Trentay Sais

78 3 0
                                    

Nagtataka akong naglalakad papunta sa bahay namin. Tumila na ang ulan. Nagulat ako ng lumabas doon si mikki at keit sa bahay na may dalang maleta ipinasok nito ang mga gamit sa compartment ng sasakyan na nasa harap nila kaya tumakbo ako papalapit doon.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko ng makalapit. Nagulat ako ng galit ang mga mata ni keit na nakatingin sa akin.

"Napaka-kapal ng mukha mo!" Galit nitong sigaw sa akin ng akmang susugurin ako nito pero pinigilan ito ni alexa.

"A-anong ibig mong sabihin?" Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata.

"Walang hiya ka! Ikaw ang pumatay sa pamilya ko!" Kaagad nanlaki ang ko sa sinabi nito.
"Napakademonyo mo buen! Pinaniwala mo kami sa lahat ng kasinungalingan mo!"

"Hindi totoo yan" Nanginginig na sabi ko dito.

"Wag mo mo akong gawing inutil!" Sigaw nito sa akin. "Kung naniwala lang sana ako noon sa sinabi ng tatay mo edi sana hindi na ako nagtiwala pa sayo!"

Tiningnan ko ito ng mariin. "Anong ibig mong sabihin?"

Matalim nitong tiningnan ang aking mata. "Tumatawag sa akin ang tatay mo para balaan kami sayo. Pero hindi ako nakinig sa kaniya buen kasi kaibigan kita! Malaki ang tiwala ko sayo! at kapatid na rin ang turing ko sayo" Umiiyak na sabi nito.
"Pero ginawa mo kaming tanga sa lahat ng kasinungalingan mo!"

"Makinig ka sa a--"

"Hindi! Tapos na akong makinig sa lahat ng pang-uuto mo sa amin buen! Bat di nga ba kita natanong kong ano ang ginagawa mo ng gabing sumabog ang bahay namin doon?" Pagak itong tumawa at pinahid ang luha.

"Demonyo ka pa sa demonyo buen!" Galit na sigaw nito sa akin. "Alam mo bang ngayon ay hindi ko maatim sa sarili ko na ang pumatay pala sa pamilya ko ay ang mismong kaibigan ko."

"Ikaw mismo ang sumira sa pagkakaibigan buen. Sana hindi nalang kita nakilala. Sana hindi nalang kita tinuring na kapatid.." Mariing sabi nito at kaagad na nilampasan ako sumakay sa kotse.

Walang tigil ang pagbagsak ng luha ko. Napatingin ako kay mikki. "Hindi ko alam buen na magagawa mo yun." Umiiyak na sabi nito. "Akala ko ba kapatid na ang turing mo sa amin?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito.

"Aalis na muna kami ni keit. Hayaan mo munang lumamig ang ulo niya." Turan nito at sumakay na sasakyan.

Umiiyak kong tiningnan ang papalayong sasakyan nila. Unti-unti akong napaluhod sa kalsada. Una si eluisar? tapos ngayon ang mga kaibigan ko? Ayaw ko na ubos na ubos na ako.

"Buen.." Inilalayan ako ni Alexa para tumayo. Ngunit ng makatayo ako ay kaagad akong nakatanggap ng sampal sa kaniya. Gulat kong tiningnan siya.

"Alam ko noon pa buen." Malumanay na sabi nito. "Ikaw ang pumatay sa kapatid ko."

Tuluyan ng bumagsak isa-isa ang mga luha ko. Hindi.

"Ikaw ang tumatraydor sa akin diba alexa?" Nanghihinag sabi ko. Umiwas ito ng tingin sa akin.

"Pinatay mo ang kapatid ko buen."

"Hindi mo alam ang lahat alexa!"

"Pinatay mo pa rin siya!" Galit na sigaw nito sa akin. "Buong buhay ko buen pilit kong pinaniwala ang sarili kong totoo ka sa amin. Pero nong makita ko ang tattoo sa likod mo. Mas lalong mabuhay ang galit sa puso ko para saiyo." Mariin nitong sabi. Kita ko ang pagbasak ng kaniyang mga luha.

"Isa ka sakanila hindi ba buen?" Tanong nito sa akin.

"Anong p-pinagsasabi mo?" Mahina kong tanong habnag umiiyak.

"Damn it buen! Isa ka sa mga kanang kamay ni red dragon!" Kaagad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi ako tanga para hindi malaman ang tungkol sa tattoo mo buen."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito.

"I-ikaw ang nagsabi kay keit nun?"

"She deserves to know the truth." Mariin niting sabi nito.

"Bakit alexa? bakit mo nagawa sa akin to!? Bakit niyo akong pinag kaisahan?!" Umiiyak na sigaw ko rito.

"Dahil masama kang tao." Marijn nitong sabi sa akin at tumalikod na. Naglakad ito sa isang kotse at nakita kung lumabas doon si Rhea. Pumasok na ang mga ito at umalis.

Napaupo ako sa gilid ng semento. Wala na sa akin ang lahat. Wala na ang lahat sa akin. Ubos na ubos na ako. Niyakap ko ang aking tuhod ng maramdamang muli ang patak ng ulan sa aking balat. Kanina lang ay sobramg durog na durog ang puso ko dahil kay eluisar. Ngayon halos wala ng natira dito. Parang hinayaan ako ng tadhanang magdusa. Bakit parang pinapatay ako sa sakit?

Walang tigil akong humihikbi habang nakayuko sa mga tuhod ko. Sobrang sakit ng puso ko. Hindi ko kaya to. Napahawak ako sa tiyan ko.

"Patawarin mo ako anak. Patawarin mo ako kung nagiging mahina ulit ako." Humihikbing bulong ko dito.

Naramdaman ko ang pagpayong sa akin ng isang lalaki. Napaangat ang tingin ko dito. Kaagad na nahing pamilyar ang pulang buhok niya. Tumayo ako at hinarap ito.

"Kayo ang may kasalanan nito!" Sigaw ko dito.

"Maghunosdili ka nga." Seryoso niting sabi sa akin. Kaagad ko naman itong tiningnan ng masama.

"Iharap mo sa akin ang bwisit na red dragon na yan! Paoatayin ko siya!" Galit kong sigaw dito.

"You can't do that buen." Mariing sabi nito.

"Pinaglaruan niya ang buhay ko! Ginulo niya ang lahat at sinira niya ang pagkatao ko!" Galit na sigaw ko dito.

"Sumama ka sa akin." Hinawakan nito ang aking kamay. Pilit akong nagpumiglas pero sobra na ang lakas nito. Pinapasok ako nito sa kotse niya at kaagad na lumibot. Naramdaman ko ang panghihina ng buo kong katawan. Dahil siguro sa pagod at sobrang emosyon ko ngayon. Sana managinip lang ang lahat. Sana magising an ako sa bangungot na to..

Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon