Bente Quatro

41 2 0
                                    

"Ohh uuwi na kayo?" Tanong ni Aling tessie sa amin ng magpaalam kami.

Kagabi ay nagtapos ang gabi namin sa mainit na pag-iisa ng katawan namin. Yes we made love each other again at the yacht. Madaling araw ng may tumawag kay Eluisar. Urgent daw at kailangang nandon siya para asikasuhin ito.

"Yeah." Maikling saad nito habang hawak ang isa kong kamay.

"Naku, Mamimiss ko kayo niyan.." Malungkot na sabi nito.

"Huwag kayong mag-aalala aling tessie. Bibisita kami ni Eluisar dito pag may oras." Nakangiting saad ko dito kayang nagliwanag ang mukha niya.

"Sige aasahan ko yan. Mag-iingat kayo ha." Paalam nito sa amin.

"Nasaan nga po pala si Lola Flora?" Tanong ko.

"May pinuntahan ata. Wag kayong mag-aalala sasabihin ko sa kaniya na importante ang trabaho niyo sa maynila at kailangan niyo ng umalis."

"We'll see you tita, we need to go." Paalam ni Eluisar dito.

Tumango ito at ngumiti. Umakyat na kami sa yati at nagpahinga. Natulog ako sa biyahe dahil sa pagod kagabi.


I wake up ng maramdaman ang pagyakap sa akin ni Eluisar sa aking beywang.

"Hey hon.." Nakangiting bungad nito sa akin

Kaagad akong ngumiti ng makita siya.

"Nandito na ba tayo? Teka nasan tayo?" Tanong ko ng mapansing wala ako sa loob ng yati. Nasa isang malaking kwarto ako.

"We're here at my house." Kaagad napakunot ang noo ko.

"Kanina pa tayo dito?"

"Yeah. I did not attempt to wake you up. I know your tired from last night." Ngumisi ito at sinubsob ang mukha sa aking leeg.

"Napahaba ata ang tulog ko. Nagugutom na ako." Napanguso ako ng maramdaman ng kumukulo ang tiyan ko kaya rinig ko ang mahinang pagtawa nito. Kaya tumayo ito at inaabot ang kamay.

"Let's go downstairs. I already cooked food for us." Akmang tatanggapin ko ang kamay niya ng bigla niya akong binuhat na pang bridal style.

"Teka! Ibaba mo ako kaya ko namang maglakad!" Reklamo ko.

"I know." Ngisi nito. Magrereklamo pa sana ako ng hinalikan ako nito ng mabilis sa labi at ngumisi.

Hindi na ako nagsalita pa at ipinilupot na lamang ang mga braso sa leeg nito. The house was huge. Ang ganda ng mga disenyo nito. Ngayon ko lang nalaman na may bahay pala siya.

"Kailan mo pinatayo ang bahay na to?" Tanong ko habang pababa na kami ng hagdan.

"The day I realize that I can spend with you for the rest of my life." Nakangiting saad nito kaya ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Kailan nga." Tanong ko habang naglalakad na siya papuntang kusina.
Ibinaba ako nito sa isang upoan.
at hinarap ako at mapait na ngumiti.

"The day you announced that I'm gonna be a father." Umiwas ito ng tingin sa akin. "I want you to have a house here in city. Para paglumaki na ang anak natin ay mas masusubaybayan natin siya dahil malapit lang ang skwelahan dito." Mahinang saad nito at kaagad na tumingin sa aking mga mata at ngumiti. "And now this house will be worth it because you're back in my life.." Nakangiting saad nito at hinaplos ang aking mukha. "I can't afford to lose you again buen..." Anito at hinalikan ang aking noo. "Let's eat."

Pumunta ito sa kusina at may kinuha doon. Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Sa tuwing maalala ko ang mukha niya nong malaman na magiging ama na siya ay pinanghihinaan ako ng loob..

Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon