Siyete

28 2 0
                                    

Ngumiti ang kaniyang singkit na mga mata sa akin. Ngumisi ako ng makitang lumabas din si Rhea sa sasakyan. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanila? sila sila rin mismo sa mansiyon ang alam kong tatraydor sa akin.



"Buen sa wakas nakita na rin kita!" Malawak ang ngiti niya. Akmang lalapit diya sa akin pero umatras ako.
Nakita ko naman na nakamasid lang si Keit at Rhea sa amin.

"Anong ginagawa mo dito." Mariin ko siyang tiningnan. Kita kong lumungkot ang kaniyang mukha ng mapansin ang galit sa boses ko.

"Buen please umuwi kana...." Nakayukong sabi niya.

"Mas mabuting kayo ang umuwi. Tara na." Lalagpasan na sana namin sila ng hinawakan niya ang braso ko. Marahas kong tinanggal ang kamay niya dahilan para mapaatras siya. Nakita ko namang lumapit si Rhea sa kaniya para tulungan siya.

"Umuwi na kayo." Sabi ko sabay lakad.



"What's wrong with you Buen!" Napahinto ako sa paglalakad. "You're being immature!" Hinarap ko siya at tiningnan ng masama. Gusto ko siyang malagutan ng hininga ngayon din mismo sa harap ko.

"Masyado kang madaldal Bea, mas mabuting umuwi kana sa pamilya mo. Masama sa prinsesa ang lumabas sa palasyo ng hindi nagpapaalam." Tuluyan na kaming naglakad papalayo.



"Hoy baka magsumbong yung kapatid mo sa tatay niyo." Nag-aalalang sabi ni Keit.



Matagal na akong pinapahanap ng tatay ko at alam ko kong bakit. Gusto niyang sundin ko lahat ng inuutos niya. Ang pumatay, magnakaw, at maging pain sa mga kalaban niya. Bihasa na kasi ako sa pakikipaglaban kaya isa ako sa malaking kawalan niya ng lumayas ako sa amin. Balita ko ay pinapahanap niya ako, at tiyak ko na kapag makita niya ako ay paparusahan niya ako.



"Bwiset na Rhea." Bulong ko. Kung alam ko na sana na trap lang yung pagtawag niya sa akin para matrace kung saan ako, sana ay hindi ko na sinagot.

"Kailangang makausap natin sila Alexa." Nag-aalang sabi ni Keit. Nagulat ako ng biglang may mag text sa cellphone ko.



From:unknown number

Don't worry Buen. Hindi ko sasabihin kay Dad kung nasaan ka. Magtiwala ka sa akin...



Sigurado akong galing kay Bea ang text na iyon.



"Oh anong sabi?" Sinilip ni Keit ang cellphone ko at binasa ang mensahe doon. "Owss? mabait pala ang sister mo?" Inirapan ko nalang siya at ibinalik ang cellphone sa bag ko.



Alam kong tutuparin ni Bea ang sinabi niya. Ako lang naman ang dahilan kung bakit naging magulo ang relasyon naming magkapatid. Hindi rin naman niya ako masisisi dahil iba ang mundong kinamulatan namin. Kung siya namulat sa mala prinsesang pamumuhay ako naman ay namulat sa marahas na buhay. Nang makarating kami sa trabaho ay kaagad akong nagbihis.



Huminga ako ng malalim at nag simula ng magtrabaho. "Hoy Buen tawag ka daw ni madam!" Sigaw ni Joyce sa akin na isang dishwasher.



Kumatok ako bago pumasok. Nadatnan ko si Mrs. Tan na nakasuot ng salamin niya at nagbibilang ng pera. Tiningnan niya ako at ibinaling muli ang paningin sa perang binibilang at inabot sa akin. Tinanggap ko ito at nagtaka.



"Ikaw dami na atraso sakin ah" Sabi niya habang nanliliit ang mata na nakatingin sa akin. "Una, ikaw sablay hatid deliver kay Anton, Dalawa, ikaw hindi bigay sakin pera noong ikaw may ka meet up, at huli ikaw hindi pasok tatlo araw."

Napalunok ako at yumuko."Pasensya na ho kayo Mrs. Tan."



Huminga ng malalim ang matandang nasa harap ko.



Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon