Amoy nya pa ako bago tumingin ng nakakaloko sakin.

"Umay Jhay! May nangyari ba kahapon habang busy ako sa taas? Balita ko may kakwentuhan ka sa comlab kahapon ah, kayo na ba?" Umiling lang ako at ngumiti Ng kaunti "Kaya siguro Hindi mo ako minamadali na tapusin Yung drawing ko kasi may ipinalit ka na sakin at ayaw mo ding maistorbo ko yung moment nyo". Madrama nyang Sabi.

"Lol! Nababakla ka nanaman dyan. Nag ayos lang ako pwedi? Good mood ako ngayong araw Kaya wag mo akong inisin saka anong sinasabi mo na kami na? Gising bro mabait na ako HAHA ikaw na lang ang hindi nagbabago". Natatawa akong nag lakad papuntang CR para tingnan kung maayos pa Ang Mukha ko.

Lumipas ang ilang sandali ay tumunog na Ang bell hudyat Ng unang klase.Nagpaalam na ako Kay nickson dahil may tatapusin pa ako sa comlab at nagpaalam na din si Nickson na uuwi na siya dahil masakit daw ang ulo niya at pumunta lang siya sa school para magpaalam sa guro namin at para din siguro maghanap ng babae HAHA! napakababaero talaga.

Nagtungo na ako sa Comlab at Pagpasok ko ay nakita kong nakaupo na si grace sa upuan nya. Napahinto ako Ng Ilang sandali dahil Doon ako dadaan sa likod nya parang nananadya kasi to alam naman niyang dadaan yung gwapo bakit siya humaharang!. Kailangan ko pa mag excuse para lang makadaan pero naiinis ako sa sarili ko dahil mag eexcuse lang naman ako pero nahihiya pa ako umay naman!.

"Ahmmm ehem" tumingin sya sakin at ngumiti. Umay natulala ako sa ngiting Yun ah ngiti ng isang anghel na talaga namang nakakainlove kaya hindi ko di maitatago ang pagpula ng mukha ko. Ano ba Jhay umayos ka nga para Kang bading! Pagkausap ko sa sarili ko.

"Good morning kuya Jhay! Late ka na haha" luh! Ang hyper nanaman Ng babaeng to hindi ba niya alam na may sarili akong oras, ang aga-aga pa kaya. Tsaka bakit ba nya ako tinatawag na kuya? Nakaka liit naman ng pagkatao pwede namang Baby, Mahal, Love pero ang assuming ko naman na sa part na yun HAHA.

"Ah he-hello, ahm! Ano" tssss umay naman bakit ako nauutal!.
"Ahh ehh go-good morning rin grace ahmm! Ano dadaan sana ako" napakamot na Lang ako sa batok at nahihiyang ngumiti sa kanya.

"Ay sorry hehe!" Inusod nya Ang upuan nya at pinadaan ako patungo sa upuan ko. Ang tamad niya diba kase pwede naman siyang tumayo muna saglit para padaanin ako pero mas pinili niyang buhatin ang upuan nya at umusod lang Hays!. "Kamusta naman Yung ginagawa mo? Malapit ka na bang matapos?" Tanong nya sakin.

"Ah oo next activity na Yung gagawin ko. Yung floor plan" sagot ko habang binubuksan Yung PC ko. At kamalas-malasan naman dahil nagluluko nanaman ito. Lahat ba kailangan magloko? Oh great please ayaw ko ng lumipat.

"Same pala tayo! Anong nangyayari sa PC mo? Mukang ayaw sayo ah!. Dito ka na lang sa kabilang side ko. Maayos Yung PC dito Hindi nagluluko."

Shit! Alam ba nya kung gaano ako nahihiya sa kanya? Manhid ata itong babaeng to Hindi man lang makaramdam pero dapat inayos nya ang pagbigkas niya at sinabing doon na lang ako sa tabi nya para atleast kahit papaano medyo nakakakilig din HAHA! pero Wala na akong choice dahil inoffer nya yon, alangan namang tanggihan ko siya tss. Umikot ako at lumipat sa tabi nya! Grabe Ang kabog Ng dibdib ko habang binubuksan Ang PC doon.

My TesDiaryWhere stories live. Discover now