"Mama, ang ganda po nito oh!" Napatingin ako sa hawak niya na damit na nakasabit pa, nagtaka siya nang mahatak ang damit mula sa pagkakahawak niya, mukhang nahatak din ito sa kabilang side. Napatingin ako at nakita ko agad si Samira na may hawak na phone at nakatalikod.

"Let's just meet at your condo, 'wag ka na pumunta dito."

"Cordelia?" Nagawi ang tingin sa amin ni Samira at kumunot ang noo ko nang mabilisan niyang tapusin ang phone call niya. Pareho pala na si Cordelia at Soraya ang nagandahan sa damit.

"Is that what you want, Cordelia?"

"Opo, mommy." Sagot ni Cordelia na hindi manlang tumitingin sa amin.

"Hanap na lang tayo ng iba, anak?" Nakangiti ko na tanong kay Soraya at tumango-tango naman siya.

"Do you want this one?" Napatingin kami kay Samira. "I'm sure there's some stocks here."

"Kay Cordelia na lang po." Ramdam ko sa anak ko na napilitan lamang siya na sagutin si Samira, sinabi ko naman na sa kaniya na 'wag na siya magalit pa kay Samira dahil away matanda na 'yon.

"Cordelia, find another, it looks like Soraya was the first to find it."

"Mommy, gusto ko po talaga nito." Wika ni Cordelia kay Samira.

"Sa 'yo na 'to Cordelia." Wika ni Soraya habang nakangiting binigay kay Cordelia ang damit, bahagya naman akong nalungkot nang padarang na kinuha iyon ni Cordelia.

"Anak, tara na? Hahanap tayo sa iba pang store." Wika ko at tumango-tango naman sa akin si Soraya. Sa totoo lang ay nasasaktan ako sa pinapakita ni Cordelia, nais ko sana sabihan si Samira na sabihan ang anak niya na hindi tamang sumasali sa away ng mga matatanda. Pero alam ko naman na mabait talaga si Cordelia sadyang nagalit lang siguro talaga siya dahil ang naabutan niya ay ang sinampal ko si Samira.

"Sanya?" Napatingin ako sa tumawag sa akin at si Uno 'yon.

"Uno? What are you doing here?" Si Samira ang agad na nagsalita at lumapit sila sa amin. "Hindi ba pupunta ka pa kay Siwon? Sigurado akong hinahanap ka na niya, 'wag mo na paghintayin pa siya."

"Hello po, ninong." Napatingin si Uno kay Soraya, nangiti siya at bumaba upang makaharap si Soraya.

"Uno, hinahanap ka na ni Siwon."

"Saglit lang 'to, Samira." Wika ni Uno at hindi manlang inalis ang tingin kay Soraya. "I heard what happened in your school, ayos ka na ba?"

"Opo! Na-save po ako nina Mama at Tito Mayor!"

"Soraya, mano ka sa ninong mo." Wika ko at tumango naman siya.

"Mano po, ninong."

"Pwede ba na hug na lang?" Tanong ni Uno habang naka buka ang kaniya bisig at hinihintay na yakapin siya ni Soraya. Yumakap nga si Soraya at niyakap din siya ni Uno. "Your Ninong will always be here, protecting you too."

"Uno, paghihintayin mo pa ba talaga ng matagal si Siwon? You know that his time is gold."

"Sige na, Soraya. Una na ako ah?" Tumango naman si Uno at tumayo na. Kita ko sa kaniya na hindi niya pa nais umalis ngunit wala siyang nagawa dahil mukhang kailangan niya na ata talaga puntahan si Primo.

Muli ko na nilingon sina Samira ngunit umalis na sila upang pumunta sa cashier. Inaya ko na sa ibang shop si Soraya upang mamili pa.

Naglaro pa si Soraya sa mga palaruan sa mall at palagi pa akong sinasali. Sobrang daming gusto ni Soraya kaya pareho kaming pagod na pagod nang matapos. Ito talaga ang una ko na ginagawa matapos ko magkaroon ng sweldo, agad ko na ililibot si Soraya. Nakakapagtabi ako palagi, kaya naman plano ko rin na kung kakayanin ko na ay magpagawa na rin ng bahay para sa amin. Ang sarap magkaroon ng madaming plano pag alam ko na si Soraya ang unang-unang matutuwa.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon